(Terrenze's POV)
"Stop! Favor, please let's be strangers to each other again..."
That was her last statement. Nagulat ako. Anong oras na ba? Alas dose na ata ah pero di pa'rin nadadalaw si Ginoong antok sa'kin. Ano ba naman 'to! Pambihira. Di ko alam kung bakit pero laging naka rewind ang mga katagang yun sa utak ko.
TUESDAY.
Kakarating ko lang ng CAS Park. Sinadya ko talagang pumunta ng mas maaga, I think I need to unwind a lil bit of what happened yesterday. Pambihirang babae yun! Nababaliw na ata ako. Haaysst! (-_-)
"Ay butiki!", bigla kong narinig somewhere. Napalingon ako sa bandang canteen, nakakatawa naman yung expression nyang "butiki", HAHAHA! And then I saw a familiar face.
Si.. Inna.
Ngingitian ko na sana sya nung magtama mga mata namin pero, "Stop! Favor,please let's be strangers to each other again..." bigla kong naalala yung mga sinabi nya sa'kin kahapon. Gusto ko lang naman talagang mag sorry sa'kanya sa mga nasabi ko nung Acquaintance Party. Sobra ata syang napikon. Pero be strangers again? Edi wow! Pagbigyan na'tin. I smirked. Sa kakaisip ko, di ko namalayang nakatitig lang pala ako sa kanya the whole time. My goodness Terrenze! What's up with you?
Kanina pa akong nakaupo dito mag isa. Feeling ko tuloy ang bagal ng oras. Nabobored na ako kakahintay. Makapagbasa na nga lang. Nakaka ewan naman, parang gustong gusto ko ng lumingon kung san sya naka-pwesto. Bad position Terrenze, dapat dun ako sa kung san pwede ko syang makita ng hindi ganun ka obvious. Hahaha!
"Hi Terrenze!", sabay kiss nya sa cheeks ko. Nagulat akong napalingon. Si Melissa. Hindi agad ako nakagalaw. Nagulat ako una sa pagkiss nya and second, kung bakit sya andito. Plus, sigurado ako nakita yun lahat ni Inna. Crap!
"Melissa! Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya.
"Have a seat please."
"Kahapon pa kaya kita hinahanap. Nag tetext ako sayo di ka naman nag rereply eh."
"Ah ganun ba? Pasensya ka na, busy lang ako. Alam mo naman, time to work na naman for MinTech."
Inna left already. Deadma pa'rin. Miss Deadma talaga yung babaeng yun!
"Ah, Mel. Sorry, may klase na ako eh. See you later okay?" "Bye!" at dali-dali na akong umalis.
*Titit, titit* (Ang saya talaga ng message tone ko. Hehehe!)
"Hi Terrenze! Don't forget, it's our Tuesdate later! See you sa Jollipet's Snak Hous.", ayun nag text na si Melissa. Ano ba yan, muntik ko pang makalimutan na may date nga pala kami. Andami kasing joiners sa isipan ko eh. Urrgghh!
"Terrenze babe, yung pancake with cheese toppings sa'kin ah." Order ni Melissa. Sikat kasi sa pancake nila ang snack house na 'to. Medyo may kamahalan nga eh. Pero na'iset ko na kasi kaya eto. Pero wait, "babe"? Hahaha. Nga naman oh, nililigawan ko pa 'tong si Melissa pero alams na, konting moves na lang 'to eh. ((((:
I really like this place. From inside you can see what's going on from the outside. At katabi ng place na 'to ay isang kwek-kwek place. Paborito ko ang kwek-kwek pero ayaw ni Mel dun. Di daw safe. :"( Habang kumakain, nasagi ng mga mata ko ang isang grupo na kumakain ng kwek-kwek. Ang saya nila, kwentuhan at tawanan. Habang tinitingnan ko sila, na realize ko kung kaninong grupo yun nang makita ko sya—Inna and her classmates. Ang saya nilang tingnan lalo na sya. Madaldal pala talaga sya whenever she's with her friends at tsaka super simple lang sya. She also eats kwek-kwek same as me. How I wish makakain rin ako ng kwek-kwek with her and just talk to her like endlessly... :'(

YOU ARE READING
Post-it Stranger
Short StoryMay dalawang klase ng attraction-- una, positive attraction, na kung saan gusto mo yung mga katangian nya; pangalawa, negative attraction, dahil mas nauna mong nakita ang mga ayaw mo kaya naaasar ka sa kanya pero the truth is you are UNCONSCIOUSLY A...