24. PRANK DAY

15.4K 481 42
                                    

A/N: heyow all!! Kagabi grabe saya ko dahil nakasakay na ako ng star frisbee ng starcity!! Hiwahiwalay nga lang kaming magpipinsan hahaha geh wnjoy na lang sa update ko! Love lots
[][][][][][][]
Angel's P.O.V.
Good Morning? Tss anong good sa morning kung malaman mong binaboy ang kotse mo tss GRRR.

"Ok mga magaaral ng seksyong ito dahil sa matatapos na ang unang buwan ng klase at di ko pa rin lubos na kilala ang ating mga bagong estudyante na sina Kris at Angelie uhm pwede ba kayong magpakilala dito sa harap sabihin ang buong pangalan, dating eskwelahan, edad, dahilan bakit lumipat dito sa eskwelahang ito at ang pangalan ng magulang pwede po ba?" Tanong ni Bb. Bernal. Si Bb. Bernal eh ang aming guro sa Filipino at kung nasa klase kami eh wala kang maririnig na salitang ingles sa kanya as in wala matatas kung matatas magtagalog si Bb. Bernal. Dalaga pa siya at kung tama ako eh 23-25 ang edad niya.

"Ako na pong mauuna Bb. Bernal" alok ni Kris sabay punta sa harap. Napatingin naman ako sa kanya habang naglalakad at ng madaanan niya ang lugar ng scorpions napansin ko na bakante ang dalawang upuan tss mabuti baka makapatay ako ngayon eh.

"Ehem ehem, so magandang araw Bb. Bernal at mga kaklase, ako nga po pala si Kris Noel Lee M. Black 16 years old bagong estudyante ng Black Angel's University bagama't ako po'y dating naninirahan sa bansang Japan dati ngunit dahil sa bussiness ng aking mga magulang kaya andito kami sa Pinas kasama ang aking tatlo na kapatid. Ang aking mga magulang eh ang may ari ng eskwelahang ito kaya dito niya kami pinagaral so yun lang tapos na po" pagtatapos ni Kris. Akin kaya toh!!

"Totoo nga ang balitang kumakalat ngayon, ok ikaw naman Bb. Angelie magbigay ka naman ng konting kaalaman tungkol sa sarili mo" sabi ni bb. Bernal. Ay wait may naisip akong prank ah *evil grin* pinusod ko ang buhok ko, kumuha ng something sa bag ko at naglakad na sa harap. Hahaha ano kaya reaksyon nito?

"Magandang araw sa lahat ako nga po pala si An--- *boogshhhh* napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pintong pabalibag na bumukas

"Bb. *hingabg malalim* Bernal pas *hinga ulit*ensya po kung kami ay nalate sa iyong klase nanggaling ho kasi kaming clinic eh" salita ni Wil habang si Mickey naman eh humihinga din ng malalim.

"Ah ganoon ba? Osya magsiupo na kayong dalawa" sabi ni Bb. Bernal. Tss nako naman sira na mood ko wala na. Pero hindi dapat magpaapekto mamaya na sila.

"Ok balik sayo Angelie pasensya na sa abalang naidulot nina ginoong Laques at Montenegro" pahayag ni Bb. Bernal kaya nag simula na lang ako uli

"Muli magandang araw sa lahat ako nga pala si Angelie M. Black labin-anim na taong gulang at sinisigurado ko pong wala pong dugong KRIS M. BLACK ang nananalaytay sa dugo ko. Ako ay ulila na lamang dahil wala na ang magulang ko at nakatira ako sa isang paupahan na
May kalayuan dito. At ang dati kong eskwelahan eh ang *suot ng snapback na miami heat na kanina ko pa hawak-hawak at tinnangal ko din ang salamin ko* Don Bosco Academy" sabi ko ng sobrang seryoso. Katahimikan ay biglang bumalot sa seksyon namin bilangin ko lang ha

5
4
3
2
1 and....

"ANO!"

"DON BOSCO ACADEMY?"

"EH DIBA EXCLUSIVELY FOR BOYS LANG YUN?"

"KYAHH ANG GWAPO MO PALA ANGELIE!!!" hahahha lol GWAPO ko raw? lakas ba ng trip ko? Di naman nangyari na kasi kay author yan eh (A/N: Opo nangyari po sakin yan) hahaha

"Kyaahhh pero wait lang magkamukha sila ni prince Kris diba?" Ay shoot wrong move pala ako.

"Tss joke lang *suot ng salamin at tanggal ng snapback at lugay ng buhok* galing akong Japan at uulitin ko WALANG KRIS BLACK ANG NANANALAYTAY SA DUGO KO!" diin kong sabi sa kanila sabay lakad pabalik ng upuan ko at dumuko na lang.

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon