"Ez, hindi ka pa ba uuwi?"
I stopped scrolling the web, raised my head, and I met Sandy's worried eyes.
"Nope, mamaya pa ako. Kayo ba?" balik tanong ko sa kaniya.
Tumango siya. "Pasado alas-siyete na kasi baka lumamig na rin siguro ang traffic sa Aquino Road. Panay text na si mama, e."
"How about you, Kel? Sasabay ka ba kay Sandy?"
"Oo, okay lang ba?" may pag-aalala nitong tanong.
"Yup. No probs. Malapit lang namin tinutuluyan ko. Ingat kayong dalawa sa biyahe." Nakangiting pamamaalam ko at hinatid ng mga mata ko ang kanilang presensya hanggang sa pagsirado nila ng glass door.
Sa sobrang dami ng pinapagawa halos dalawang linggo na rin siguro kaming dumadayo at nagpapagabi sa J.Co sa gitna ng Plazuela Dos at SM Southpoint. Kabisado na nga ng mga staff dito ang pagmumukha naming tatlo nina Sandy at Kellen na siyang blockmates ko ngayong sem.
Sa college, ang hirap makahanap ng puwede mo maging kasangga pagdating sa academic related sa mga kaklase mo. Mostly kasi sa mga nag-aaral sa CPU ay mga may pera rin at iyong iba ay sopistikada pa ang mga ugali. At ang hirap talaga nilang pakisamahan especially pagdating sa usapang gastusin, dahil it's either gagastos ka rin katulad nila o hahayaan mo na lang ang sarili mong sumama sa kanila kahit wala kang pera. Kahit ayaw mo namang kumain at ayaw mo ng pagkain, pero wala kang choice kundi bumili na rin dahil nakakahiya naman tumambay sa isang coffee shop kasama sila. Iyong iba naman sobrang competitive naman na umaabot sa puntong ang pangit na pakisamahan dahil pati friendship may competition na rin.
I prefer acquaintances with a balance personality just like Sandy and Kellen. May mga pera rin ito kung tutuusin pero mas gugustuhin nilang mag-commute sa siksikan na jeep. At saka competitive din sila pero in unity, tipong gugustuhin nilang umangat ka rin katulad nila. Walang crab mentality.
Naistorbo ang aking pagha-highlight sa binabasang libro nang mag-vibrate ang cellphone kong nakalatag sa mesa sa gilid ng laptop.
My Bevieee ♡ :
Oy. where na u? May binigay na ibos at suman si Jaku dito. Kakainin mo ba? Kung hindi.. akin na lang ha?
Nagtaas ako ng kilay sa nabasang text message ni Bev at agad na nagtipa para replyan siya.
To My Bevieee ♡ :
Hoy!! For sure namn na meron ka na. Wag mong gagalawin yung sakinnn!!!
Pareho kasi kami nito na paborito ang mga kakanin, pero mas paborito niya talaga ang mga iyon kaysa sa 'kin. Nakaka-ubos nga siya nga isang pinggang biko at ibos, e.
My Bevieee ♡ :
E what time ka na namn ba uuwi? Quarter to 10??
Nangunot ang noo ko sa sunod pa nitong reply.
My Bevieee ♡ :
Sorry couz pero kapg wala ka pa dito before 8:25 pasensyahan na lang at baka wala ka nang maabutan na suman at ibos sa ref
Hindi ko alam kung saan ako nagkuha ng lakas ng loob para bilisan ang pagliligpit. Iyong adrenaline ko ang bilis tumalab at sa isang iglap nasa labas na ako ng J.Co at tanaw ko na ang rumaragasang mga sasakyan sa malawak na highway.
I was looking from left to right when my eyes suddenly captured the moment I never expected to watch.
Parang nag-ugat bigla ang mga paa ko sa sahig dahil sa nakita. Si Salem may kasamang babae sa isang table at seryoso itong nakatitig sa laptop nung babae at mukhang may sinasabi pa dahil tumatango naman 'yung babae.
YOU ARE READING
Sentry of The Wounded Heart
Teen FictionIn a city where love remains endless, Ezther is a slow-witted girl growing into a patriotic woman living in a room of doubts and prior dignity. She chose her life to be dependent on her father's will, but only when she met Salem, a man of silent kin...