45. The Final Chapter

15.4K 356 49
                                    


The Final Chapter

A/N: So sorry na ang tagal bago ako nag-update. Sinadya ko kasing after Christmas i-post dahil sa dami ng projects at test sa school. Enjoy!

~~

3rd Person P.O.V.

Habang natutulog ang lahat, may isang dalaga ang maagang nagising para ipaghanda ang lahat ng almusal bago sila maglakbay pabalik sa Maynila. Tahimik siyang lumabas sa kanyang kwarto papunta sa kusina at kinuha lahat ng mga sangkap na kailangan niya pero napakamot naman ito sa kanyang ulo dahil hindi nga pala siya marunong magluto

"Hmm siguro gigisingin ko na lang si Naomi o di naman kaya si Angelie para tulungan ako rito" nasabi ng dalaga sa sarili. Sa likuran naman niya ay may nakatayong isa pang dalaga na biglang nagsalita.

"Huwag mo ng gisingin si Naomi, ako na lang tutulong sayo" sabi ni Angelie. Nabigla naman ang dalaga kaya nabitawan niya ang hawak niyang tuwalya at napaatras pa. Nilingon niya ang tao sa kanyang likuran at nakita na si Angelie pala ang taong nagsalita. Ngumiti ang dalaga kay Angelie at binati ito.

"Good morning Angelie, pero mas maganda sana ang morning kung hindi mo ako ginulat" sabi ng dalaga. Inikutan lamang siya ng mata ni Angelie sabay upo sa kanyang pwesto sa hapag kainan

"So, kailangan mo ba ng tulong ko? Atsaka ano bang balak mo?" tanong ni Angelie. Napakamot ang dalaga sa kanyang batok at sinabi naman ang kanyang plano.

"Eh kasi naman, kagabi bigla na lang akong nilapitan ni Nat tapos tinawag at nalaman na niyang isa akong babae. So gusto ko sana na ako na mismo magsabi sa lahat na babae ako pero dapat may kasamang pagkain para hindi sila magalit. Alam mo naman yung mga yun bigyan lang ng masarap na pagkain di na galit" sabi niya. Tumango-tango naman si Angelie at tumayo na sa kanyang kinauupuan para pumunta sa ref at tinignan ang mga sangkap na nandirito pati na rin ang mga sangkap na inilabas ng dalaga.

"Hmm sa tingin ko makagagawa naman ako ng masarap na almusal. Teka kanin ba ang gusto mo o tinapay lang?" tanong ni Angelie nung nilingon niya ang dalaga.

"Kanin sana, mahaba-haba rin kasi yung byahe natin pabalik sa school eh" sabi naman nito. Inilabas na ni Angelie ang mga ilan pang sangkap na gagamitin niya tulad na mga itlog, manok, isda at marami pang iba.

"So let's start cooking!" sabi ni Angelie. Ang una niyang ginawa ay gumawa ng marinade sauce para sa isda para maalis ang pagkalansa nito.

"Teka Angelie ano bang gagawin mo? Baka pwede akong tumulong" sabi ng dalaga.

"Well para dito sa isdang ito I'll just fry it pero dahil malansa ang Tuna Belly kailangan ko muna tong i- marinate. Then para dito sa mga itlog na ito I was planning to make some omelete and sa chicken naman I was planning to make chicken fillet and a lot of other things" sabi ni Angelie habang inilulubog ang tuna belly sa marinade sauce niya.

"So ano kaya pwede kong maitulong?" tanong naman ng dalaga.

"Marunong kang magsaing?" tanong ni Angelie.

"Sorry, hindi ako marunong" diretsang sagot ng dalaga.

"Maghiwa? Mrunong ka naman siguro maghiwa diba?" tanong ni Angelie sa dalaga.

"Hindi eh hehe" tumatawang pag-amin nito.

"Hay nako! Alam mo huwag ka ng tumulong magbihis ka na lang na pangbabae" sabi ni Angelie. Napakamot naman sa batok niya ang dalaga dahil...

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon