"Syet naman, Maria Eztheraleigh Consolacion!"
Isang nakakabinging ingay ang lumusot sa gahiblang butas ng tenga at earphones ko. Ingay iyon ni Bev na parang nanay kung maka-sermon sa kakagising niyang anak.
Kawawa ang magiging anak nito sa future. Bungangera ba naman ang nanay.
"Tanghaling tapat na babad ka pa rin diyan sa KDrama mo! Kahapon ka pa ganyan. Mabubusog ka ba ng kakanood mo diyan, girl?" sermon pa nito at biglang sinirado ang laptop ko.
Napasimangot ako.
"Tsk! Ikaw 'yung literal meaning ng killjoy." matabang sabi ko at napa-upo sa higaan.
Kanina pa ako badtrip tapos nadagdagan naman ngayon. Mukhang the whole day magkikimkim lang ako ng sama ng loob.
I was not in a good mood since I saw that guy again this morning. Sa dinami-dami ng puwede kong makita, ayon siya pa talaga ang unang bumulaga sa umaga ko.
What a good fucking morning, indeed!
Totoong buong araw kahapon nasa kuwarto lang ako at hindi lumalabas. Nanonood lang ng Korean dramas.
KDrama is life, e. Bakit ba?
What happened lately?
I was about to go outside to jog with Pochi when I saw him in the living room, and guess what? Babad pa rin siya sa laptop niya at may pinapanood kanina.
I don't want to assume that he's still watching pornographic videos or nudes. But duh? I really can't help thinking that way because of what happened on my first day on here!
Hindi na rin akong nag-abalang i-check kung bakit seryoso itong nakatitig sa laptop niya, kahit binabagabag na naman ako ng kuryusidad.
Ba't ko naman gagawin ulit 'yun? Once is enough to make realizations. I already learned my shocking prize! Never akong gagawa ng isang bagay na uulitin lang ang isang pagkakamali. I'm not a wrongdoing repeater.
Feeling ko nga na trauma nga ako dahil no'ng nakita ko ulit ang lalaking 'yun, bumilis ang tibok ng puso ko at parang gusto ko na lang kumaripas ng takbo dahil sa kaba.
I was literally in hysterical state at that time!
That maniac guy gave me trauma!
He can't blame me for having a dirty impression on him. Sino ba naman ang hindi mato-trauma kapag katawan ng babae ang makikita mo sa screen nito? E, lalaki pa naman kaya siya!
Like, seriously? With all those places ba naman ba't sa living room pa talaga niya naisipang panoorin 'yung mga gano'n? May mga babae siyang housemates. He should know his place, and he must know how to respect a woman.
Hindi ba siya tinuruan ng mga magulang niya ng tamang manners sa pagrespeto ng kapwa niya?
He can watch it in some places with more privacy: like his room or in boy's comfort room. Andaming private na espasyo dito na pwede niyang angkinin. But how insensitive, sa sala pa talaga!
Tumaas agad ang isang kilay ko sa postura ni Bev. Halatang galing nga ito sa labas dahil nakasuot siya ng high-waisted cargo jeans na pinaresan niya ng white bralette na halos kita na 'yung malinis niyang pusod.
"Ma-ra-yah not Ma-ri-ya. Ilang beses ko ba dapat ipapaalala sa 'yo 'yun? There's a letter H on my name, Becheva." May diin kong sabi at napasimangot sa kawalan.
Why does everyone keep mispronouncing my name even though I've already told them what is the correct pronunciation of my name for a countless times?
Nakaka-inis lang, e! Hindi naman ako nagkulang sa pagpapa-alala, pero lagi na lang nilang minamali. Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos ang pangit ng pagkakabigkas nila, tapos pati spelling minsan mali-mali pa. Justice naman! Pinaghirapan isipin ng mga magulang ko ang pangalan ko.
YOU ARE READING
Sentry of The Wounded Heart
Teen FictionIn a city where love remains endless, Ezther is a slow-witted girl growing into a patriotic woman living in a room of doubts and prior dignity. She chose her life to be dependent on her father's will, but only when she met Salem, a man of silent kin...