"Whaaattt? Babae seryoso ka dyan?" malakas na sigaw ni Shein sa kwarto ko.
"Makasigaw ka naman! parang nasa kabilang baranggay ako ah" sabi ko buti nalang nasa kapit-bahay si Mama.
"Pero seryoso ghorl! Pumunta sya dito para malaman kung okay ka, at tumayo sya sa harap mo na sobrang lapit katulad nung nandoon kayo sa kotse nya wait may ganun?" huminto sya at tinuloy uli ang pagsasalita.
"At hinawakan yung noo mo at sinabi na 'you should rest'!?" ulit nya uli sa kwento ko."Oo nga, syaka hinaan mo nga boses mo parang may microphone na nakadigit sa ngipin mo ih".
Agad nyang tinikop yung bibig nya halatang pinipigilan yung kilig.
"Omg! At dahil doon wala ka ng sakit uli! Ayos kana uli, ackk!" napatalon na sya dahil doon napapangiti naman ako.
"Epal, hindi dahil sa kanya yun" umirap ako.
"Eh kung ganun bakit hindi mo sya nagawang itulak o ikaw na mismo lumayo diba?" taas kilay nyang tanong.
Kahit nga ako hindi ko rin alam kung bakit.
"Btw! Bakit di ka nagpaparamdam sakin nitong mga nakaraang araw?"pagiiwas ko sa tanong nya.
"Nah! Ako unang nagtanong, change topic ka rin noh?!" natawa naman sya.
Wala na rin akong magawa kundi sagutin yung tanong nya syaka totoo naman na hindi ko rin alam.
"Okay fine, hindi ko alam kung bakit? O nasagot ko na ikaw naman" ani ko.
"Wait, wait, wait! So pumupunta na pala dito si Fellix? So nagsorry kana ba? Parang dati lang sobrang galit ka sa kanya" sabi uli ni Shein pagi-iwas na naman nya sa tanong ko.
"Hindi ko rin alam kung bakit sya pumunta at oo nagsorry nako, para manahimik na ang lahat" sabi ko at totoo naman yun ayoko rin ng laging may nangungulit sakin.
"So ibig mong sabihin pumunta talaga sya dito kasi nalaman nya na may sakit ka?" nagtataka namang tanong ni Shein.
"Huh? At kanino nya naman malalaman yun, syaka kung ano ano iniisip mo, baka dahil binalik nya lang yung pasalubong mo na naiwan sa kotse nya nung hinatid nya ko" sabi ko.
"Okay" sabi nya nalang habang kinakain yung binigay ni Mama na meryenda kanina.
"So sagutin mo na ngayun yung tanong, bakit di ka nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw?" Tanong ko, syaka pinatong yung unan sa tyan ko.
"I'm with Zac" maikli nyang sabi, at alam ko na na may problema sya nakikita ko yun matagal na kaming magkaibigan.
"Umuwi na si Tita Agnes diba?" tanong ko uli.
"Oo, and hindi ko pa nasasabi kay Mama yung tungkol samin" explain nya nalaman nya na siguro yung gusto kong tanungin.
Hinawakan ko yung kamay nya.
"Kaya mo yan, ikaw pa, and seryoso kana talaga kay Zac ah, masaya ako para sayo" sabi ko ngumiti naman sya.
"Alam mo! Ito pinaka-ayaw ko, ang awkward kaya minsan" sabi nya syaka tumawa kaming sabay di naman kasi kami ganun mag-advise sa isa't-isa basta ngayun gusto ko lang malaman nya na nandito lang ako.
Marami pa kaming pinagkwentuhan, gusto ko nga dito na sya matulog, pero may pupuntahan daw sila bukas nila Tita Agnes, so next time nalang.
Hinatid ko na sya sa gate at pumasok narin ako nung nakaalis na sya.
Pagpasok ko nakita kong may kausap si Mama sa Cellphone.
[Oo, bukas sige] sabi ni Mama at binaba na yung phone.
"Ma sino yun?" tanong ko nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nya pero nawala rin agad.
"Wala anak, yung pinagutangan ko lang" sabi nya.
Tumango nalang ako at sabay na kaming kumain ng gabihan ni Mama.
Ako na naghugas ng plato kaya ko naman na, inayos nalang ni Mama yung lamesa nagjo-joke pa nga si Mama, sabi nya pwedeng-pwede na daw ako mag-asawa, natawa nalang ako.
Pagkatapos nun umakyat nako sa taas pero syempre di pa ako natulog puro tulog nalang ginawa ko buong hapon.
Kinatikot ko lang yung phone dahil di ako makatulog bigla nag-stalk lang ako sa ig nakita ko naman yung post ni Shein na nasa park may nakahawak sa kamay nya at nakatalikod sya sa camera.
Nagcomment naman ako.
Lvn_cyryz: Sana all diba?! @Sheinixx
Nags-scroll pa ko sa ig ng biglang nagring phone ko, unknown number sya pero sinagot ko nalang
"Hello?" sabi ko
[Are you feeling well now?] sabi ng boses lalaki sa kabilang linya.
"Sorry kuya, wrong number po"sabi ko nalang.
[Just say that you're okay] sabi nya uli.
"Huh? Prank call ba to?" mejo na iinis kong sabi.
[I think you're okay now]
Yun nalang sinabi nung nasa kabilang linya at pinatay narin yung tawag.
Baka na wrong number si kuya or prank lang.
Hinayaan ko nalang, tinuloy ko nalang yung pags-scrool ko sa ig nakita ko naman na hineart ni Shein yung comment ko.
_____________________________________
<3AN: So hi readers, sorry sa mga typography and wrong grammar, i hope you enjoy reading my story, keep safe, love lots. Mwah!
YOU ARE READING
Sunset In Paradise
RomanceLuviane Cyrine Reyes is a girl who loves to eat and it is her happiness but because of the food that makes her happy she met Fellix Ron Velasquez.