45.2 Alternate Ending

12.8K 327 71
                                    

A/N: What if William have the courage to tell the truth to Angelie? What if Angelie decided to have fun? Well, this is it guys, an alternate ending of The Glasses. Comments are always read by the author and votes are very much appreciated. Let's start!

~~

William's P.O.V.

"Yes, I want this fake relationship of ours to end, but that doesn't mean that I don't want to see you anymore. Kasi Angelie, gusto kong gawing totoo ang relasyon natin" ayan! Nailabas ko na ang gusto kong sabihin! Hindi ko nga lang nakikita ang reaksyon ni Angelie dahil nakatalikod siya sa akin kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang pagtatapat ko sa kanya.

"Oo alam ko nagsimula tayo bilang magkaaway, binigyan kita ng yellow card, red card, ginasgas ko ang kotse mo, nagkasagutan tayo. Para nga tayong aso't pusa eh. Pero hindi ko namalayan na dahil din pala sa mga bangayan natin mahuhulog pala ang loob ko sayo. Nung ngang nalaman ko na kasama ka sa ISSD biglang tumalon ang puso ko pero hindi ko iyun pinansin dahil akala ko inis lang ang nararamdaman ko nung mga panahong iyun, pero habang tumatagal ang pagsasama natin at napapadalas ang pag-uusap natin, duon ko lang napagtanto na gusto na pala kita, hindi matagal na pala kitang gusto!" lakas loob kong sabi sa kanya. Hindi niya pa rin ako nililingon kaya malakas pa rin ang loob ko na sabihin lahat ng nararamdaman ko.

"Kaya ngayon, ako'y nasa harapan mo, este nasa likod mo umaamin na gusto kita! Gusto kita Angelie Black!" sabi ko sabay hila sa kanya papalapit sa akin para yakapin siya. Wala na akong pake kung nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng aking puso pero hindi pa rin nagre-react si Angelie sa akin.

"Angelie?" pagtawag ko sa kanya. Inihiwalay ko ang aming mga katawan pero hindi niya inalis ang pagkakabaon ng kanyang mukha sa aking dibdib.

"Angelie? Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Ang bango mo pala noh?" bigla niyang sabi. Nanlaki naman ang aking mga mata sa bigla niyang kumento sa aking amoy.

"Huwag mo muna akong galawin ok? Hindi ko kayang sabihin sayo toh ng harap-harapan kaya hayaan mo na lang ako sa ganitong posisyon" sabi niya. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim pati na rin ang paggalaw ng kanyang mga kamay para yakapin ako pabalik.

"Hindi ko alam bakit pero iba ang nararamdaman ko pag kasama kita. Parang palagi na lang may napakadaming paru-paro sa aking tiyan." pagsisimula niya. Teka umaamin din ba siya sa akin? Ibig sabihin may chance na maging kami?

"Hindi ako makagalaw ng maayos pag kasama kita. Yung tibok ng puso ko, yung tibok nito parang gusto nitong makawala sa katawan ko pag lumalapit ka sa akin. Kapag hinahawakan mo ang aking kamay o kung di naman kaya'y pag ako'y iyong niyayakap abot langit ang ngiti ko na pilit kong tinatago at hindi ko alam kung bakit ko iyon ginagawa. Pero alam mo, isa lang ang sigurado ko, masaya ako pag kasama kita kaya William" huminto siya sa kanyang pagsaasalita at nagbigay ng konting distansya sa aming dalawa pero hindi pa rin niya ako tinitignan diresto sa aking mga mata na naging dahilan kaya ipinatong ko ang aking mga kamay sa magkabilang balikat nito.

"Gusto ko lang sabihin na..." hindi niya muli tinapos ang kanyang sinasabi kaya naman ang tibok ng puso ko ay mas lalong bumilis.

"Impossibleng maging tayo" malamig niyang sabi, sa sobrang lamig nanigas na ako sa aking kinakatayuan. Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay parang nagunaw ang mundo ko, ang puso ko, ang buong ako. Nagsimula siyang tumawa ng mahina at palakas ito ng palakas na parang nababaliw na siya na mas lalong nagpagulo sa utak ko kung anong nangyayari.

"Hahahahaha William, ikaw na ang pinaka mahusay na aktor na nakita ko sa buong buhay ko!" sabi niya habang pumapalakpak.

"Sige na pwede mo na akong bitawan, wala nang nagmamasid sa ating dalawa" sabi niya. May nagmamasid sa aming dalawa? Hindi ko pa rin siya binibitawan mula sa aking pagkakahawak sa kanyang balikat kaya sinubukan niya akong itulak palayo pero ginamit ko ang kanyang lakas para hilahin siya papalapit sa akin at niyakap muli.

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon