Lunes na uli, ganun nalang kabilis ang oras at araw, parang natulog lang ako tapos umaga na uli.
Maaga rin akong nagising dahil papasok na uli ako sa trabaho at kinakabahan ako dahil ngayun ko palang makikilala yung bagong boss namin, kahit na nagbigay nako ng excuse letter, syempre nakakahiya parin yun para sakin.
"Ma, alis na po ako" sigaw kong sabi hindi ko kasi alam kung nasaan si Mama baka nasa likod ng bahay.
"Sige lang anak, ingat ka" sigaw ni mama mula sa likod, nandun nga sya pero tuloy-tuloy na akong lumabas ng bahay para pumara ng tricycle.
"Oh, nandyan na pala sya"
"Lucy ayos kana ba?"
"Buti maaga ka ngayun"
"Hay naku, kaylangan mo talagang pumunta sa office ng pogi nating boss"
Sunod-sunod na sabi sakin nila Amir and Daisy nakatingin lang si Kyle alam nya siguro na nalilito nako kaya hindi na sya sumama pa sa dalawa halos diko na nga alam kung sino papakinggan ko.
"Huh? Wait nga lang, isa-isa lang, so nandito na yung boss natin?" sabi ko.
"Yes, kanina pa sya sa office ni Sir Ronnie" sabi ni Amir at alam nya talaga kung nasan yung boss namin ganun ba talaga kapogi, kung sa bagay lahat naman ata pogi sa kanya.
"Okay, and ayos na rin naman na ako" sabi ko at sabay ayos muna sa sarili, kaylangan maging maayos akong tignan.
"So sige, pasok kana, kaya mo yan" sabi naman ni Daisy, na parang isa talagang pagsubok ang papasok doon.
Huminga ako ng malalim at unti-unti binuksan yung pintuan ng office ni Sir kung saan nandun yung bagong boss namin.
Pinalibot ko naman yung mata ko at nakita ko syang nakaupo sa upuan nakatalikod ito kaya hindi ko pa makita yung mukha nya pero parang familiar sya kahit nakatalikod sya.
Pumasok ako at huminga uli ng malalim sya tumayo ng maayos at nagsalita.
"Good morning Sir, I'm Luviane Cyrine Reyes, I am one of the workers here in Ctea milktea and I want to apologize, I was not here the day you came here as our new boss because I was sick that day, but I promise I will never do that again and I want to welcome you here at the Ctea milktea coffee station, Sir." magalang kong pagpapaliwanag kahit hindi naman ako ganun kagaling sa pag-e-english.
Ilang minuto pa pero nakatalikod pa rin sya kinakabahan na tuloy ako baka hindi nya tanggapin yung sorry ko tapos tanggalin ako sa trabaho.
Hindi pwede yun, sabi ko sa utak ko.Huminga ako ng malalim at nagsalita uli.
"I will do everything Sir, just accept my apology" sabi ko.
"Then be my personal assistant"
Nagulat ako dahil kilala ko kung kaninong boses yun.
"Fellix?" napabulong kong sabi
At sakto naman yun sa paglingon nya sakin.
At hindi nga ako nagkamali, sya nga.
Bakit?
Alam nya ba na dito ako nagtra-trabaho?
Pano?
Ano bang plano nya?
Nagsorry nako, di paba sapat yun?
O baka naman hindi Lucy, masyado kang feeling malamang alam nya siguro ito noon pa, or kilala nya na talaga si sir Ronnie noong bago kapa nya makilala.
"Yes?" nawala lahat ng iniisip ko noong magsalita sya.
Tumingin ako sa kanya at ganun din sya, nag iwas agad ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag-titigan sa kanya.
Tumayo sya at naglakad papalapit sa akin, kinabahan naman ako para doon kaya na paatras ako, tumingin ako sa likod ko tinignan kung may maa-atrasan pako pero pinto na yun nandon, kaya naman nagaalinlangan akong tumingin sa kanya.
At sobrang lapit nya sakin.
Nakita ko kung pano sya ngumisi, dahil siguro mukha akong hakdog na lumalayo sa kanya.
"L-lalayo k-ka o-"
"What? What you gonna do? And what if i dont want too?" tanong nya sa pilyong boses.
Nakakainis sya ang sarap nyang tirisin.
"So from now on you will be my personal assistant" sabi nya and hindi ko na alam kung anong sasabihin ko dahil na sabi ko na gagawin ko ang lahat pa lang tanggapin nya ang sorry ko.
Lalabas na sana ako pero pinatong nya yung kamay nya sa pintuan kaya di ako makalabas.
"Just say yes or yes" sabi nya
Tumingin ako sa kanya, okay sige tatanggapin ko na kung yun yung gusto nya.
"Yes" madiin kong sabi.
Pagkasabi ko nun tinanggal nya na yung kamay nya sa pinduan at tuloy tuloy na akong lumabas.
______________________________________
-♥️AN: Maka nosebleed 🤦
YOU ARE READING
Sunset In Paradise
RomanceLuviane Cyrine Reyes is a girl who loves to eat and it is her happiness but because of the food that makes her happy she met Fellix Ron Velasquez.