13.THE UNDERGROUND AND A BEAR??

15.6K 535 9
                                    

A/N: Medyo na late ako sa pagupdate kakauwi ko lang kasi galing swimming sa Calumpit ihhh sakit ng face ko pero Enjoy!!!

~~

Angel's POV (Friday)

Sa dalawang linggo kong pag-aaral sa aking sariling eskwelahan walang araw na hindi dumadalaw si kamalasan sa akin pero mas ok na yun kesa sa madamay ang inosente na si Naomi ako kasi lagi ang sumasalo ng mga bagay na dapat ay sa kanya tatama. Perks of being an assasin.

Yup I'am an Assasin and that is one of my secrets na ang pamilya ko lang ang nakakaalam. Well anyway eto naman talaga ang gusto ko. Pauwi na ako ng may marinig akong kakaibang ingay sa aking paligid

"Nyahh" rinig kong tunog

"Nyahh Nyahh" hinanap ko kung nasaan nagmumula ang ingay at nakita ko ang isang baby bear? Teka paano nagkaroon ng baby bear dito?

"Halika dito, wag kang matakot di kita sasaktan sabi ko sabay lahad ng kamay ko na may biscuit at isang buong stem ng isang halaman na nakita ko lang kanina

Lumapit naman ang baby bear sa akin at dahan dahan kinain yung stem na may dahon dahon pa na nasa kamay ko. Pagkatapos niyang kainin eh binuhat ko siya at kinausap

"Nawawala ka ba o nakatakas lang?" tanong ko habang hinihimas himas ko ang likod ng tenga niya pero bigla siyang tumalon at tumakbo

"Liru bumalik ka rito saan ka pupunta?" tanong ko habang hinahabol ito dahil iuuwi ko siya kung walang maghahanap na tao sa kanya. Napalabas na ako ng campus at nasa may parking lot na di ko pa rin masundan si Liru.

"Liru wait lang wag kang tumakbo" Sigaw ko sa kanya pero bigla siyang umakyat sa isang puno tapos sa isang napakataas na bakod. Hala kailan nagkaroon ng ganyang bakod sa pagmamayari ko? Tumalon na lang ako sa may puno tapos tumalon muli sa bakod at tumalon pababa pero ang taas nito ha! Saan ba kasi nag pupunta tong si Liru .Habang hinahanap ko si Liru eh parang nawawala na din ako

Naglakad ako ng naglakad ng may mapansin akong lagusan patungo sa isang pinto. Binuksan ko ang pinto at pagpasok ko malakas na hiyawan at amoy alak ang nandito sa loob lalabas na sana ako ng makita ko si Liru sa gitna ng arena

"LIRU" sigaw ko na nakakuha ng atenayon ng mga taong nasa gitna. Tumakbo ako sa gitna at binuhat si Liru at pinagsabihan ito

"Liru saan ka ba kasi nag pupunta yan nakaabala ka pa oh" sabi ko sabay palo ng mahina sa ulo niya

Napansin kong tahimik ang lahat at nakatingin lang sa akin bakit ngayon lang ba sila nakakita ng maganda dito?

"miss paano ka nakapasok dito?" tanong ng lalaki na nasa gitna sa akin. Tinuro ko ang pinto

"Binuksan ko ang pinto at naglakad" Pabalang kong sagot sa kanya pero walang mababakas na emosyon sa mukha at boses. Nagtawanan naman ang mga taong nasa loob ng Arena ano bang nakakatawa eh totoo naman yun ha

"Well ganun ba ok since hindi naman nakakapasok ang mga commoner dito hinahamon kita sa isang laban" sabi niya sa akin teka ano ba toh underground arena? well matagal na din ako hindi nakakalaban so bakit hindi?

"Natatakot ako eh" pagayag ko sa kanila nakita ko naman ang pagngisi niya pero di pa ako tapos

"Natatakot na mapatay ko kayo" bulong ko na sila lamang ang makakadinig sabay pindot sa relo ko. Agad naman ito nag labas ng shurikens at sinugod ko na sila

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon