So yun ang tagal kong di nagupdate dami ko kasing dama sa buhay👆🏼😭
Syensya na kayo ah ito lang ako e char. Tuloy ang story! Diko kaya tong iwan👆🏼❤️
#OAnaAuthor***
“Hala! Dagat ba toh?” masaya kong tanong kay Fellix kahit alam kong dagat tinanong ko parin, sobrang tagal ko na kasing hindi nakakapunta sa dagat simula nung 10 year's old ako hindi nako nakakapunta ng mga dagat kasi wala naman dagat sa pinaglipatan namin na bahay.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko uli sa kanya pero tahimik lang sya.
Lumabas sya ng kotse nya at umikot para buksan yung pinto sa kabila kung saan ako nakaupo.
“Thanks” sabi ko and he just smile.
Halos maiyak nako sa ganda, sobrang aliwalas, ang sarap ng simoy ng hangin at napaka linaw ng tubig sa dagat.
“Follow me” rinig kong sabi ni Fellix.
Sumusunod lang ako sa likod nya pero huminto sya kaya huminto rin ako. Nagulat ako ng kinuha nya ang kamay ko.
Nagulat ako kasi para kaming magjowang naghoholding hands dito.
Kilig ka Lusyang?
Napailing nalang ako sa sinabi ko sa isip ko.
Huminto kasi sa isang white yacht at tinulungan nya akong umakyat doon, hindi sya sumunod agad kasi may kinausap pa sya sa baba pero ilang minuto lang naman iyon.
“Fellix san ba tayo pupunta?” tanong ko uli.
“Paradise” yun nalang ang sinabi nya at umandar na ang sinasakyan namin.
Sobrang ganda na parang ayoko ng umuwi, tama sya isa nga itong paraiso. Pumikit ako at dinama ang hangin kahit nakapikit ako sobrang liwanag parin ng nakikita ko kaya napapangiti ako.
Ramdam kong nakatingin sakin si Fellix and tinignan ko sya dahil doon at hindi nga ako nagkamali. Nakatingin sya sakin at nakangiti pa kaya parang nailang ako.
Maya maya huminto na sinasakyan namin at bumaba na kami.
“Omygash, if this is a dream wag na sana ako magising” bulong ko ng maapakan ko ang mabuting buhangin tinaggal ko ang heels ko para maramdaman ang puti at pinong bungahin.
“This is where my Grandma lives, I grow up here” rinig kong sabi ni Fellix.
“You mean to say nandito tayo para puntahan ang lola mo?” kinakabahan kong tanong.
“Yeah, and also I ask Tita what place you like to go and she said beaches, so let's go I will introduce you to my Grandma”
Tinanong nya pa pala si Mama.
Nagulat ako ng makita namin ang isang magandang mansion at malaking gate neto, pero tinanong ko rin ang sarili ko kung bakit pako nagulat mayaman naman talaga ang pamilya ni Fellix.
At bakit pako kinakabahan isa lang naman akong secretary at hindi girlfriend.
Yuck! Anong girlfriend?
YOU ARE READING
Sunset In Paradise
RomanceLuviane Cyrine Reyes is a girl who loves to eat and it is her happiness but because of the food that makes her happy she met Fellix Ron Velasquez.