Patuloy lang ako sa paglalakad diko na inabalang lingunin pa sya at wala talaga akong balak, sa dinami-dami ba naman kasi ng Mall dito pa sya napadpad!
Nang makarating ako kila Shein nakita ko silang nagtatawanan ni Zac at napatigil sila ng mapansin nilang umupo ako sa upuan ko kanina.
"Oh, sis ano nangyari bat ganyan mukha mo?" sabi ni Shein napansin nya sigurong nakabusangot ako.
"Wala" maikli kong sagot at humigop ng Milktea kahit papaano nabawasan ang init ng ulo ko.
Syaka di ko na sinabi sa kanila ang dahilan nakakahiya naman sa bebe nya mamaya nalang pagkami nalang dalawa.
Kumuha ako ng fries para kainin at tumingin sa cellphone ko.
"Oh, bro!" narinig kong sabi ni Zac.
"Hey" sabi nung lalaki at napataas ako ng tingin ng makita ko kung sino yon.
Nagkatinginan kaming dalawa bakas ang gulat at inis sa mukha nya ganun rin ako kasi sya pala yung tinutukoy ni Zac at alam kong kilala sya ni Shein.
"Omg, Fellix!" gulat na sabi ni Shein na para talagang wala syang alam na kaibigan ng bebe si Fellix na sarap ikiskis sa pader.
"Shein?" nagtatakang sabi rin ni tipaklong.
"Oh, so you already know each other" natatawang sabi ni Zac.
Humawak naman sa braso nya si Shein.
"Yes babe" sabi nya.
Tumingin sakin si tipaklong.
"And?" sabi nya at hinihintay na magpakilala ako.
"What?" sabi ko, at napansin ni Shein na medyo naiirita ako kasi alam nya yung nangyari samin nung gabing naki-party kami.
"Ahmm, Fellix this is Lucy, and Lucy this is Fellix" bigla singit ni Shein.
"Lucy, huh?" nakita ko syang ngumisi.
"Yeah, so nice to meet you Fellix" madiin ko syang tinignan at pekeng
ngumiti"So why are you with them? don't you have a date?"
Ay loko 'to ah! Parang pinaparating nya na wala akong karapatang makisali sa kanila! Na third wheel lang ako dito! Ang sarap nyang sapakin!
"Wala" ngumiti ako at lumapit ng unti sa kanya "at wala kang pake" mahina kong sabi.
"So babe saan na tayo next?" biglang sabi ni Shein.
Umupo ako at hinintay kung anong plano nila at libre lang naman toh kaya sayang naman diba?
"Cine?" saad ni Zac.
"Okay sige, horror movie!" Excited na sabi ni Shein, syaka lumapit sakin.
"Ghorl, ano okay kapa?"sya
"Wag mong sabihing kasama yung tipaklong nayan?" naiinis kong sabi.
"Mukhang hindi kasi sabi ni Zac may pupuntahan din naman daw sya pagkatapos" she said
"So libre parin sakin?" napangiti kong sabi.
"Oo syempre, kaya halika kana dalhin mo nalang yan doon pwede naman ata ipasok yan" sabi nya sabi tingin sa Milktea na nasa harap ko at fries.
Tumayo ako at lalapit na sana kay Shein ng bigla nagring ang phone ko.
Napahinto ako at tumingin sila sakin, nandon pa pala si tipaklong.
"Ahm, excuse me" sabi ko kanila.
"Si Tita?" tanong ni Shein
Tumango ako at sumenyas na labas muna ako.
YOU ARE READING
Sunset In Paradise
RomanceLuviane Cyrine Reyes is a girl who loves to eat and it is her happiness but because of the food that makes her happy she met Fellix Ron Velasquez.