Daze's:
Comments, even the nonsensical ones, are appreciated.xoxo
Prologue
Lonely"Are you sure? Baka naman iniiwasan niya lang sila ano ha?" ramdam ko ang panunuya ni ate Reyna sa sinabi niya.
"Hindi po talaga ako sure, ate Reyna. Wala naman pong sinabi sa 'kin si ate. Sorry po," pagpapaumanhin ko.
Galing akong trabaho nang bigla nalang sumulpot si ate Reyna at tinatanong na naman ako tungkol sa ate Dasha ko na mukhang gusto na 'atang mamuhay sa tabi ng dagat sa tagal na hindi na umuuwi rito sa siyudad. Pero ang sabi ni ate Reyna ay nandito na raw sa s'yudad si ate.
"Basta ha, call your ate and tell her na pabalik-balik na ako rito sa unit niyo pero wala pa rin siya. 'Tsaka could you tell her na answer my calls? Kasi whenever I tried calling her biglang out of reach kahit kakareply niya lang sa message ko! I'm pretty sure iniiwasan niya talaga kami. Her alibis are so cliché na!" mahabang utas ni ate Reyna.
"Opo, ate. Sasabihin ko po kay ate Dasha," tugon ko.
Wala naman akong ibang maisasabi pa kay ate gayong 'gaya niya rin ay walang masiyadong sinasabi sa 'kin si ate Dasha. Nagulat nga ako nang sinabi niya na narito na raw si ate eh ni hindi pa nga si ate Dasha na uwi rito sa unit.
"Don't try to left out a detail about what I said ha? And tell her na hinahanap na siya ng mga inaanak niya. Gosh, anong klaseng tita siya?" Hinilot ni ate Reyna ang kaniyang sintido sa maarteng paraan.
Napakagat nalang ako sa pang-ibabang labi.
Malalim na bumuntong hininga ang pinakawalan ko nang masara ang pinto. Narinig ko pang may sinasabi si ate Reyna habang papaalis.
Kumain muna ako bago tinawagan si ate Dasha. Pagkatapos kasi nang pagbisita ni ate Reyna ay kumulo na ang tiyan ko sa gutom.
Hindi na rin kasi ako nakahanap ng tiyempo na kumain habang nasa trabaho kanina. Ang kulit kasi noong inaalagaan ko.
"Hello, ate?" ako nang sa ikatlong ring ay sinagot ni ate Dasha ang tawag ko. Hindi sumagot si ate pero nakarinig ako ng mga kaluskos at daing sa kabilang linya.
"Sino 'to?" muntik ko nang 'di ma-gets ang sinabi ni ate dahil parang inaantok pa ang boses niya.
Mukhang kakagising niya lang 'ata. Hapon na ah?
"Si Jiana po 'to, ate," banayad kong sagot. Hinintay ko si ate na makasagot pero daing lang ang nakuha ko sa kaniya. Ilang kaluskos pa ang nadinig ko. Mukhang nakahiga pa yata si ate.
Nangunot ang noo ko nang may na bosesang lalake. "Sino po 'yon, ate?"
"H-ha? Ano? Sino?" may pagkaantok pa na tanong ni ate. Narinig ko pa ang pagtikhim niya at mga kaluskos ulit. At parang may nagbubulungan pa?
"Hello? Nandiyan ka pa po ba, ate?"
"Jia? Ba't... ba't ka napatawag? May problema ba?" nahimigan ko ang pag-aalala sa boses ni ate.
"Ah.. wala naman po, ate. Pumunta po kasi rito si ate Reyna sa condo at hinanap ka po niya. Ang sabi kasi ni ate Reyna sa 'kin nandito ka na raw sa siyudad. Totoo ba, ate?" Na-e-excite na ani ko.
YOU ARE READING
Into Your Arms (Exclusive on GoodNovel!)
RomantizmI always think that all of his actions meant nothing but a friendly gesture. I always warn myself not to think too much about the way he treated me. I always think that I'm not that much of a significant girl to him. I used to think that it's okay t...