Chapter 9

7 1 0
                                    

"So ano kamusta?"

Tanong nila Daisy sakin pagkalabas ko ng pinto.

'Hindi okay, isa syang napakalaking hakdog na gusto kong hiwa-hiwain, ang kapal ng mukha nya! Ano bang gusto nya? Huh? Hakdog.'

"Okay lang naman" sabi ko nalang kahit hindi naman.

"Mabuti naman kung ganun" si Daisy.

"Pogi nya diva?" malantod na sabi ni Amir.

'Mukhang tipaklong'

Ngumiti nalang ako ng pilit at dumiretsyo na ako sa paglakad pinagsawalang bahala ko nalang ang nangyari ngayong araw.

Ilang minuto ang lumipas ng may na receive akong message kaparehas sya nung number na tumawag sakin.

Unkown number: Save this number.

Medyo naiinis ako dahil wala ako sa mood makipag-biruan ngayun.

Me: Kuya kung sino kaman, wala ako sa mood ngayun, dahil sobrang bulok ng araw na to', gusto ko lang manapak ng tao, mukha syang tipaklong, promise! Kaya kuya wag mo kong ma-prank-prank dyan ha!

Message ko at agad na naread yun ni kuya.

Unknown number: Who is that person?

Tanong nya.

Me: Bakit kuya kung sasabihin ko ba sasapakin mo para sakin? Sige, sya si Fellix na mukhang tipaklong, sapakin mo kuya ah! Kapag nagawa mo yun ise-save ko talaga number mo.

Natatawa kong message.

"Is it fun to message others like that? and what did you say? t-tipakolong? what?"

Napatingin ako kung saan nanggaling yung boses na yun alam ko namang si Fellix yun.

Nasa harap ko na pala sya.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?"

Hindi na sya nagsalita, hinarap nya lang sakin yung screen ng cellphone nya at nakita ko don yung mga message ko.

And wait, sa kanyang number yun?
And saan nya nakuha number ko.

"San mo nakuha number ko?" tanong ko.

"Workers information sheet , why? You think I'm stalking you?"

"May sinabi ba ako?" matapang ko namang sagot.

"Is that how you treat your boss?"

"Ay sorry boss nga pala kita" peke akong ngumit ng sinabi ko yun.

"Give me your phone" sabi nya.

"At bakit ko ibibigay sayo?" tinaasan ko sya ng kilay.

"'Cause I'm your boss" sabi nya naman.

Wala na rin akong nagawa kundi ibigay yun at agad nya rin namang binalik.

Tinignan ko kung anong ginawa nya sinave nya lang naman yung phone number nya at nilagay nya doon na name ay 'My boss'.

Pagkatapos nun, umalis na rin sya.

Sunset In Paradise Where stories live. Discover now