44. The Ball that can Change Everything

14.7K 369 45
                                    



A/N: Surprise! Nag-update po ako! Hehe and btw last one chapter and finished na po ang book na ito since I need to move on to the next book I'm Making!! Yehey!! More details about that 'book' will be discuss someday hahaha. Enjoy!

~~~~~~~~~~~~~~

3rd Person P.O.V.

Sumikat na ang araw, hudyat ng panibagong araw para sa lahat. Gising na ang iba ngunit ang iba namang madaling araw ng natulog ay hindi pa rin nagigising dahil sa pagod at puyat na kanilang nadarama. Kasama na rito ang mga miyembro ng Circus of Death at Red Scorpions.

"Ano ba naman yan, bakit hanggang ngayong tulog pa rin sina Chris, Larry, Xander, William at Angelie. Si Angelie maiintindihan ko pa na kaya hanggang ngayon tulog pa siya ay dahil sa pagod pero yung apat hindi eh" sabi ni Iris sa mga kasamahan niya habang kumakain sila ng umagahan.

"Baka naman may ginawa sila kagabi alam niyo na since mga lalake sila. Mickey! Sabihin mo nga ang totoo lumabas kayo kagabi noh?" diretsang tanong naman ni Akame. Nilingon naman siya ng isang inaantok pang Mickey pero tumango rin naman sabay hikab.

"Hala anong ginawa niyo? Huwag niyong sabihin na naghanap kayo ng chix mula sa ibang school?" naiintrigang tanong ni Jaquelyn habang nagtataas baba pa ang kanyang mga kilay.

"Hindi noh, may iba kaming ginawa kagabi kaya napuyat kaming lima" maikling paliwanag ni Mickey. Napatingin naman sa kanya ang apat na lalakeng nakikinig sa usapan nila sapagkat sila'y kinakabahan na baka sabihin ni Mickey ang nangyari nung gabing yun.

"Huh? Ano naman ang gagawin niyo sa gitna ng gabi sa labas?" tanong ni Ron na bigla na lamang naintriga din sa kanyang nadidinig. Napatahimik naman si Mickey na napakamot pa sa ulo dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya.

"Hmmm sabihin na lang natin na naglaro kami ng taguan mula sa iba pang mga lalake at hindi na namin namalayan na ala-una na pala ng madaling araw pero nauna kaming pumasok dito sa bahay dahil hindi namin nakasabayang pumasok si William" pagpapalusot ni Mickey dahil alam niya na kapag sinabi niya ang totoong dahilan ay baka pagtawanan siya o mag-panic sila. Nakahinga naman ng maluwag ang Black brothers dahil sa ginawang pagpapalusot ni Mickey.

"Good morning guys/Morning/ Hello" sunod-sunod na pagbati nina Xander, Chris at Larry. Umupo sila sa mga pwesto nila at agad kumuha ng makakain na nakalapag sa lamesa at kagaya kay Mickey ay mahahalata mo din ang pagkaantok nung tatlo.

"So dalawa na lang pala at kumpleto na tayo" biglang sabi ni Travis. Napansin ni Ron na parang ang tahimik ni Travis kaya tinanong niya ito kung may problema ba siya.

"Ah hindi naman sa ganun, may nakita lang kasi ako kaninang madaling araw na nakapagpabahala sa akin" matahimik niyang sabi. Natuon ang atensyon ng lahat sa kanya pati na din nung dalawng tao na papasok pa lang sana sa kusina para mag-umagahan.

"Anong ibig mong sabihin kuya Travis?" tanong sa kanya ni Ron. Kahit na nag-aalinlangang magkwento si Travis ay ikinuwento niya ang istorya pero hindi naman niya ikinwento lahat ng kanyang nakita.

"Kaninang madaling araw kasi, nakarinig ako ng parang may nabasag sa labas ng kwarto ko kaya nilabasan ko iyun. Alam niyo naman na katapat ng kwarto ko yung kwarto ni Angelie diba? Eh sa may pintuan ng kwarto niya nakita ko ang basag na baso at ang nakapagtataka pa ay bukas ang pinto niya kaya naisipan kong sumilip kung ok lang siya. Kaya lang hindi lang siya nag-iisa sa kwarto dahil kasama niya pala si William" pagkwekwento ni Travis. Nagulat naman ang lahat sa narinig nilang kwento habang sina Angelie at William na naghihintay para sila'y makapasok na ay napako na sa kanilang kinakatayuan dahil sa narinig nilang kwento mula kay Travis.

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon