Chapter 10

6 1 0
                                    

"Ano ba nangyari?"

Tanong ko kay Shein, pero hindi sya nagsasalita nakatabi lang sya sakin.

"Okay hindi kita pipilitin na magsabi, basta sabihin mong okay ka lang" sabi ko.

"I'm fine" sabi nya at nagtalukbong na sya ng kumot.

Gusto ko man malaman kung anong nangyari kaso i respect her privacy basta nandito lang ako kung kaylan nya gusto magsabi.

Nagising akong wala na si Shein sa tabi ko, kakabahan na sana ako pero narinig ko ang tawanan nila ni Mama sa baba kaya dumiretsyo nalang ako sa Cr para maligo.

Nagsuot lang ako ng plain black na t-shirt at jeans na pantalon at dahil malamig ngayun nagdala nako ng jacket at nilugay ko nalang yung buhok ko.

"Oh, Lucy, kain kana"

Tumango lang ako kay Mama at tinignan si Shein, mukhang okay naman sya o dahil nandyan lang si Mama.

Pagkatapos naming kumain nagayos na ako agad, papasok na kasi ako sa trabaho.

"Gusto mo ba sumama aa trabaho ko?" tanong ko kay Shein.

"Huwag na okay nako dito kasama si Tita" sabi nya

"Ingat ka ah" sabi nya at ngumiti.

Alam kong may tinatago talaga sya.

"Salamat" sabi ko.

Pagkalabas ko ng gate nakita ko si manong tricycle driver na naghatid samin ni Fellix kagabi.

"Good morning Ma'am, ako na po maghahatid sa inyo" masiglang sabi ni kuya.

Ngumiti naman ako.

"Ay sige po kuya" sabi ko syaka sumakay na.

"Kanina pa ba kayo dun kuya?" tanong ko.

"Ah hindi po Ma'am kararating ko lang din ho" sabi nya at tuloy-tuloy ng nag-drive.

Tinignan ko naman yung cellphone at nakita yung message ni Fellix.

My boss: Before you go to work, buy me some coffee first.

Me: Huh? At bakit ko naman gagawin yun?

My boss: Because your my personal assistant right?

Inis akong natawa.

Me: Excuse me? Nandyan kana mismo sa Coffee shop hindi mo ba mabilhan ang sarili mo!

My boss: Just buy me some coffee. Huwag ka ng umangal.

Inis kong tinago yung phone ko.

"Kuya pwede pong huminto muna tayo sa 7/11?" sabi ko.

"Opo Ma'am" sabi ni Kuya.

Pagdating namin agad akong bumama  at dumiretsyo sa bilihan ng mga kape.

Para naman makabawi ako sa kanya, bumili lang ako ng kape, sya na magtimpla!

Pagkatapos kong bumili lumabas na agad ako at sumakay na ng tricycle.

Nasa tapat na kami ng shop, magabbayad na sana ako kay kuya pero tumanggi sya.

"Huwag na po Ma'am" sabi nya.

"Huh? Bakit naman po Kuya?"

"Nabayaran na po ng boyfriend nyo" masaya nyang sabi nagtaka naman ako kasi sino yung boyfriend ko?

"Kuya wala po akong boyfriend" sabi ko.

"Yung lalaking kasama nyo po kagabi, sige po Ma'am" pagkasabi nya umalis na sya agad.

Sunset In Paradise Where stories live. Discover now