CHAPTER ELEVEN

12 0 0
                                    

For almost two months since the break, ngayon lang ulit ako nakabalik sa may Super Public Market. Kaming dalawa lang ni Salem ang naatasan pumunta ngayon para bumili ng lulutuin mamaya dahil umuwi si Jaku sa Viejo.

We are always the market trio who visits Tatay Dolong and Nanay Roseng's stall. But due to a reasonable occasion, we're now in duo.

I met Tatay Dolong the second time I visited them, and he's really a good old classic man. Minsan nga'y nagpapatawa rin ito. He has the classic humor that never gets old.

Nasanay ang dalawa na lagi kaming tatlo ang magkasama, kaya ngayon ay nagtaka ang ang mga ito kung bakit wala si Jaku. We explained the reason why he can't join us today. It is because of their church anniversary Thanksgiving day. Invited kaming lahat sa okasyon ng simbahan nila, iyon nga lang ay naka-schedule na rin talaga ang banquet night ngayong huling Sabado ng Nobyembre dahil nga sa mga bagong miyembro ng bahay.

"Tay Dolong, dumating na po iyong delivery truck ng sibuyas at ahos," sabi ng isang kargador.

Tumango si Tay Dolong at pinauna ang kakilala. Inihanda nito ang di-tulak na kariton na siyang gagamitin niya para kargahin ang mga saku-sakong sibuyas.

Concurrently, this man besides me seems interested in helping carry the sack of spices since I saw him folding his long sleeves above his elbow awhile ago. Hinahanda niya ang sarili para magbuhat ng mga sako ng panakot.

"Tulungan na po kayo Tay sa pagbuhat ng mga panakot," he insisted.

"Sigurado ka ba diyan, hijo? Eh, baka madumihan pa ang magandang mong damit na kulay asul," nag-aalalang wika ni Nanay Roseng.

A smile of assurance formed on his lips. Bahagya pa siyang napatingin sa 'kin na parang sinasabi nito ang nga katagang, 'watch and learn how I carry the sack of onions'. Inikot ko na lang ang mga mata ko.

He's probably trying to show-off. Simula sa araw na pumayag si papa na ligawan ako kahit may konting pagtutol sa loob ko, parang nagdagdagan ang kumpyansa nito sa sarili. Ngunit sa akin niya lang pinapakita iyon.

I wonder if it's a part of his courting? Siguro?

"Ayos lang naman po kung madumihan 'tong damit ko. Iyong importante lang naman ay maibsan po 'yung pagod ni Tatay sa pagbuhat ng saku-sakong panakot."

Walang halong pagmamayabang iyon. His words were serious, with pure intentions to help the old man.

"Aba'y mukhang hindi ka naman magpapaawat," natatawang umiling si nanay Roseng. "O s'ya, mag-ingat ka sa pagbuhat. Tig-isang sako lang ang bubuhatin mo nang hindi ka mapuruhan," bilin pa nito.

Nagtaas ako ng kilay nang inangat nito ang kanyang braso. Kita tuloy ang muscles nito na ngayo'y pinagyayabang niya kay nanay Roseng or pati na rin yata sa 'kin, dahil mabilis niyang dinapo ang tingin na may kasamang kindat.

"'Wag po kayong mag-aalala, Nay. Nakahanda po ang muscles ko para magbuhat ng tatlong sako ng sibuyas ngayon," he said it with arrogance and even winked at me as he walked away to follow Tatay Dolong's path.

Walang salita ang lumabas sa bibig ko kahit man lang ang pagtanong. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Besides, he's helping according to his own will. I don't need to ask if it's okay with him. Kailangan ko pa bang kuwestiyunin ang kagustuhan nitong makatulong?

"Ay naku. Alam mo ba, hija, Ester. Iyong batang iyan si Salem."

Napantig ang tainga ko sa biglang pagsiwalat ni nanay Roseng tungkol kay Salem.

"Anak ng mayaman pero sanay kumarga ng kung anu-ano," namangha nitong pahayag.

Ang tingin nito'y nakatuon kay Salem na pinapasan ang isang sako ng sibuyas sa kanyang balikat habang papalapit sa kinaroroonan namin.

Sentry of The Wounded HeartWhere stories live. Discover now