32. BEHIND THOSE SMILES

12.2K 378 15
                                    

A/N: OH DIBA NAKAPAGUPDATE AKO NGAYON!! Hahaha sana maging masaya kayo dito sa katuloy ng chapter kong cliffhanger

~~~~~~~~

THIRD PERSON P.O.V.

"Chris Castaneda, why did you cheat on my only friend in our school that led her to do the most horrifying thing she can do?" naiiyak na tanong ni Naomi sa lalaking nagging kauna-unahang at huling kasintahan ni Alice Tachibana, ang nagiisang tunay na kaibigan ni Naomi sa buong eskwelahan nila.

"Bat di ka sumagot? Bakit mo tinraydor ang kaibigan ko? Bakit ka nangaliwa kahit alam mong ikaw ang kauna-unahang lalakeng minahal niya ng lubusan? Bakit nag hanap ka ng iba kahit alam mong kayo na ng best friend ko? Bakit? Ikaw ang dahilan k-kung bakit siya n-nagpakama-matay!" Umiiyak na sabi ni Naomi habang masamang nakatingin kay Chris at halatang pinipigilan ang sariling sugurin si Chris.

"Kung hindi mo siya niloko, may best friend pa ako. Kung hindi mo siya niloko, masaya pa rin ako. Kung hindi mo siya niloko, b-buhay p-pa sana ang best friend ko" punong puno ng hinanakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Naomi. Tumayo naman si Chris at adyang aalis ng biglang sumigaw si Naomi

"Wag mo kong talikuran! Sagutin mo ang tanong ko! Bakit mo siya niloko at iniwan sa wala pagkatapos niya ibigay sayo ang lahat lahat pati na din ang kanyang- kanyang pinakaiingatan. Naniwala siya sayo! At yun ang pinakamalaking pagkakamali ang ginawa niya dahil naniwala siya sa isang G@gong tulad mo!" sabi ni Naomi. Hawak na siya nina Momoi at Lily dahil kung hindi nila yun ginawa baka sinugod na ni Naomi si Chris

"Sagutin mo ko g@gu ka! Alam mo, gagawa ka na nga lang ng kalokohan magpapahuli ka pa sa kanya! Ikaw ang pumatay kay Alice!" sigaw ni Naomi kay Chris halos lahat ay nagulat sa ginawa ni Naomi dahil ngayon lang nila narinig na nagmura si Naomi. Humarap si Chris kay Naomi at nagsalita

"Akala mo ba hindi ako nasakatan nung nalaman kong nagpakamatay si Alice? Sobrang sakit ng naramdaman ko Naomi! Sobrang sakit na parang guguho na ang mundo ko! Tinatanong mo kung bakit ko siya niloko? Hindi ko ginusto yung pangyayaring yun! Nilasing ako ni Zoey kaya ko yun nagawa!" sagot ng binata dito. Pagkarinig ni Iris sa pangalan na Zoey agad siyang napalingon sa binata at tinitigan ito.

"Impossibleng siya yung tinutukoy niya diba?" isip ng dalaga sa sarili

"Mahal na mahal ko si Alice, siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra sobra. Hindi ko gusting saktan siya maniwala ka sa akin! Kung maibabalik ko lang ang oras edi sa-" naputol ang sinasabi ni Chris ng biglang nagsalita si Naomi

"Alam mo na hindi mo na maibabalik ang oras Chris, patay na ang best friend ko at ang masakit pa dun wala man ako nagawa. Wala akong magawa nung sobrang depress siya, wala akong magawa nung hawakan niya na yung blade habang nakahiga sa semento ng kwarto niya, wala akong magawa. Walang wala" mahinahon na sabi ng dalaga. Wala ng umimik pagkatapos nun ngunti si Chris ay nakatayo pa rin at nakatingin sa kanyang mga sapatos. Pinunasan niya ang kanyang naluluhang mata at nagbuntong hininga at lumakad pabalik sa kanyang pwesto sa bilog. Hinawakan niya ang bote at pinaikot ito.

Wala paring umiimik sa kwartong yun at pinapanuod lang ng lahat ang bote na umiikot hanggang sa tumigil ito. Hindi alam ng

"Akame anong pakiramdam mo dahil sa lumaki kang may napaka sikat na magulang?" pamputol sa katahimikan ni Chris. Kahit ang awkward ng sitwasyon ngayon ay sumagot si Akame ng buong puso at walang pagdadalawang isip

"Tss kung akala niyong masarap ang buhay dahil sa sikat ang mga magulang niyo? Diyan kayo nagkakamali. Kung yung iba pangarap nnila toh ako gusto ko ng ibigay sa kanila dahil sobrang daming pressure ang nakukuha ko lalo na ang parents ko ay sobrang gagaling sa sports. Paanong magiging hindi magaling eh kilala sila ng mga tao pang international pa. 'Kailangan magaling ka sa sports kasi magaling kami' 'Dapat kasing galling mo kami kahit man lang 50% ng galling namin ay magawa mo' dapat 'Manalo ka sa kumpetisyong yan' 'Bakit ka natalo? Nakakahiya alam mo ba yun? Athletes ang parents mo! Kilala kami world wide at natalo ang kaisaisa naming anak'. Hay naku kung pwede lang talaga umalis sa bahay at magpakalayo layo sa magulang ko matagal ko ng ginawa. Pero ang kaso nakilala na ako ng mundo kaya paglumayas ako pagpinahanap ako ng magulang ko wala akong matataguan" paglalabas ng hinanakit nito sa mga kasama niya habang hawak hawak ang bot at pinapagulong gulong ito sa kanyang mga palad. Ng matapos niya ang pagkwento ay agad niya ding binitawan ang bote at pinaikot ito. Tinititigan nilang lahat ito hanggang sa huminto ito sa tapat ni...

The GlassesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon