23. NOT THE CAR

17.7K 472 17
                                    

A/N: sorry po kung ngayon lang ako nagupdate pagod lang po ako last night pero dedic gusto niyo? PM, Vote, comment or follow lang tas mamimili na lang ako hehe

[][][][][][]
Angel's P.O.V. (monday)
*kringggggg* *kringgggg*
Ayan na tumunog na ang alarm clock kong gawa ni mama. Tss ano pa nga bang masasabi ko kung ano ano pinagga-gawa nun eh hay nako. Hinabol ko na ang alarm clock habang sumisigaw ng mga makukulay na salita hanggang sa makarating na kami sa banyo at doon na ito tumahimik. Hay nako since andito na ako sa banyo eh ginawa ko na ang morning rituals ko.

Pagkalabas ko ng banyo ko na parang ilang minuto lang eh pumunta na ako sa walk in closet ko at agad nakita ang isang buong clothes rack na puro uniform tss nadeliver nga pala toh nuong sabado. Sinuot ko na muna ang underwear at brassiere ko tapos nun cycling shorts at sandong puti tapos nun yung puting long sleeves nito at ang jacket nito tapos tinignan ko ang skirt nito. Enebeyen ang ikli oh.

"Liru baby ko tom-tom ka na ba? Tara baba tayo pakainin kitang favorite mo na grilled fish tara!" Pang baby talk ko kay Liru sabay buhat sa kanya sa likod ko. Bumaba ako ng hawak ang skirt sa isang kamay ko at ang isang kamay naman eh nakaalalay kay Liru na nakaakyat sa ulo ko haha para tuloy siyang tuta! Ang cute! At pagdating ko sa dinning room nakita ko si kuya Kyohei

"Angel good morning!! Oh bat di mo pa sinusuot yang skirt mo? Anong oras na oh!" Sita sa akin ni kuya Kyohei. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at sinita din

"Aba kala mo kung sinong di nakaboxer lang tss atleast ako magski-kirt na lang eh ikaw nagpapakita pa ng taba mo!" Sabi ko sakanya sabay baba kay Liru at kinuhanan siya ng isda sa ref at pinagrill sa katulong namin.

"Anong sabi mo eto? Taba? Etong going to eight pack abs ko? Aba Angel ikaw nga bilbilin eh atleast ako may abs!!  Hahaha" mapangasar niyang sabi. Aba ako mataba? Saglit nga lang

"Eto bang babaeng may perfect abs ang sinasabi mong mataba? Excuse me pagdating sa curl ups, sit ups, push ups at planking eh ako ata ang pinakamatagal" sabi ko.

"Osige wala na akong sinabi pero sana naman magbihis ka naman niyang skirt mo" sabi niya sa akin. Napairap naman ako sa kanya.

"Sino bang nagsabing magsusuot ako nito? Magpapantalon ako noh!" Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya sabay face palm. Tss kelan ba ako huling nagskirt nung sinilang ako?

"Angel naman kailangan mo yang suotin dahil requirements yan at ikaw Kyohei magbihis ka na nga! Binabalandra mo pa yang katawan mong patpatin" sabi ni kuya Midori habang palakad siya papunta dito. Haha parang parehas kami ng iniisip ha! Na asarin si kuya Kyohei sa umagang ito.

"Aish shimatta why do you always say I have a thin body!!" (Damn it) naasar niyang sabi sa aming dalawa sabay lakad paalis. Nagtitigan naman kaming dalawa ni kuya M (short for Midori kasi daw masyadong mahaba nakalingon na daw siya eh di pa rin tapos ang pagtawag sa pangalan niya) at tumawa ng malakas. Paano ba naman naasar namin siya.

"Oh anong meron at nagtatawanan kayong dalawa" tanong ni kuya Jio sa aming dalawa at kasama niya din si Kris. Dumating naman yung maid na inutusan ko kanina na igrill ang isda ni Liru at ibinigay sa akin ang isda na nasa lalagyanan na ng pagkain ni Liru. Inilapag ko na sa harap niya at nagsimula na siyang kumain (A/N swerte naman ng osong yan grilled fish ang umagahan pahingi naman) tss author naman wag ka ngang humingi ng pagkain ng hayop dapat humingi ka pagkain ng tao.

Anyway pumunta ako sa sewing room ng bahay namin at nagsimula ng habaan at gawing short tong skirt. I can wear anything BUT! I will never wear skirt. Ng matapos na ang skirt short or what they call "skort" eh sinuot ko na ito kahit nakacycling ako. Tinignan ko na lang ang sarili ko sa salamin at kinalabasan isang babaeng nakajacket na itim tapos walang buttones sa bandang leeg. Nakikita din ang puting longsleeves ko at ang nakasabit na necktie na pula sa akin (dahil nga sa walang buttones ang banda sa leeg ko)at pagtingin ko naman sa skirt kong short eh nasa above the knee pa naman siya ng 2 cm at medyo flowy pa sa baba pero di naman halata ang pagiging short nito tanging may suot lang ang makakaalam na short siya ang makakaalam na short siya sa loob at naka school shoes na akong close shoe parang TOMS lang. Wahahaha bahala yang policy policy na yan kung anong gusto ko masusunod, ako naman may ari ng eskwelahang yon.

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon