CHAPTER FOUR

8 0 0
                                    

I never thought na ganito ka cooperative 'yung mga boarders ni tita Leah. All of them made time and participated in a simple gathering like this, although some of them were too busy and had their tasks to finish.

Gaya na lamang ni Jaku na ni-reschedule na lang sa susunod na Linggo ang pag-uwi nito sa 5th district, sa probinsya niya. He was supposed to go home today, but he chose not to. It's a different level of sacrifice. Importante ang pamilya niya, pero pinili niyang mag-stay ngayon.

But it doesn't mean family is less important for him. I know he has reasons. At kung ano man ang mga naging dahilan niya, sigurado akong may kapupulutan iyon.

We all had our own roles today. Iyong mga boys ang nag-prepare ng lights at saka tables sa rooftop, habang kaming mga babae naman ang naging abala sa pag-grill ng mga baboy at pagluto ng ibang pagkain.

Wala ni isa sa amin ang walang ginagawa. Lahat tumulong, lahat naki-isa.

"Narinig ko kila Aya na may inuman daw. P'wede bang hindi mag-participate sa gano'n?"

"Ang KJ mo naman, ghorl. Parang inom lang 'di mo pa papatulan, e 'yun kaya ang highlight ng banquet night."

Napasimangot ako sa kanyang sagot habang tinitingnan itong ayusin ang sarili sa harap ng may ilaw niyang salamin. Sa pagkakaalam ko vanity mirror ang tawag sa gano'n. Mahigit sampung minuto na siyang nakatamod sa salamin pero hindi pa rin siya tapos, e naglalagay pa kasi siya ng kung anong gamit para sa mukha. Skin care daw.

"Alam mo namang hindi pa ako puwedeng uminom ng alak ngayon, magagalit si papa."

'Yun kasi 'yung golden rule: Bawal uminom ng alak hangga't hindi pa nakaka-nineteen.

I respect my father's rules and reminders so much. Iyon lang kasi ang sa tingin kong paraan para mapanatag ang loob niya.

"Kaya naman pala ayaw. Ibang inom 'yung nasa isip. Masyadong berde talaga 'yung utak mo, ghorl."

"Huh? E, ano'ng inom pa ba?" Hindi niya na naman pinansin ang sinabi ko at walang pasabing hinila ang kamay ko palabas ng kwarto.

Dumiretso kami sa itaas ng rooftop at hindi inaasahang mapahanga ako sa ganda ng ambiance ng rooftop ngayon. Tila nasa isang typical na kainan lamang ako sa mga pinapanood kong Korean drama.

This one is surely a dream come true!

Bawat sulok ay may nakapalibot na aesthetic na ilaw. May curtain string lights sa apat na corner ng lugar. Meron ding iba-ibang kulay ng ball globe lights na napaibsan ang plain na ilaw. Sa itaas ay may mga star lights na nakapalibot sa house sign na nasa gitna at nagmumukha itong bubong na nag-kikislapan.

Agaw atensyon din 'yung naka-ilaw na sign board na may nakasulat na "Tipsy Space" na may background ng isang galaxy. Sa bandang dulo ay, makikita mo naman 'yung parihabang table at may dalawang stove grill na pinalibutan ng mga pagkaing niluto namin kanina.

Andoon na ang lahat ng boarders ni tita Leah, naka-upo ang mga ito sa palibot ng parihabang mesa. Kami na lang pala ang hinihintay ng mga ito.

"Bagong school year na pero wala pa ring pinagbago 'yung pagiging late mo. Dinamay mo pa si Ezther." Pangungunang kutya ni Gav kay Bev nang maka-upo kami sa dalawang vacant chairs sa gitna ni Jaku at Axel.

"Ikaw nga, bagong school year na wala pa ring changes sa pagiging bantayero mo." ganting gatong naman ni Bev na may kasama pang pag-irap.

"At kahit kailan aso't-pusa pa rin kayong dalawa." Natatawang sabat naman ni tita Leah na kararating lang at may dalang bluetooth microphone pa.

"Whoa! You're in the next higher level, tita." napahangang sabi ni Gav na binigyan naman ni tita Leah ng pag-kibit ng kanyang balikat.

"Anyways, 'wag na nating pahintayin ang mga pagkain. Anyone who can volunteer to lead the prayer for the meal?"

Sentry of The Wounded HeartWhere stories live. Discover now