42. Pageant

15.8K 409 59
                                    


A/N: Another update here. BTW basahin niyo po toh pag malakas yung signal ng wifi ninyo since may mga videos and pictures po ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

William's P.O.V.

"NO! Hindi ganyan! Dapat mas mukha kayong natural na nag-uusap! Atsaka more emotions please! Para kayong mga robot na pinilit na pinagtabi" sabi ni Iris. Sinubukan naman naming gawin yung sinabi niya kaya nagpatuloy lang sa pagkuha ng litrato si Jio. Hindi mukhang masaya si Iris sa ginagawa namin kaya nag-announce na lang siya ng isang short break.

"Ok that's it! Magkakaroon tayo ng isang short break! At kayong dalawa! Diyan lang kayo hangga't hindi niyo nagagawan ng paraan paano niyo maaayos ang sitwasyong toh" sabi ni Iris. Agad pinuntahan ni Jio si Iris para maipakita ang mga nakuha niyang litrato habang sina Ron at Akame ay muling inaayos ang make-up at buhok namin ni Angelie.

"Hay nako kanina lang nakikita ko yung mga sparks sa inyo eh. Pero anong nangyari ngayon? Ano yun biglang naglaho yung sparks?" sabi ni Ron habang inaayos ang eye liner ni Angelie.

"Oo nga eh meron pa nga kayong nalalaman na 'Sige na nga hahayaan na kitang hawakan ako wala namang mawawala sa akin' sabay lakad ng magkahawak ang kamay" pang-aasar sa aming dalawa ni Akame. Napaikot naman ang mata ko at sinabihan si Akame.

"Tigilan niyo nga kami! Hindi ba dapat ang pinag-uusapan natin dito eh kung bakit si Ron ang nag-aayos ng make-up namin at hindi babae?" sabi ko sa kanila. Inalis ko yung kamay ni Akame sa buhok ko at tinulak siya palayo.

"Well to inform you kapatid ako ng isang sikat na make-up artist and unfortunately nakatira lang kami sa isang bahay kaya ako ang pinagprapraktisan niya. Dahil din dun ay natuto akong mag make-up ng mga babae" sabi ni Ron. Sinubukan kong itulak sila palayo ng magreklamo si Akame.

"Teka lang hindi pa ako tapos ayusin yung buhok ni Angelie kailangan ko pang kulutin ulit ng konti yung bandang baba ng buhok ang bilis kasing mag-straight eh" sabi ni Akame habang inaayos yung kulot ni Angelie. Ng matapos na si Akame ay iniwan na nila kami at kaming dalawa na lang ni Angelie ang natira dito. Napili kasi naming lokasyon para sa photo shoot namin eh sa may hagdanan dito sa loob ng isang arena. Pwede kasi kaming lumabas pasok since anak ng boss at future boss yung kasama namin eh so kahit saang room pwede kaming pumasok.

"Ang ayos na kaya ng mga pose natin dito atsaka kahit hindi na tayo mag-pose eh picture perfect na din naman tayo ah" sabi ko. Inilagay ko ang aking mga braso sa likod ng ulo ko at naupo sa hagdanan. Sumunod naman sa akin si Angelie at naupo sa tabi ko at tinignan ako mula paa hanggang ulo. Tinuro niya ako at napatingin sa malayo kaya tinignan ko siya habang nakapatong na sa aking mga hita ang braso ko.

"Ikaw? Picture perfect? Kelan ka pa naging ganun at bakit hindi ako na-inform tungkol dun?" hindi makapaniwalag sabi ni Angelie. Nagulat ako sa sinabi niya kaya napanganga ako lalo na ng Makita ko ang kanyang mga labi na naka-pout. Tae parang gusto kong halikan! Ay ano yung sinabi ko? Wala akong sinabi ha! Erase erase!

 Tae parang gusto kong halikan! Ay ano yung sinabi ko? Wala akong sinabi ha! Erase erase!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon