15. MY BROTHERS

16.7K 673 6
                                    

A/N: hey guys sana magustuhan niyo ang lame Update ko
[][][][][][]

Angel's POV (Sunday morning)

"Mga anak, since napag usapan natin kahapon na tutulungan na lang ninyo si Angel eh pagkatapos ninyong kumain eh pupuntahan niyo mamaya si Tito Kenneth nasabi ko na din sa kanya na pupunta kayo sa kanya.

At Angel sasamahan mo sila sa pagpunta kay Kenneth dahil ikaw lang ang may alam ng main branch niya kung saan merong salon and boutique shop niya kaya samahan mo sila" masiglang sabi ni mama habang pinagmamasdan kaming magkakapatid na kumain ng umaghan. Tumango na lang kami at pinagpatuloy ang pagkain.

Ng matapos kaming kumain eh nagpasya kaming magkakapatid na maghanda na para sa pagpunta namin kay tito Kenneth. Since bago ako kumain eh nakaligo na ako eh nagbihis na lang ako. Nagsuot lang ako ng isang itim na hanging blouse at itim na high waisted pants with matching white doll shoes. Sinuot ko din ang aking wig and ang salamin pati na din ang relo. Nang tapos na akong mag ayos sa aking sarili eh bumaba na ako kasama si Liru at dumiretso kami sa sala.

"Liru bakit ang cute cute mo? Hay sana kagaya na lang ng iyong mata ang aking mga mata ang ganda oh color black" sabi ko kay Liru habang hinahaplos ang balahibo nito.

"Angel sino yang kausap mo?" tanong ng isang tinig sa aking likuran. Napalingon naman ako at nakita si kuya Kyohei na nakangiti at nakasuot ng simpleng pants at t-shirt. Kung siguro ibang babae lang ang nakatingin kay kuya siguro tunaw na ang kuya ko.

"Hi kuya wala naman akong kausap eh" sabi ko habang tinatago si Liru sa aking likuran. Bigla naman nag labas ng inpormasyon itong salamin ko

NAME: KYOHEI MARK M. BLACK
FATHER:ANDREW BLACK
MOTHER:ANNA NUI LEE M. BLACK
SIBLINGS:MIDORI BLACK, JIO BLACK, KRIS BLACK, ANGEL BLACK
BACKGROUND: THEIR FAMILY OWNS THE BLACK RESTAURANT, BLACK HOTEL, BLACK CORPORATION, AND OTHER ESTABLISHMENT. HE IS A STRICT LEADER BUT A LOVING BROTHER TO HIS SIBLINGS. ELDEST IN THEIR FAMILY.
PERSONALITY:SERIOUS AND STRICT

"Eh ano yang tinatago mo?" sabi niya sabay lakad patungo sa likuran ko pero pinigilan ko siya

"Kuya wait lang ipapakita ko naman sa inyo kahapon si Liru kaso nga nagulat ako sa desisyon ninyo kaya di ko siya napakita eh" sabi ko sa kanya habang inilalayo ang kanyang paningin sa likuran ko

"Teka sino si Liru? crush mo? boyfriend mo? aba nagtatago ka na pala ng sekreto sa amin?" sabi niya sabay tingin sa akin ng seryoso. Nagbuntong hininga na lang ako

"Unang una paano ko matatago ang isang tao sa likod ko at kung pwede kong gawin boyfriend si Liru eh boyfriend ko na siya pangalawa eh hindi ko pwede maging boyfriend si Liru." sabi ko sa kanya

"Di kita maintindihan Angel ano ba ang iyong ibig sabihin?" takang tanong ni Kuya kyohei sa akin.

"Pikit ka tapos pagbilang kong tatlo eh dumilat ka ok" sabi ko sa kanya. Ainunod naman niya ang sinabi ko kaya nilagay ko sa harap ko si Liru at nag bilang

"1"

"2"

"3"

At pagbilang kong tatlo minulat ni kuya ang mata niya at napatalon ng paatras ng nakita si Liru sa harapan niya. Sino bang hindi magugulat kung may oso sa harap mo duh! +__+

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon