CHAPTER NINE

9 0 0
                                    

Before dawn appeared in the morning, we moved to go to the old lighthouse by boarding on the pump boat to the North Gigantes. They rent 5 habal-habal their local name for motorcycles.

Hesitant man ako noong una dahil ako ang aangkas sa dadalhin na motor ni Salem, wala rin akong nagawa dahil sakto lang na may pares ang lahat maliban na lang kay Vino na siyang tour guide namin sa pag-iikot.

It was a bumpy journey along the lighthouse due to a rough and bulky road, but it was fun. May pagkakataon pa nga na napapatili ako at napapakapit ng mahigpit sa bewang ni Salem dahil sa naghalong kaba at saya. If I was mistaken, sinasadya niya nga yata ang minsan na pagbilis ng takbo ng motor dahil tawa ito ng tawa sa tuwing napapa-sigaw ako sa kaba. Mabuti na lang din at naka-angkas si Pochi kila Bev at hindi sa 'min.

Masama ang tingin ang pinukol ko sa kaniya nang makababa. Inihagis ko pa sa kaniya nang walang pasabi ang helmet na suot ko. Mabilis niya naman itong nasalo.

I sneered at him. He's really a good catcher, huh?

"What?" mang-maangan nitong sabi at nakangiti pa ito ng maloko.

I rolled my eyes in annoyance.

"Pa-victim ka rin, ano?" patuya kong wika.

"Oh?" His brows knitted. "Wala naman akong ginawa, ah?"

"Sige, wala, pero sinasadya 'yung pagpapatakbo ng mabilis ng motor," I said sarcastically and frowned.

"Nahuhuli nga tayo kanina sa iba, nagpapabilis pa ba 'yun?"

Natahimik ako. Pinagkrus ko ang aking braso at napataas ng kilay habang ninanamnam ang kanyang sinabi. He grinned when my mouth was shut by his words.

Totoo naman kasing kami ang nasa hulihan. Pero hindi, e. Sadya niya talaga 'yun! Ilang beses ko kasing sinaway pero hindi nakikinig at mas sinasalungat pa ang utos ko. Pinagtri-tripan yata ako.

Kinalas ko ang braso na naka-krus at ilang segundong nagbalik-tingin sa kanya.

"Ah, basta! Nanadya ka!" naiinis kong sumbat at inikot ang mga mata. "Just don't ever do something that triggers my nervousness, understand?"

Tumango siya na tila naiintindihan ang babala na sinabi ko. But I'm doubting his reaction, parang may binabalak pang masama.

"Pero tili ka nga ng tili kanina dahil sa saya," bulong nito pero narinig ko naman.

"Kapag bubulong ka, sana 'yung hindi naman maririnig, 'di ba?" I said annoyingly and walked away inside with Orie and Aya.

Sulit ang paggising namin bago ang bukang liwayway nang makarating sa entrance gate ng ruins at lighthouse. The place is not that spacious, but from the rustic gate, fading paints, and wild vines crawled on the old walls, you will surely feel the essence of the nostalgic past.

Pakiramdam ko bumalik ako sa panahon ng kolonisasyon ng mga Espanyol.

"Tol! Puwedeng paki-picture naman kaming lahat?" paki-usap ni Axel kay Vino at binigay ang camera nito.

Naka-ilang shots kaming lahat sa bawat corner ng lugar. Minsa'y nagpapalit-palit kaming lahat ng puwesto para lang makakuha ng iba't ibang shots. Those photos will be our memories to be kept in the future.

The lighthouse near the ruins looks modern, but according to Vino, the original lighthouse was built a long time ago during the Spanish colonial period in 1834 and is said to be the second oldest lighthouse after Vigan's old lighthouse. Mas matanda pa sa kin ng ilang siglo 'tong parola at ang dami na siguro nitong nasaksihan na mga storya.

Napapatanong tuloy ako kung meron bang untold love story sa lugar na 'to. It can be a tragedy or just a pure classic romance. It's not impossible. Ngunit kung mala trahedya man ang storya at ako 'yung naging ruins? Sira na nga ako sa labas na anyo, bugbog sarado pa ako sa loob. That's savage!

Sentry of The Wounded HeartWhere stories live. Discover now