1 THE BEGINNING

32.4K 763 15
                                    

ANGEL'S P.O.V.

*knock knock*

"Get a life mom" I shouted at the door while I was trying to open my luggage.

"How did you know it was me Death?" she answered while entering my room. Here we go again -__-

"Mom what did i told you about you calling me "Death" especially when we are not inside the house or the headquarters?" I said to her calmly while looking for the key of my bag, wait where is it anyway?

"Eh anak ano naman sinabi ko sayo tungkol sa pag i-english mo dito sa Pilipinas? Anak nasa Pinas na tayo at wala na tayo sa states kaya pwede ba mag tagalog ka" naiirita niyang tanong sa akin. Ay, oo nga pala nasa Pinas na nga pala kami noh? Hay bakit ko nga ba nakalimutan?

"Pero ma wala tayo sa headquarters natin dito sa Pinas kaya wala kang karapatan tawagin ako sa pangalang iyun. Ok ma?" sagot ko sa kanya pero nawala ang inis ko dahil sa nahanap ko

"Yes nahanap ko na din sa wakas!" pabulong kong wika nang mahanap ko yung susi ng bagahe ko, nakalimutan ko kasi ung password eh.

"Bakit ka nga ba nandito ma, anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya habang inaayos na yung gamit ko na nasa loob at mailagay ko na sa walk-in closet ko dito sa kwarto ko.

"Eh anak alam mo kasi meron tayong problema sa ating organisasyon. Yung mga underlings natin kasi unti-unting nawawala at mare-recover na lang na patay na. Kung hindi naman nawawala malalaman na lang namin na namatay na pala bigla" sabi niya sa akin ng tuloy-tuloy at mahahalata ang pagka-alala niya sa mga tauhan namin. Pagkabalik ko sa kung nasaan ang nanay ko ay napatingin ako sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang sinasabi pero wala kaya ako naman ang nagsalita.

"Ano naman kinalaman ko diyan ma? Wag mong sabihin ako pa ang sisisihin mo sa nangyayari nagyon? Naku ma wala akong kasalanan diyan naging tambay na nga lang ata ako sa bahay natin sa America at Japan eh" sabi ko sa kanya nang naninigurado. Sa totoo nga lang palipat-lipat ako ng bahay kung wala ako sa Japan nasa America ako at vice-versa.

"Anak wala akong sinabing kasalanan mo yun ang sinasabi ko lang eh sa tingin ko kaya na ni 'D' makipaglaban ulit. Sobra na kasing haba ng panahon simula nung huling laban niya at sa tingin ko nakapagpahinga na siya. Alam mo na kung anong gusto kong sabihin hindi ba?" ahh gusto niya palang mag-- teka ano??

"Ma papayag lang ako kun-- " agad niyang pinutol ang sinasabi ko.

"Wag kang mag-alala napagpaalam na kita sa papa mo, at kaya nga tayo nauwi dito sa Pilipinas dahil din duon eh" hay naku napag planuhan na pala niya nang di ko man lang alam eto talagang babaeng toh oh.

"O sige na nga papayag nako bigay mo na sa akin yang folder na nakatago sa likod mo nakakaawa ka kasi. Halatang iritang-irita ka na dahil diyan noh ma?" sabi ko sabay lahad ng aking kamay sa harapan niya. Inabot niya rin naman sa akin yung folder habang bumubulong sa sarili niya.

"Paano niya kaya nalaman na may folder ako eh yung maid nga di niya napansin? hmmm siguro may nagbulong sa kanya bago ako makapasok" bulong niyang sabi sa kanyang sarili. Napangiti na lang ako sa kabaliwan ng nanay ko.

"Haha ang cute mo talaga ma" sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Sige na layas na babasahin ko pa tong folder na toh para malaman kung sino ako ngayon. Alam mo naman, best actress kaya tong anak mo" sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng pinto.

"Teka anak wait lang" pagpipigil niya sa pagtulak ko sa kanya

"Ano nanaman yun?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang may kinuha siya mula sa bulsa niya.

"Para sayo oh at anak may lead ka na kung sino ang kalaban natin diyan sa folder kaya basahin mong mabuti. Nandyan na din yung mga pekeng dokumento mo para sa misyon mong toh" sabi niya sabay bigay ng isang salamin at isang calling card ng isang kilalang dentist. I wonder, para saan naman toh?

"Ma para sa--" at wala na siya sa harap ko hay mabasa na nga lang yung folder hmmmm. Ano kaya ako ngayon?

NAME: ANGELIE BLACK

AGE:16 YEARS OLD

SCHOOL: BLACK ANGELS UNIVERSITY

Teka naaalala ko yang school na yan ha. Ahhh naalala ko na, yan yung school namin dito sa Philippines

GRADE AND SECTION:  GRADE 10-ENDURANCE

TARGET: FIND OUT WHO IS THE TRAITOR IN OUR ORGANISASYON

*TARGET: HE OR SHE IS RELATED TO OUR RIVAL ORGANISASYON, THE RED ORGANISASYON

DISGUISE: NERD

What. The. Hell? A NERD? OH! THAT'S WHY SHE GAVE ME THIS CALLING CARD BECAUSE I'M GOING TO GET THE BRACES AND THIS GLASSES. WHAT A FREAKING GENIUS SHE IS!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~

POSTED: 11-30-14 

-xoxo_loves_kisses

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon