Post-it 15. Terrenze's Moves

30 1 0
                                    

(Inna's POV)

Why am I running away from him again? I must be crazy!

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I am still shaking inside sa mga narinig ko kanina. Oo masaya ako, ang tagal ko na atang gustong marinig yun from him but at the same time, kinakabahan ako, na may kurot. Hindi ko talaga alam. At ngayon I am running away from him again. -___-

Nung nakita ko syang pilit na inaagaw si Melissa dun sa resto, alam ko nasaktan talaga sya at mahal na mahal nya ito. Lalo na nung nakita nyang nasaktan si Melissa kahapon. Baka naguguluhan lang sya kaya nasabi nya ang mga iyon at isa pa nung nalaman nyang ako pala yung kausap nya sa mga post-its. Pambihira. Totoo ba talaga ang tadhana? Bakit sa kanya pa nanggaling yung mga post-its at bakit sa dinami-dami ng taong pwedeng makakita nun, ako pa?

Pwede ba Inna? Wag ka munang maging mabait ngayon? Just be selfish for once and hear him out. Gusto mo rin sya diba? Oh correction MAHAL mo sya.Pambihirang isipan 'to. -___O

Buti na lang Saturday na bukas, di ko sya makikita kundi anong mukha ang ihaharap ko sa kanya?

(_--)(--_)

Sunday.

Nag open ako ng facebook ko after 12345678 years. Hehehehe! Uy, 1 New Friend Request...

From Terrenze Kervin Villanueva. -______-

Accept or Ignore?

Ahh, ewan pinabayaan ko na lang.

Monday.

Monday na! Pwede bang magsuot ng maskara? Urrghhh. How I wish allowed! Alas 8 ng umaga ang klase ko pero sinadya ko talagang pumunta ng maaga para wala akong makitang tao. 7:30AM nakarating na ako ng school, tama nga ako wala pang gaanong estudyante. Hihihi! Dumiretso ako ng room at dun ako magkukulong. ^___^

Pero pagbukas ko ng room may sampung kaklase na akong nauna pa sa'kin. Wow! Himala, ang aga nila. Bagong sem, bagong buhay? Hahaha.

"Uy! Himala ah..." Pabiro kong salubong sa umaga namin. Pinalilibutan nila yung isang upuan. Nang marinig nila ako, isa-isa silang lumingon sa'kin na para bang may ibig sabihin.

"Hala bakit? May utang ba akong hindi nabayaran sa inyo?" tanong ko but honestly medyo kabado na ako.

They make way at nakita ko ang isang bouquet ng malalaking white roses na nasa labindalawa siguro at nakapatong sa isang arm chair. Kaya pala pinalibutan nila ito. Napanganga ako sa ganda. O_________O

"Wow! Ang ganda ng flowers. Ang sweet naman. Kanino 'to? Sayo 'to Nova? Naksss oh!" Panunukso ko sabay paniniko. Hehehe. Pero ang weird, tahimik parin silang lahat. Tapos may inabot sa'kin si Alex.

"Basahin mo.",aniya.

Para syang maliit na card na alam mo yun, yung inilalagay sa mga bulaklak. Naguguluhan ako pero binasa ko ang nakasulat.

"My feelings for you are as white as these roses, genuine and pure.

Have a great day Janinna!

Mula sa Puso,

Terrenze <3"

Napanganga ako. Speechless.

Tuesday.

Sana naman walang weird na mangyari sa araw na 'to. Please?

Psychology Class namin kaya nasa Psychology Department wing kami nagklase. Kanina pa ako kinakabahan. Baka kasi may biglang sumulpot na naman na kung ano. Papatayin ko na talaga si Terrenze makikita mo! -_____-

Post-it StrangerWhere stories live. Discover now