CHAPTER SEVEN

15 0 0
                                    

For a long time, home is still the most comfy place on earth. The morning chirps of the birds sounded like music in my ears. The whistle of the fresh wind feels like a lullaby that can make me half asleep. Of course, the aroma of the brewed coffee smells like the bittersweet memory of our farm.

"It's finally good to be back." I greeted with a smile to my most favorite view in the world: our farm that can be seen in our house terrace.

"Pero mamaya, babalik ka rin naman."

Napasimangit akong nilingon si papa na may hawak na tasa ng kapeng barako niya. Umuusok pa ito at ang amoy nito ay tila nad-uudyok sa natatakam kong sikmura.

"Ang aga-aga naninira ka ng moment, Pa. Huwag mo na munang banggitin 'yun. Sige ka, baka 'di na ako bumalik do'n," may pagbabanta na sabi ko.

Tumawa ito nang marahan. Ang ganda naman pakinggan ng tawa na 'yun. Sana araw-araw.

"Kumusta nga pala ang paninirahan mo roon at si Aza?" tukoy nito kay tita Leah.

"Hmm. Ayos naman po. Mababait naman po 'yung mga housemates ko, madali lang silang pakisamahan. Si tita naman po masyadong busy sa business niya. Lagi ngang may pinupuntahan ta's sinasama si Pochi."

Tumango-tango ito sa mga sinabi ko at humigop ng kanyang kape.

"Buti naman kung gano'n," aniya na tila napanatag sa nalaman mula sa 'kin.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Salem nang umihip ng malakas ang hangin. Tinangay pa ang mahaba kong buhok na hindi nakatali.

"Ba't niyo pala biglang naisip na Veneracion ang apelyido ni Salem, Pa? Kilala niyo ba siya?" I curiously asked.

Binaba nito ang tasa sa marmol na flat surface ng terrace. Narinig ko pa ang pagbuntong niya ng hininga.

"Inaanak ko siya..."

parang biglang tumahimik ang paligid at naging pokus ako sa gawi ni papa dahil sa narinig at habang hinihintay ang iba pang impormasyon na kanyang isisiwalat.

"Iyong pamilya niya ay kilala rito sa Roxas dati pa. At 'yung mga magulang niya, mga kaibigan ko rin."

"Ows. So it means... 'yung parents ni Salem, kayo ni tita Leah at tito Jerone ay parang nasa iisang circle of friends?" Amazed kong hula, na naging tama rin dahil sa pagtango ni papa.

"Oo, parang gano'n na nga."

"Ibang klase. Ang liit nga ng mundo, 'no?"

I just can't believe it! Malay ko ba na may iba pa palang mga kaibigan si papa maliban kay ninong Jerry at tito Niel.

Namulat kasi ako sa mundo na 'yung mga kilalang kaibigan lang ni papa ay mga ordinaryong tao lang. I didn't know na may kaibigan pala talaga siyang nasa wealthy family. Marami naman actually nakakasalamuha si papa na mga mayayaman dahil nga sa farm namin, pero iba pa rin 'yung naging kaibigan dahil nakilala sa negosyo kaysa sa kaibigan mula noong kabataan niya.

Friends since childhood are treasures to be kept, and the memories with them cannot be replaced.

Gaya na lamang ni Bev, she's an irreplaceable companion. At ngayon ay hirap akong gisingin ang tulog mantika na babaeng 'to.

"Hoy gising! Sabi mo sasamahan mo akong mag-jogging sa Esplanade." Kinuyog ko ang braso niya at kinuha ang unan na nakatakip sa kanyang mukha.

"Hmm. Maaga pa po," she moaned, and pulled the pillow on her side and hulled like a pill bug.

"Ewan ko sa 'yo! Paasa ka talaga." Naiinis kong sabi at tinapon sa kaniya ang pink niyang unan na may mukha ni Strawberry Shortcake.

Our first semester was finally done, and it was not yet the beginning of worse struggles. Alam kong meron pang dadating na mas mahirap na sitwasyon, and even I'm prepared for it I'm still embracing my self for the possibilities.

Sentry of The Wounded HeartWhere stories live. Discover now