Chapter 1

16 1 1
                                    

Bad morning to everyone pero ayaw ko mang-share ng bad sa inyo kaya have a good day!

So maaga akong nagising kasi kaylangan kong pumasok trabaho. Part time job sa milktea shop, kaylangan ih para sa amin ni Mama, nakakaya ko naman syaka magtatayo daw si Mama ng kahit maliit na karinderya lang magaling naman sya magluto syempre si Mama pa.

"Lusyang! Kakain na!"

Ano ba naman itong si Mama kaganda-ganda ng pangalan ko at ako gagawin lang na Lusyang?

"Luviane Cyrine Reyes Ma, hindi Lusyang!" pagtatama ko.

"Oo na, bilisan mo na kumain at tatanghaliin kana" sabi nya habang inaayos ang hapag kainan

"Tanghali agad Ma? Di pwedeng late?"

Sa totoo lang di ko rin maintindihan sarili ko, kasi wala namang kayo. Boom! Kilig.

"Nak kumain kana, lutang kalang at gutom."

And yun na nga kumain na nga ako kasi hindi pwedeng hindi, sayang yung pagkain nakakabawas rin yung sa ka-cute-tan KO.
#FeelingeraforthedayLucy.

"Syanga pala Nak, daanan mo yung tindahan ni Aling Kuring ibigay mo ito, bayad sa utang"

Nangutang na naman pala si Mama

"Sige po Ma, kunin ko nalang po mamaya pagaalis nako"

Pagkatapos kong kumain syempre maliligo, nasusundan nyo ba mga bata?

So yun na nga naligo nako, tapos nagbihis, lumabas ng kwarto at kinuha yung pangbayad kay aling Kuring.

Sumakay narin ako sa tricycle pagkatapos kong dumaan sa tindahan nila.

Alas syete na ng makarating ako sa sa milktea shop na pinagtratrabaho-han ko, medyo late pero okay lang mabait naman si boss.

"Lucy late ka na naman, puyat-puyat pa wala namang jowa!" Bungad agad sakin ni Kyle.

"Ikaw meron?" sabat ko sabay lagay ng gamit ko sa loob.

"Wala pero mapapasagot ko na rin yun!"mayabang nyang sabi.

"Ah so may nililigawan na, tapos di namin kilala ni Shein?"tinaasan ko sya ng kilay.

"Speaking of Shein? Nasan sya? himala di ka hinatid ngayun" sabi nya habang inaayos yung mga upuan.

"Busy sya ngayun, syaka darating na si Tita Agnes galing Hongkong kaya dapat nandoon sya sa bahay nila"

Ewan ko nalang sa babaeng iyon daming sekreto kay Tita. 'Batang pasaway.'

At balik tayo sa trabaho ko, medyo malaki itong shop kaya maraming bumibili tulad ng grupo ng magkakaibigan, yung iba mag-jowa! Eh di sana all! At yung iba single lang talaga! Meron din yung puso selfie lang ang ginawa yun lang ata pinunta dito.

Mga alas syete ng magsarado na ang shop.

"Lucy, sabay na tayo!" sigaw ni Kyle.

"Baka magselos yung future Jowa!" biro ko

"Di pa kami, pero thanks sa advance!"

"Eh di sana all, magbrebreak din kayo" charot.

"Di pa nga kami! sobrang bitter mo talaga!"

"Tara na! Feeling ko uulan pa e"sabi ko sabay hanap ng tricycle.

At hindi nga ako nagkamali umulan nga, pero ganun nalang sya kasama, broken ata yung ulan ngayun, grabi luha ah! Lakasss!

"Kuya dyan nalang po sa pulang gate, yan hopyahh!" pagkasabi ko nun binigay ko na yung bayad.

"Pano una nako, ingat sa pag-uwi! Ah" sabi ko sabay tingin kay manong driver "kuya wag nakayo nagsasakay ng ibang babae ah! may jowa na po ito, baka magselos" sabi ko sabay labas sa tricycle  at mabilis na tumakbo sa gate namin narinig kong nga 'Bye' si Kyle pero di ko na pinansin mababasa nako ng ulan.

"I'm home na Ma" masigla kong sigaw habang nagtatanggal ng sandals.

"Ahuh, hulaan ko ulam! Ado-"
di ko na natuloy yung sasabihin ko ng makita si Papa sa lamesa.

"Ahmm, anak nandito pala si Papa mo, di ko nasabi kanina na dito sya maggagabihan" sabi ni Mama habang hinahanda yung lamesa.

"Ah, magpapalit lang po ako ng damit Ma" sabi ko pero bago yun lumapit muna ako kay Mama para magmano at tumalikod na.

Anong ginagawa nya dito? Ano na namang kautuan ang sinabi nya kay Mama? Ang rupok din nitong si Mama ih!

"Lucy anak kain na!" sigaw ni Mama pero ayaw ko pa bumaba, bakit parang ganun lang kabilis kay Mama ang lahat?

"Sige po Ma, busog pa po ako, kumain na po ako kasama si Kyle kanina" kahit hindi naman.

May narinig ako katok galing sa pintuan ng kwarto ko, tumayo ako para buksan iyon.

"Anak?" ng marinig ko kung sino yun huminto ako.

"Busog pa po ako"saad ko.

Di na ako nakarinig ng kung ano at humiga narin ako sa kama ko.

Hindi ko lang talaga kayang tanggapin sa ngayun ang ginawa ni Papa kay Mama.

Ilang oras ang nakalipas ng may kumatok sa pintuan.

"Anak" si Mama

Narinig ko nalang na bumakas iyon, at nagtalukbong ako ng kumot.

"Anak, pwede ba tayong mag-usap?"mahinahon na sabi ni Mama

"Alam kong gising kapa"

Tahimik lang ako

"Luviane Cyrine" narinig ko ang mabigat nyang boses doon kaya lumingon ako.

Nakita ko ang lungkot sa mata ni Mama.

"Bakit Ma? ang rupok nyo naman ih"sabi ko sabay umupo sa kama

"Anak, Papa mo sya, kaylangan naten sya" ramdam ko ang lungkot nya

"Pero Ma"

Huminto ako para mas lapitan pa sya at hawakan ang kamay nya.

"Ma, niloko ka nya pati ako bilang anak! Di ko alam kung bakit" naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mata ko agad yun pinunasan ni Mama.

"Sige po Ma, magpahinga na po kayo, maaga pa po ako bukas"sabi ko pagkatapos ko syang yakapin.

Umalis na sya pagkatapos nun, alam kong di ako pipilitin ni Mama sa bagay na iyon. At tama rin si Mama, pero kaylangan ko parin ng pahanon para makalimutan iyon, mahal ko si Papa pero mali ang ginawa nya, pero sya parin ang Papa ko at kaylangan nyang gampanan ang responsibilidad nya sa amin.

______________________________________

-♥️

Sunset In Paradise Where stories live. Discover now