Watching Korean movies at night without even thinking that tomorrow you have to go to school early in the morning because you have an important seminar has never been a good suggestion. Not even a good way to reduce your stress permanently!
Nanood ako ng ilang movies pagkatapos kong matapos kong ma-review ang assigned topic ko sa seminar. I watched to reduce my stress, ngunit ngayon na late akong nagising. It's the aftermath. Mas lalo lang nagdagdagan ang stress ko na hinaluan pa ng kaba at pagiging aligaga.
Male-late talaga ako nito!
Wala na akong pakielam sa ayos ng mukha ko ngayon. Hindi na nga ako nag-abalang magsuklay at tinali na lang into messy bun ang buhok ko. Nang makabihis ng uniporme ay hinablot ko ang itim kong school shoes na may takong, dinala ko ito pababa ng living room.
"You seem in a rush? Nakakain ka man lang ba?"
Natigil ako sa pagsu-suot ng sapatos ko at inangat ang tingin kay Salem na mukhang may hinihintay. May konting gulat na sumilay sa mga mata ko nang makita siya. Saglit pa akong nakaramdam ng pagkailang at hiya dahil sa sitwasyon ko ngayon. But whatever, mas nakaka-hiya kaya kapag na late ako sa klase ko!
I think he's waiting for me. Ilang linggo na siyang nag-aabang sa akin lagi sa living room sa tuwing may pasok.
Binalik ko ang atensyon sa naudlot na ginagawa.
"Sa CPU na lang ako kakain. Male-late na kasi ako," sagot ko na hindi siya binalingan ng tingin.
He didn't say another words. Bigla na lang itong umalis sa kung saan na walang pasabi. Hindi ko na lang siya pinansin.
After finally wearing my shoes, I grabbed my things on the glass table and ran outside of the house. Wala na akong pake kung baka matapilok ako sa kakatakbo or mamaga ang paa ko.
What's important to me is the time! Time is surely a gold mine today. Every second cannot be wasted because it will turn into a useless stone.
Nanginginig ang kalamnan ko nang makarating sa gilid ng highway. Ininda ko iyon habang aligagang nag-aabang ng masasakyang tricycle.
Lord? Bakit wala pang tricycle?!
Gusto kong maiyak dahil magli-limang minuto na pero wala pa rin akong makitang trisikel na paparating. I'll just hope that my professor will come later than me. But it's too impossible! Sa sobrang punctual ng prof namin, asa namang male-late 'yun.
"Take a breath, and relieve that rush of thoughts. You will only attract more negative vibes if you allow your anxiousness and your cram to eat you."
Sa sobrang aligaga ko, hindi ko man lang namalayan ang pagdating nito. His breathing is kind of unusual; it seems like he's also in a rush. Tumakbo ba siya para maabutan ako? I thought he already departed as he left the living room to go somewhere.
Nonetheless, his words suddenly put my hysterical adrenaline at ease. Tama naman siya. There's nothing good if I will only let this anxiety rule my mind and my body.
"Late na kasi talaga ako. Ako pa naman ang unang magiging speaker sa seminar. I shouldn't let this one pass dahil nakasalalay ang pagiging Dean's Lister ko rito."
Noon sabi ko kay Jaku na hindi naman importante kung mapapasama ako sa Dean's list, pero pagkatapos kong marinig ang magandang opportunidad kapag naging Dean's lister ako nang consistent para sa latin honor. Gusto ko nang kunin ang titulong inaasam rin ng iba.
May inabot itong sandwich na nakabalot sa plastic.
"Eat this. You might forget what you memorized and studied last night if your stomach is empty."
YOU ARE READING
Sentry of The Wounded Heart
Teen FictionIn a city where love remains endless, Ezther is a slow-witted girl growing into a patriotic woman living in a room of doubts and prior dignity. She chose her life to be dependent on her father's will, but only when she met Salem, a man of silent kin...