"Makakausap ka na ba? Sa'n ba kita ibababa?"
Wala akong imik habang nakadungaw lang ang tingin sa labas ng pinto ng sasakyan. Malayo ang tingin pero nagliliyab ang dibdib ko dahil sa inis. Pangatlong tanong na niya iyon, pero nanigas ang labi ko at parang may sariling zipper at kandado dahil tikom pa rin.
Naiinis pa rin ako at gusto kong magwala!
Hiyang-hiya ako sa nangyari kanina roon sa may Sports Complex. Feeling ko ako pa ang may kasalanan sa pagbagal ng usad ng mga sasakyan. Baka meron pang importanteng lakad 'yung iba, edi nakaperwisyo pa ako!
Kaya bakit ko siya kakausapin as if parang wala lang nangyari?
"Uy," mahina niyang sinundot ang braso ko pero wala pa rin akong kibo. Ramdam ko ang pagkawala niya ng malalim na hininga na tila inalis ang naiipong inip sa loob niya.
Bakit niya pa binuga lang sa hangin kung puwede niya naman itong isigaw? Mas gugustuhin kong marinig ang galit at inis nito kaysa sa marinig ang sunud-sunod na deep sighs nito. Mas ako ang nakokonsensya sa bawat pagbuntong niya ng malalim na paghinga.
He should let those raging feelings out through words. Why keeping it? Hindi ba siya aware na kapag kinikimkim ng isang tao ang inis at galit niya sa sarili ay hindi maganda ang kahahantungan nito kapag tuluyang napuno?
We should be the vessel that deposits some warm water of relief and peace to others, even if our vessel is already filled with rage and grudges. Huwag tayong maging bulkan na sa pananahimik at pag-usbong lang ng hininga ang ginagawa, dahil sa huli ay mapupuno rin iyon at masama pa ang inilalabas, marami pa ang napapahamak.
Ilang minuto ring namuno ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ito nagpupumilit na kausapin o hawakan ako. Ngunit sapat na ang kaniyang sunod-sunod na pagbuntong hininga pati na ang galaw nitong parang hindi mapakali, para masabi kong sa akin nakatutok ang mga mata nito at ino-obserbahan ang galaw ko.
Tumunog ang cellphone ko. Iyon lang ang naging tulay upang maitawid ang ingay sa gitna naming dalawa.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo ng maayos ni Salem at ang seryoso nitong tingin sa cellphone na ngayo'y nasa tainga ko na.
"P-pa." tumikhim ako ng mahina dahil sa lalamunan na natuyo sa matagal na pananahimik. "Napatawag kayo?"
"Magtatanong lang sana ako 'nak kung nakabili ka na ng mga pinapabili ko." Sagot nito sa kabilang linya. Narinig ko pa ang maingay na tunog ng de-motor na grass cutter sa paligid. Either nasa bakuran lang si papa o nasa garden sa may farm dahil iyon lang naman ang mga lugar na laging tini-trim ang yumayabong na bermuda at carabao grass.
Nilayo ko ang cellphone sa sarili at marahang napalunok. "Bibili pa lang pa po ako, Pa."
Mas inuna ko pa kasi ang inis sa lalaking nasa tabi ko kaysa sa importanteng pinapabili ni papa.
"Gano'n ba, 'nak? Edi sakto pala at may ipapabili pa sana akong seed tray at pressure spray, e 'yun kung okay lang sa 'yo baka dumami pa ang bibitbitin mo."
Saglit akong napalingon sa gawi ni Salem. Nahuli ko ang titig niyang parang kinikilatis ang loob ng cellphone ko. Inalis niya rin ang tingin, pero napangisi ako sa biglang naisip.
Mapakikinabangan naman pala kita, e. Bulong ng isipan ko nang maisip ang magandang plano.
Bumuwelo ako sa paraan ng paghinga at pinasigla ang boses.
"Sus! Wala po akong pro-problemahin sa pagbitbit, Pa. May tutulong po sa 'kin sa pagbitbit ng bibilhin. At libre pa po ang sakay ko pauwi." Masiglang pagpaparinig ko at sinulyapan pa ng tingin si Salem. Napa-angat ang makapal na kilay nito at umawang pa ang kanyang mala peach na labi. "Ilang flower pot nga po ulit iyon, pa? 150 ng 3-L at 150 ng 5-L, 'di ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/273559966-288-k656605.jpg)
YOU ARE READING
Sentry of The Wounded Heart
Teen FictionIn a city where love remains endless, Ezther is a slow-witted girl growing into a patriotic woman living in a room of doubts and prior dignity. She chose her life to be dependent on her father's will, but only when she met Salem, a man of silent kin...