Isang linggo..
Dalawang linggo..
Dalawang linggo na mula ng magkita kami ni Inna, dalawang linggo na ring hindi nya ako pinapansin. I tried to pero umiiwas sya. Parang balik kami sa mga panahon when she asked me to become "strangers" to each other again.
I feel so sad.
Masaya ako ng makita ko na sya pala yung kausap ko sa post-its kahit nagulat ako. Pero sya parang di ata eh. :'(
"Pare, pare! Si Melissa.... Dali." Biglang bumukas yung pintuan ng office at bumulaga sa'min si Archie na hingal na hingal.
"Ha? Bakit pre?" Nagulat rin ako.
"Ano... away... sa CAS Park.." hingal nya paring sagot.
"ANO?"
"Basta, halika. Sumunod ka sa'kin. Bilis!"
Nagsitakbuhan kami ng mga kaklase ko papuntang CAS Park. Naabutan ko doon ang parang may rambolan. Nakita ko kaagad si Melissa na parang sinusugod ng tatlong hindi ko kilalang mga babae. Actually binabato nila si Mel ng mga itlog.
"MEL!.." sambit ko sabay lapit ko sa kanya at awat sa tatlo. Pero nagulat ako ng makita ko si Inna na nasa harap ni Melissa I mean sya yung sumasalo sa lahat ng itlog na binabato kay Mel. O____O
"INNA!" pagtawag ko sa kanya.
Tiningnan nya lang ako at sumenyas na ilayo na si Melissa sa lugar na yun. Pero hindi ako maka'kilos. Gusto ko syang protektahan pero andun din si Melissa. Alam kong para kay Melissa ang mga itlog na yun, marahil sa issue na naka'post sa FB Page ng SMU. Napanood ko na rin ito pero never akong nag react. Hindi ko rin kinausap si Mel about it. Kaya pala nung unang araw ng sem halos lahat ng estudyante pag nakikita ako eh tumitingin sa'kin. And now, gumawa na nga ng paraan ang haters nya, damay pa si Inna. My goodness! -____-
"Inna!" - Alex
"Inna!" – Rose at Saharah
"Inna!" - Darvy
"Inna" - Zyrah
Narinig kong tawag sa kanya ng mga kaklase nya nung inilayo ko na si Melissa.
(Inna's POV)
"Oh my gosh Inna, punta na tayo ng hospital. May sugat ka sa mukha oh.", suhestiyon ni Jade.
"Sugat lang, hospital agad? Bakit 50/50 na ba yung mukha ko? 50 unggoy 50 tao?" pabiro kong sabi.
"Ikaw talaga, nakuha mo pang magbiro. Halika at gamutin natin yang sugat mo." Pamimilit sa'kin ni Alex.
"Ano ba kayo, okay lang ako. Sugat lang yan malayo pa sa bituka yan. Pero alam ko medyo nangangamoy itlog na ako ngayon so kelangan ko talagang umuwi." Nakangiti ako para tigilan na nila ako sa pamimilit na pumunta ng hospital.
"Bruhita talaga yang si Melissa. Nadamay ka pa sa kalokohan nya. Naku kung hindi lang kami na'late ng dating ako na mismo bumato sa kanya ng mga itlog na yun." Hehehe, laki talaga galit ni Zyrah sa kanya ano?
"Ssshhh.. Shhh.. May pinagdadaanan din yung tao. Hindi naman talaga natin alam ang buong kwento so wala tayong karapatang husgahan sya. Tanging yung video lang naman yung nakita na'tin diba? So awat na." sagot ko sa kanila."Haay naku, oo na Santa Inna. Sa sobrang bait mo nangangamoy itlog ka na." si Zyrah at nagsitawanan na lang kami.
"Oh sya, uwi muna ako ha. Pakisuyo na lang ako Kay Miss Manceras ha? Salamat."
"Samahan na kita Inna." Makulit talaga 'tong si Alex eh.
"Naku! Aabsent ka pa ng dahil lang sa'kin, wag na. Babalik din naman ako agad for the next class."
YOU ARE READING
Post-it Stranger
Short StoryMay dalawang klase ng attraction-- una, positive attraction, na kung saan gusto mo yung mga katangian nya; pangalawa, negative attraction, dahil mas nauna mong nakita ang mga ayaw mo kaya naaasar ka sa kanya pero the truth is you are UNCONSCIOUSLY A...