Madilim pa ang paligid nang manggising ang pinsan kong masyadong excited sa pag-alis namin ngayon. Kahit pa iyong tulog mantika na si Gav ay hindi nakaligtas sa ginamit nitong torotot para pukawin kaming lahat. But I couldn't blame her for waking us around 4 a.m. because we have an agreement to depart at exactly 5 o'clock in the morning.
Naka-isang basong purong kape ako, pero hindi tumalab ang matapang na caffeine sa inaantok kong diwa. Panay tuloy ang hikab ko habang hinihintay ang iba sa labas.
"Uy," kinalabit ko si Bev na naka-upo sa may floor edge ng van at dikit ang kanyang magkabilang kilay habang nakatamod ang mga mata sa screen ng cellphone niya.
Ka-text yata ang jowa niya?
"Hmm?"she moaned, irritable.
"Paki-bantay muna kay Pochi. Mauna na muna ako sa loob at sa pinakalikod na lang ako uupo. Inaantok pa ako," sabi ko kay Bev at binigay ang handle ng lease sa kaniya.
Tumango siya, kinuha sa kamay ko ang handle nang hindi man lang ako tinapunan ng tingin at saka pumagilid para makadaan ako papasok.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog. But how ironic. I was expecting to be awakened because of the noise, but I didn't wake up for that reason. Nagising ako sa tahimik na sasakyan at may malambot na neck pillow pa ang nakapulupot sa leeg ko.
Wala naman akong natandaan na may nilagay akong neck pillow? Kahit nga unan ay wala. Si Bev, siguro ang naglagay nito. I'll just that thank her later.
Dumungaw ako sa bintana at nagtaka sa tahimik na paligid. May konting sinag ng araw na kaya malinaw kong nakikita ang anyo ng labasan. Halos mga matatayog na punong kahoy ang nakikita ko at para bang nasa gitna ako ng gubat ngayon dahil sa atmosphere nito.
Hinanap ng mga mata ko si Pochi, pero kahit anino nito ay wala akong mahagilap, tanging balhibo niya lang na kumalat sa may upuan.
Tumingala ako sa pamilyar na ingay sa may itaas at unang nahagip ng mga mata ko ang pag-flash ng isang camera. Bigla namang bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwal nito si Salem na magulo pa ang french crop nitong buhok.
Para siyang bagong gising? Or hindi lang talaga siya nakapagsuklay?
"Napag-utusan akong gisingin ka pero 'di na pala kailangan," napakamot sa batok na sabi niya. "Dinala pala ni Orie si Pochi. They already ordered a breakfast meal. Maganda 'yung view sa taas. Wanna come?" Aya nito at walang alinlangan naman akong sumunod.
Mabuti na lang pala at nagsuot na ako ng jacket kanina dahil mula sa paglabas ng saksakyan habang paakyat sa may isang kubo ng kapehan, palamig ng palamig ang simoy ng hangin.
"Ez, dali! Picture tayo!" Lumingon ako sa pagtawag ni Bev, katabi nitong naka-upo sa may malapad na papag si Aya at Orie. Ang photographer ng mga ito ay si Axel.
Pero hindi iyon ang mas nakakuha ng atensyon ko. Sa paglingon ko sa aking likuran, bumungad sa mga mata ko ang kakaibang view na ngayon ko lang nakita.
We are on the almost top of a mountain, and from where I stood I could see the breathtaking view composed of green trees; below is the blue ocean, an island, and what's most fascinating is the sunrise that greets you a lovely morning. This is literally a paradise!
Hinila bigla ni Bev ang kamay ko kaya nawala ang pokus ko sa magandang tanawin. Nagpa-picture kaming apat sa may papag kung saan kita 'yung magandang view sa aming likuran.
"Nasa Carles na ba tayo?" Tanong ko nang makaupo sa may katabing upuan nila Orie at Axel. Kumakain na ang mga ito, sinusubuan pa ni Axel si Orie ng caramel waffles.
"Carles ka d'yan. 'Di pa tayo nakakaalis ng Viejo. Hoy! Gising! Baka nanaginip ka pa Ez." Natatawang sagot ni Gav sa may kabilang table.
"Malay ko naman ba? Mukha ba akong taga Quinto?" Masungit kong sabi. Inikot ko pa ang mga mata.
YOU ARE READING
Sentry of The Wounded Heart
Teen FictionIn a city where love remains endless, Ezther is a slow-witted girl growing into a patriotic woman living in a room of doubts and prior dignity. She chose her life to be dependent on her father's will, but only when she met Salem, a man of silent kin...