Post-it 9. Past and Revelations

28 1 0
                                    

(Inna's POV)

To YOU:

"I already decided, Ill be choosing the first girl."

Eto yung huling sinabi ng chatmate post-it guy ko. Ipinaliwanag ko sa'kanya na kung mahal mo talaga yung nauna, di ka naman maiinlove sa pangalawa eh. Pero sabagay, baka panandaliang pagka gusto lang naman talaga yung naramdaman nya dun sa pangalawa kaya hinayaan ko na.

"Mararamdaman mo sa puso mo yan kung tunay mo ngang mahal ang isang tao. Ang pakiramdam ng kasiyahan na tanging ikaw lang ang makakaramdam. I pray for your happiness." Ang huli ko namang sagot sa'kanya. Naks! Parang love expert lang? Hahaha.

Tungkol naman sa nai'share ko sa kanya. Oo, inamin kong baka nga attracted ako sa taong di ko naman kilala at di rin ako kilala pero nabanggit ko rin na may ibang babae na sa puso ng taon yun na nagpapasaya sa'kanya kaya kahit anong pilit ay magiging strangers pa rin kami sa isa't isa.

"You can't let go if you haven't even hold on. I hope that that guy would notice you also. Please be happy!", ang huli nya ring payo sa'kin. Oh sige na, kami ng pa'expert sa love. Hahahaha!

Ba't kaya ganun ano? Sa lahat-lahat, pag konektado sa pag-ibig ay nagiging komplikado ang mga bagay-bagay?

Halos magdadalawang buwan narin simula ng kumalat na ang relasyong Terrenze-Melissa. Pareho kasi silang sikat sa campus dahil na nga sa pareho rin silang writers ng school publication namin. Nasanay na rin naman ako na hindi na kami nag-uusap pag nagkakasalubong kami sa kung san man kami magkakasalubong.

Oo nga pala, September na! Kaya busy-busyhan na ang mga tao dito sa campus gawa ng upcoming school festival na tinawag nilang "Pasiklaban Festival" kung kelan eh maglalaban-laban ang bawat academic organizations, fraternities, ministries, non-academic organizations, etc. Pasiklaban ika nga, pasiklaban ng galing at talento.

One of the main highlights ay yung Modelling and Fashion show. Since ako yung Class Mayor eh ako yung gagawing model, hahaha! Jokes! Height ko pa nga lang, di na pwede eh, pano na lang ang beauty and brain? Lols! I am assigned to facilitate our models from our club but since naging busy ako this past few weeks kaya yung Vice ko na lang muna ang tumulong sa'kanila during the screenings and photoshoots (oh diba, sosyal naman pala 'to eh, may photoshoots pang nalalaman! xD)

Final day of Photoshoot.

Vacant na ako kaya ako na mismo ang mag aassist. Isang close door photoshoot ang gagawin nila this time, out door kasi ang ginawa nila last time eh. Everybody's busy, models man o yung mga assistants pati na rin yung nag seset up ng studio and all the camera and lightings.

"Pres, sabi ng mga assistants ni Sir Dela Rosa di raw makakapunta si Sir due to a very important and emergency meeting nya sa Davao.", isa sa member ng committee ng event na 'to.

"WHHAAATT? Nooo! Hindi maaari, wala tayong pampalit sa'kanya. So late na to find also a replacement. And also wala rin ang mga official photographers ng University kasi may out of town trip rin sila.", kinakabahan na ata si President Galvan, ang University Student President namin.

"Everyone, guys sino sa inyo ang may background on photography or may kakilala na pwede na nating ma'contact ngayon na.", tanong nya sa'min. But nobody answered, nagkatinginan lang ang lahat. Naku di kami matatapos neto pag walang pumalit. Pambihirang Mr. Dela Rosa yun, nang iwan na sa ere wala pang ipinampalit. Kahit andito yung staffs nya eh wala namang may gustong itake over ang position nya. I've never met him kasi nga first time kong mag assist ngayon. And so I left with no choice.

"Ahm, Mr. President kung mararapatin nyo po.... I'll do it!", may pag aalangan ko pang pagboboluntaryo. Eh kasi naman sayang yung effort ng bawat isa tsaka yung oras sa preparations.

Post-it StrangerWhere stories live. Discover now