CHAPTER ONE

13 0 0
                                    

"Hala! Ang cute mo naman!"

Isang matinis na boses ang nagpagimbal sa inaantok kong diwa. Halos mabilaukan pa ako dahil nginunguya ko ang itlog ng pugo nang biglang bumungad ang batang babae sa harapan ko.

Tsk! Buti na lang nilunok ko agad! Malaking kahihiyan kapag nagkalat ako rito dahil marami pa namang tao.

Hilaw akong ngumiti matapos kinalma ang sarili dahil sa pagkagulat. I felt like I almost had a heart attack! Kaka-inom ko yata ito siguro ng kapeng barako. I should remind myself not to drink caffeine too much.

"Uhm. Hi?" awkward kong bati. "May kailangan ka ba?"

"Sorry, eunnie. Did I shock you that much?"

I smiled. Her tone became sweet and cautious, as if she realized she had overworked her behavior.

"Medyo," tinaas ko pa ang kamay at nag-hand gesture ng 'slight lang'. "But I'm all fine."

"Pasensya na po talaga, ha? I get really excited po kasi kapag nakakakita ng mga aso."

I nodded as I understood what she meant. At dahil doon ay napalawak pa ang ngiti ko.

"Naks! Edi same pala tayo?" I cheerfully said to lighten her mood.

"Talaga po, eunnie?!"

Tumango ako. "Para nga akong sinasaniban ng pagiging hyper kapag kahit litrato ng aso lang ang nakikita ko."

"Omg, same!" She exclaimed. "But eunnie, can I take a picture with your dog? He's so cute po kasi," she pleaded.

Walang alinlangan akong tumango na mas ikinalawak ng ngiti niya.

"Gusto mo ilabas ko siya sa kulungan niya?"

"Hala! Puwede po ba?" pinagsiklop pa nito ang mga kamay na parang tinatago doon ang excitement na pumipilit na lumalabas.

Tumango ako bilang sagot. Binuksan ko ang kulungan ni Pochi at saka kinuha ito para ibigay at ipakalong sa bisig niya.

Her moment with Pochi lasted for about 10 minutes. It was just a short time, but I got to know her, at least. She has a pretty name. It was Xiana. Pronounced as Sayana. Just like me, she also loves to take care of fur pets. Nai-kuwento niya pa nga na may dalawang adopted stray dogs siya at isang adopted stray na pusa.

Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kaniya. I hope I can meet her again, especially her fur babies.

"Oh, 'yung mga sasakay diyan ng two-stops. Umakyat na!"

Lumihis ang tingin ko sa harapan nang sumigaw ang konduktor ng bus. Taranta akong lumingon sa likuran, nagbabasakaling mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na tindig ni papa. Ngunit bigo akong makita siya.

Sa dinadami-dami kasi ng puwede makalimutan, e 'yung cellphone ko pa talaga! Ayan tuloy, naperwisyo ko pa si papa pauwi sa amin para kunin ang nakalimutan kong gamit. At ngayon naman ay halos mapuno na ang bus na siyang sasakyan ko dapat para mabilis na makarating ng Iloilo.

Nahinto na lang ako nang biglang may humarang na naman sa paningin ko.

Inangat ko ang tingin at tumambad sa akin ang isang babae na namumula pa ang pisngi.

"Hmm, teh? Puwede po bang magpa-picture sa kasama niyo? Kung puwede lang naman po." Nahihiya nitong tanong sabay tahing pa ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

My brows knitted due to curiosity that tangled in my head. I just found her actions so weird. Mukha siyang kinikilig at parang pinipigilan niya ang sarili na tumili sa saya.

Ewan. Baka masyado ko lang yatang ini-exaggerate ang reactions niya?

Si Pochi lang naman kasi ang katabi ko mula kanina rito sa waiting area. So alangan namang i-assume ko nga na kinikilig ito sa alaga kong aso, 'di ba? That would be crazy!

Sentry of The Wounded HeartWhere stories live. Discover now