(Ken, The Post-it Guy's POV)
Pambihira! Pangalawang POV ko pa lang to ah, eh nasa Chapter 11 na tayo. Di talaga ako type ng author na 'to. (-____________-)
"Mararamdaman mo sa puso mo yan kung tunay mo ngang mahal ang isang tao. Ang pakiramdam ng kasiyahan na tanging ikaw lang ang makakaramdam. I pray for your happiness."
'To yung huling pag uusap ni post-it girl ko. Ilang buwan na ba ang nakalipas simula nung huli naming convo. Nakaka-miss pala ang babaeng 'to. :"D Parang gusto ko lang magparamdam sa kanya ngayon. Awoooo! Hahaha.
Pwera biro, parang ano kasi eh... parang wala ako sa sarili ko these past days or baka nga weeks pa. Ewan ko nga ba. Ang dami lang sigurong nangyari na kahit ako di ko na maintindihan talaga. Di ko alam kung tama ba yung desisyon ko o hindi. AHHHH! EWWAANNN! Magaan ang loob ko sa post-it girl na 'to na para bang pwede ko syang pagkatiwalaan. Weird nga eh!Di ko sya kilala pero parang kilala ko sya. Haha! Ang gulo!
Oo nga pala, magtatapos na ang final exam week namin kaya ibig sabihin SEMMMBREEAAKKK na! Yohooo! Sana wala akong bagsak, hohoho! Good timing to para kumustahin si post-it girl ko. Hehehe!
I wanna meet her.
Sana.
(Inna's POV)
Yes! Sembreak na! Tapos na ang 1st sem. Wohooo! Ang bilis ng apat na buwan ah. Ang daming nangyari. Sana next sem bagong buhay ulit. Hehehe!
"So tonight, let's go crazy crazy crazy till we see the sun.." Di halatang masayang masaya akoooo! Nagiging singer ako oh. :DD
"Aba, Inna di talaga halatang masaya ka ah? Hahaha. Naku, sana lang talaga walang bagsak para tuloy ang party-party!" Biglang sabat ni Madonna.
"Oo nga eh, sana. Puro mga terror pa naman ang mga prof natin this sem. Pambihira!", biglang napatigil ako sa pagkanta. "Pero saka na yan, happy happy muna tayo para Masaya ang buhay! Wohooo.." Tuloy ang saya ko. Hahahaha. :DD
Katatapos lang ng last exam namin for the sem at naglalakad na kami palabas ng building. Papunta na kami ng CENCOM building ngayon para ipasa tong last project namin.
"Naku guys, kelangan ko palang bumalik sa Department Office natin nakalimutan ko na kakausapin pala ako ni Prof. Bretana.", biglang sabi ni Madonna.
"Naku po! Ako nga rin pala. Sabay na tayo Mads.", pamamaalam naman ni Saharah.
"Bye guys! Text-text na lang tayo kung may outing or kasiyahan ha?" pahabol pang sabi ni Madonna. At sabay nga silang bumalik ng Department Office.
Naiwan kaming dalawa ni Alex..
"Oh ikaw, may pupuntahin ka rin ano? May date ka ano? Ayyeee! Hahaha." Pabiro kong sabi kay Alex. Pero alam kong gusto nya na ring magpaalam. Kitang kita ko ang kating-kati nyang mga paa. Hahahaha.
"Ha? Ano? Wala ah.. Ano kasi Inn, pasensya na. Nag text yung mga kasamahan ko sa Ministry, may meeting pala kami at hinihintay na nila ako.", pag-aalinlangan nyang sagot.
"Oh sige na, oo na. Ako na ang maghahatid ng project natin. Tutal malapit lang naman yung building. Nakuuu! Malilibre nyo talaga ako. Hahahaha." Wala na akong magagawa.
At umalis na nga rin sya.
Ako na lang mag-isa. -_-
Magdidilim na. >_<
Lakad.
Takbo.
Wait.... Feel kong icheck ang under the table kung may post-it bang nakadikit. Malay mo naman naalala ako bago sya umalis. Mwahehehe.
YOU ARE READING
Post-it Stranger
Short StoryMay dalawang klase ng attraction-- una, positive attraction, na kung saan gusto mo yung mga katangian nya; pangalawa, negative attraction, dahil mas nauna mong nakita ang mga ayaw mo kaya naaasar ka sa kanya pero the truth is you are UNCONSCIOUSLY A...