43. We Just Saved the Day Right?

14.2K 348 31
                                    




A/N: Surprise! Dahil alam kong papalapit na ang simula ng klase ng iba (pati na din ako) ay nag-update ako! Thank you sa lahat ng nag-vote, comment and nag-message sa akin kahit na hindi ako active nag-enjoy kasi si author sa bakasyon niya at alam niyo gusto ko din sana kayong mag-enjoy sa bakasyon niyo kaya di ako nag-update nung buong bakasyon eh hehehe. Anyway simulant na natin ang kwento mga minamahal kong readers! I hope alam niyo pa kung paano natapos yung last chapter natin! Pero alam niyo ba...


LAST 2 CHAPTERS NA LANG! AND SA MGA PAPASOK NA BUKAS GOOD LUCK! ETO ANG BAON KO PARA SA INYO! GALINGAN NIYONG MAGPAKILALA BAKA SAKALING MAGING INTERESADO SI CRUSH SA INYO (KUNG KAKLASE NIYO MAN SIYA) AND BANGITIN NIYO NA DIN YUNG STORY NA TOH SA FRIENDS NIYO HAHAHAHA LET'S START THIS STORY!!!

~~~~~~~~~~~~

Midori's P.O.V

Nang makabalik na mula sa locker room sina Angelie at William ay napakatahimik nilang dalawa at hindi nagkikibuan ni hindi nga sila makatingin sa isa't isa. Dahil sa kumpleto na kami ay nagyaya ng umuwi si Travis dahil nagugutom na raw sila atsaka excited na rin siyang matikman ang lulutuing pagkain ni Naom kaya dahil hindi lang din naman pala siya ang nakadadama ng gutom ay nagsimula na kaming maglakad pauwi.

Habang kami naman ay naglalakad ay napanasin ko rin na hindi nagkikibuan si Kris at Angelie na sobrang nakapagtataka dahil bibihira lamang silang maging ganito. At dahil sa pag-iisip ko ng mga pwedeng maging dahilan kung bakit ganito si Angelie at Kris ay napahinto ako sa aking paglalakad. Tumingin ako sa mga taong nasa harapan ko at ng makumpirmang malapit lamang sa akin ang kakambal ko ay tinawag ko siya.

"Kyohei" pagtawag ko sa kanya. Tinignan niya ako at huminto sa paglalakad ng napansin niyang huminto rin ako sa paglalakad. Nung nahuhuli na kami sa mga kasamahan namin ay duon na ako nagsimulang nagtanong

"Anong nangyari kay Angelie at Kris?" sabay naming tanong sa isa't isa. At gaya ng inaasahan ko, hindi lang pala ako ang nakakapansin sa biglaang panlalamig ni Kris sa kakambal niya eh dati-dati kulang na lang hilain namin palayo si Kris kay Angel.

"Hindi ba si Kris ang naghatid kay Angelie papunta dito sa venue? Baka nag-away sila habang papunta rito pero hayaan mo na nga mag-aayos din yang dalawang yan" sabi naman sa akin ni Kyohei. Magsasalita pa sana ako muli kaso biglang sumulpot sa harap namin si Kristal.

"Huy ang bagal niyo namang maglakad kayo na lang ang hinihintay namin eh" sabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kyohei at lumakad ng dire-diretso at iniwan si Kristal. Iba kasi ang nararamdaman naming magkambal sa kanya at hindi ko alam kung magtitiwala ako sa kanya or hindi, tsk ewan!

"Grabe naman tong dalawang toh oh bigla na lang mang-iiwan, sila na nga tong hinintay tapos sila pang may gana na iwanan ako duon!" sabi ni Kristal. Naglakad na siya palapit sa amin ni Kyohei at sinubukan akong batukan kaso nga lang naiwasan ko naman. Nakita namin yung ibang kasamahan namin na hinihintay kami sa labas ng arena. Si Angelie buhat niya si Neyo na parang meron silang seryosong pinag-uusapan kaya nakinig ako.

"Anong sabi mo? Ngayon nila balak sumugod?" tanong ni Angelie kay Neyo. Tumango naman ang bata kaya tinanong ko sila kung anong pinag-uusapan nilang dalawa. Napansin naman ni Angelie na bigla akong sumulpot sa likuran nila ay hindi na niya itinuloy ang pagtanong kay Neyo.

"Tsk mamaya na nga natin toh pag-usapan sa bahay. Delikadong mag-usap dito at baka may makarinig pa sa kanila" sabi naman ni Angelie. Ah ganun? Tss kung ayaw mo tong pag-usapan tatanungin ko na lang sayo yung tungkol sa inyong dalawa ni Kris.

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon