(Ken's POV)
*Whistling*
"Aba, mukhang masaya ka ah! Alam mo, sa lahat ng estudyante ikaw lang ata yung masaya sa first day of school. Hahaha!", unang hirit sa'kin ni JM.
Oh yes, 1st day of school for the second semester na! Parang excited ako for this sem eh, ewan ko ba. I can feel HAPPINESS!
"Syempre naman, na'fifeel kong may bagong buhay ako sa sem na 'to! Hehehehe", masaya kong sagot. :DD
"Naks naman! Ano, imi'meet mo na ba yung mysterious post-it girl?", singit ni Wendell.
"Hmmm, baka ewan ko. Basta alam ko may mga pagbabago." *____* Naka-ngisi ko pa ring tugon sa kanila. Inspired ako eh. Hehehehe!
"Ewan ko sayo tol! Ang weird mo ngayon!", si Darwin.
"Oo nga tol! Hahahaha." Dagdag pa ni JM.
Salamat ha, napaka supportive nyong mga kaibigan! -_______-
Anyways excited ako kasi alam ko 100% sure sasagot si post-it girl ko. :DD
(Inna's POV)
Haay, second semester na naman! Sana lang maging maganda na ang semester na 'to. *____* Eto na naman ako, makikita ko na naman ang mga pagmumukha ng butihin kong mga kaklase. Kakapasok ko pa lang ng classroom namin at isang balita agad ang bumungad sa akong mga magagandang tenga.
"Uy guys! Nakita nyo yung post sa FB Page ng SMU? Tsk.", walang preno talaga ang bunganga ni Zyrah pagdating sa tsismisan.
"Ay oo nga, nakita ko yung video. Grabeh gurl ang hanep talaga. Akalain mo yun!" eto pa, idagdag mo pa si Marianne.
"Ano ba yang chika na yan? Pa-share naman." Nakiusyoso pa 'tong si Joep eh.
Nakita kong may pinapanuod silang lahat, yes AZZ IN LAHAT kahit yung mga boys nakichika na rin. Naka-laptop eh, sosyal tapos may wifi pa, edi updated talaga sa chika eh noh? Well, nakinuod na rin ako gawa ng na-cucurious lang ako sa kung ano man yang tsismis na yan.
"GOLLY GOAT!" Oops! Di ko sinasadyang reaksyon. Kasi... Kasi... Video lang naman nina Melissa at Sir Galas yung naka post and umabot na sya ng almost 1,000 likes at daan-daang komento. Pero sa video di nila alam na si Sir yun kasi nga nag transform. Ang sweet nila sa video, sa isang beach resort ata 'to and ofcourse alam mo naman ang kasuotan sa beach alangan namang naka-gown diba? Kaya mas intimate yung PDAs nila.
"Diba? Sabi ko sa inyo? May sapagka-bruha talaga yang Melissa na yan! Hmmp! Di ko talaga sya bet eh! Mas bagay pa si Terrenze kay Nova. Diba Novs?", isang pabiro pero maanghang na komento naman galing kay Rose.
Goodness! Si Terrenze, baka mapanuod nya 'to. Akmang tatawagan ko na sana sya kaso naalala ko wala pala akong phone number nya tsaka di rin kami friends sa FB. -_____-
..............
Abot hanggang CAS Park ang tsismis. Kararating lang namin dito after almost 5 hours sa loob ng laboratory room. Dinig na dinig ko ang bulung-bulongan nila (bumulong pa sila). Sinikap ko ring hagilapin si Terrenze pero di ko pa sya nakikita. Hindi naman ako makapagtanong kasi baka magtaka yung mga kakilala nya tsaka mga kaklase ko. Baka akalain pa nila FC ako sa kanya. Hmmmpp! -___-
Naupo ako, kanina pa sumasakit ulo ko sa tsismis na yan. Naku naman oo! Ang hirap naman kasing hagilapin ng taong yun. Dahil masakit ang ulo ko binuksan ko na lang yung libro na kanina pa ako bigat na bigat kakabitbit, nang biglang nahulog ang isang post-it.
"Uy, ano 'to? Ang paborito kong kulay na blue na papel." Napulot sya ni Alex at akmang babasahin na nya sana.
"Uy, uy, uy! Bawal yang basahin. Kung sino mang makakabasa ng nakasulat dito ay isusumpa. Awooo!" Sabay agaw ko sa papel. Bleeh! >:P
YOU ARE READING
Post-it Stranger
Historia CortaMay dalawang klase ng attraction-- una, positive attraction, na kung saan gusto mo yung mga katangian nya; pangalawa, negative attraction, dahil mas nauna mong nakita ang mga ayaw mo kaya naaasar ka sa kanya pero the truth is you are UNCONSCIOUSLY A...