Ang bilis talaga tumakbo ng oras ngayon. Parang kumurap lang ako saglit, dumaan na ang ilang siglo. Isang linggo pa lang kasi nagsimula ang pasukan, pakiramdam ko isang buwan na rin ang nakalipas dahil sa dami ng pinapagawa.
Indeed, when you're doing nothing, time runs like a turtle in the dry sand; but when you're doing something, time flies so fast like a flick of an eye.
Elementary pa lang ini-expect ko na ang hirap kapag tumungtong na sa kolehiyo.
But seriously?
Ang hirap pala talaga ng buhay sa college!
Everyone keeps saying na sa college mo malalaman na wala ka pa talagang alam—not literally though, pero may mga bagay talaga na sa college mo lang matutunan. They even said na sa college mo talaga malalaman na may ibobobo ka pa pala.
And I couldn't agree more! Dahil unang araw pa lang tinambakan na agad ako ng gawain ng ibang professors lalo na sa minor subjects.
Jusmeyo! Talagang pamatay!
Isang araw pa nga lang, ubos na ubos na ako dahil sa minors. Konting-konti na lang dudugo na 'tong brain cells ko sa utak dahil sa pagpipiga ng mga salitang English at sagot sa oral recitation. Feeling ko nga wala na akong maipiga next week, baka dugo na ang lumabas hindi talino.
Alam kong kailangan naman talagang maghirap not just because the struggles will be worth it in the end, but because there are more realizations when things get complicated, and this will give you that satisfaction to be happy.
Kasi kung tutuusin hindi naman magiging worth it 'yung paghihirap mo para ma-achieve lang 'yung isang bagay kung wala ka namang reyalisasyon sa mga nangyari.
Wala rin, para bang... yes, you finally achieve your dreams. Gano'n na lang. Hanggang doon na lang 'yun.
Pero para bang may kulang?
Walang genuine happiness. Walang deep reason of zealousness.
Since I was too busy and engrossed to finish my school tasks, I didn't even notice that the old boarders arrived these past few days.
But being so busy the whole week has a lot of advantages din naman. First, although it's too exhausting, at least parang na challenge ako na maging matiyaga pa sa pag-aaral lalo. Second, may mga naging ka close agad ako sa mga school faculties isa na roon ang professor ko sa major at 'yung librarian, which really benefits me dahil minsan kailangan mo rin naman ng connections sa mga ganitong stage ng buhay. Lastly, I was never bothered by the thoughts about Salem anymore.
I think... dalawang beses lang nagkrus ang landas naming dalawa—well, not really collided. Iyong una ay nakasalubong ko siya sa living room, kakauwi ko lang no'n tapos siya parang may pupuntahan dahil bihis na bihis at amoy ko pa ang mabangong pabango nito.
Mukhang may date siya nu'n, e. Gut feeling ko lang since pormadong pormado siya at ang guwapo niya tignan. Hindi naman ako in denial, kaya I did notice his handsome look that time. He even greeted me, but I acted clueless, as if I didn't hear him, and just walked upstairs.
Yup. I ignored his existence.
Wala namang rules sa bahay ni tita na maging friendly talaga. Ang hirap kaya magtiwala kahit pa kakilala mo na. Kailangan ko rin ng konting bakod para mas safe. It's better to be safe, than to be sorry daw, e.
At saka noong last Thursday habang nag-aabang ng masasakyang trisikel. Makita ko siyang tumatawid sa pedestrian lane papunta sa kabilang highway. He was not wearing a uniform that time, pero obvious naman na pupunta ito ng eskwelahan niya dahil nahagip ng mata ko 'yung suot nitong I.D. chord.
YOU ARE READING
Sentry of The Wounded Heart
Teen FictionIn a city where love remains endless, Ezther is a slow-witted girl growing into a patriotic woman living in a room of doubts and prior dignity. She chose her life to be dependent on her father's will, but only when she met Salem, a man of silent kin...