22.BOY'S P.O.V.

16.5K 483 11
                                    

A/N: maraming pagpapalit ng P.O.V. ang mangyayari guys humanda kayo!! Puro hottie!!

[][][][][][][][][][]

Kyohei's P.O.V.

Sa wakas at nagka -P.O.V. na din ako wahahaha. Pero astig talaga ang bunso namin isipin mo nagagawa niya pa pala yon? Hahaha ang mga tao nganga. Tss asarin lang nila ng asarin ang bunso sa kanyang pagiging nerd di naman nila alam ang totoong anyo niya. Ang bunso naming napakakinis ang balat, matangos ang ilong, reddish lips, 5'5 ang height, long hair, irresistable eyes at perfect figure siya na siguro ang pinaka magandang babae na nakita ko bukod kay mama syempre.

"Astig talaga ng kambal ko noh?" Mapangasar na tanong ni Kris sa akin. Tinignan ko siya

"Astig nga ng kambal mo pero bat parang ung naghati na kayo sa kaastigan ni bunso wala man lang napunta sayo? Noh?" Sabi ko sa kanya. Napa pout naman si Kris sabay talikod sa akin.

"Hahaha pikon! Anyway ano nga pala club mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako magso-soccer team ikaw ba?" Tanong niya pabalik.

"Basketball kasama si Midori alam mo naman yon sa ibang tao lang nananalo at hindi kay Angel kita mo nga di man masupalpal ang dunk ni bunso" natatawa kong sabi.

"Sige wag mo ng pigilan yang tawa mo para ka kasing nauutot na nagpipigil at parang ikaw kaya mong patumbahin si Angel noh" rinig kong sabi ni Midori na nasa likuran ko pala.

"Tss sige pagalingan pa kayo alam naman nating apat na mas magaling sa ating lahat si Angel diba?" Tanong naman ni Jio na nasa likod ni Kris. Hmm tama siya laging nakakaangat si Angel sa aming limang magkakapatid lagi niya kaming nahihigitan ang kakayahan namin apat at hindi sa nagseselos ako sa kakayahan niya dahil proud pa nga ako eh hahaha biruin mo yun yung baliw kong nanay at seryoso kong tatay eh nakabuo ng perfect daughter saan ka pa?

"Ano nga ba club mo Jio?" Tanong naman ni Kris kay Jio.

"Cyber club, sa totoo lang gusto kong subukan ang book lovers ba yun? Basta yung may mga libro para naman maiba ako kaso nung nalaman ng moderator na kaya kong mang-hack ng CCTV'S eh sinali niya agad ako kaya no choice ako" sabi niya sa amin sabay bunting hininga. Hay nako naman tss ano kayang club na sasalihan ni Angel?

William's P.O.V.

Tao pa ba si Nerd at nakaligtas siya duon sa stunt niya ng wala man lang bali o galos man lang?

"Woahh grabe ang astig ng ginawa ni nerd"

"Grabe napanganga niya ang captain ng cheering squad"

"tao ba siya o bampira? Napakabilis niya grabe" bulong bulungan ng mga estudyante na nakapaligid sa akin. Naglakad na lang ako pabalik sa pwesto naming basketball club at nakita ang mga bagong transferee na anak daw ng may ari nitong school. Magtr-try outs ba silang apat?

"Kayo *turo sa kanilang apat* magtr-try out ba kayo dito sa club?!" Pasigaw kong tanong sa kanila syempre siga toh noh di uurong kahit kanino!Nakipag shake-hands muna ang magkakapatid at woah ang astig ng shake-hands. Meron pa silang paupo upong nalalaman astig pero sorry mas astig ang sa Scorpions! Umalis na yung dalawa at natira naman itong dalawa

"Sabihin ang pangalan, year at section, height at posisyon ang gusto sa team" pasigaw kong sabi sa dalawa

"Tss ang bossy nito kung di lang captain ng basketball team tss."Ano daw? ang hina ng sinabi

"Midori M. Black, 6-Love,6'2 and center" pakilala nitong matangkad totoo naman ang tangkad niya 6'2 wooh eh 5'10 lang ako.

"Kyohei M. Black, 6-Love,  5'11 at captain ng Basketball team" matapang na sagot nitong baguhan na toh. Pero teka ano? Captain? Kuhanin ba naman ang pwesto ko.

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon