Post-it 12. Happiness!

31 1 0
                                    

(Terrenze's POV)

1 week ago..

Unknown Number Calling...

Unknown Number Calling...

Sino kaya 'to? "Hello? Sino po.."

"Terrenze Villanueva, don't trust your girlfriend Melissa Santiago so much. She is a two-timer."

*Toot toot toot*

End of Call..

What in the world was that?

1 week later...

99..

She said I should think of only happiness habang nagbibilang ako. Una naalala ko si Mommy, tapos si Daddy at yung mga kapatid, and then yung unang nabangga ko sya ng pintuan, tapos yung first dance namin, yung magagandang ngiti nya at yung tawa nya, yung kumakain sya ng kwek-kwek tapos nabasa ng ulan. At yung simple pero napakagandang mukha ni Janinna.

100..

I open my eyes at ang unang mukhang hinanap ko ay ang mukhang kanina ko pa naiisip, pero wala sya. Where is she? Sabi nya andito lang sya. Imagination ko lang ba na dinala nya ako dito?

No, that was real Terrenze!

"Inna! San ka na? Inna?" sigaw ko. San na ba sya? Nakaramdam ako ng lungkot.

Hinanap ko sya kung saan-saang parte ng park pero wala sya. Yung saya na naramdaman ko habang nakapikit ako biglang nawala at ngayon parang nangingilid na yung mga luha sa mga mata ko. I am about to give up ng marinig ko boses nya kaya lumingon ako sa aking likuran.

Nilapitan ko sya and almost hugged her.. just almost.. "Inna! San ka nanggaling?", pag-aalala na may saya na ewan kong pakiramdam.

"Eto oh.." ngiti lang yung isinagot nya at sabay abot.

"Ano 'to?"

"Ice cream, obvious ba? Pasensya ka na dirty ice cream lang afford ko eh. Hehehe. Pero masarap yan, suki ko si Manong Sorbetero." J

"Okay lang, I know it's an ice cream para san to I mean why?", ano ba yan, magtatanong na nga lang mali-mali pa ako. -__-

"Halika, upo muna tayo at nakakapagod ang tumayo." "Well, sabi nila pambawas stressed ang ice cream kaya yan ice cream. J" pagpapaliwanag nya.

"Ahh, hehehe ganun ba. Salamat ha. Paborito ko talaga ang mga street foods. Pero san yung sayo?" Oo nga, ampangit naman kasi na ako lang meron tapos sya wala.

"Ano, nadapa kasi ako kanina kaya ayun nahulog. Hehehehe."

"Hmmm? Yung totoo?", I know she's just kidding me.

"Pambihira, ayaw mo pang maniwala. -___- Oo na, umiiyak kasi yung isang bata kaya ayun ibinigay ko na lang yung sa'kin. Ayos lang yun." :')

Napangiti ako. Ang ganda ng kalooban nya. "Alam mo ba, dalawang tao ang pinatahan mo ngayong hapon na 'to dahil sa ice cream mo. Salamat J I should buy one for you mamaya baka ikaw naman yung umiyak dyan maging kasalanan ko pa. :P"

"Baliw! Hindi ako iyakin ano, :P"

But still pinilit kong bilhan sya kaya wala na syang nagawa. -___^

"Okay lang ba magtanong?" I have to start the conversation para walang awkwardness. Ang panget naman pag ganun.

"Ehh nagtatanong ka na nga oh, hehehe! Peace! Pero sige, pwede pero sa araw lang na 'to. Bukas may bayad na. :P"

"Pambihira naman. Magkano ba? Utang na lang pwede ba? Hahahaha."

"Hindi, bawal utang. Hindi ako yayaman nyan. Bleeh!"

Post-it StrangerWhere stories live. Discover now