Chapter 12

7 0 0
                                    

Nagising ako dahil feeling ko may nakatingin sa akin unti-unti kong dinilat yung mata ko.

"Good morning"

Natawa ako.

"Hanggang sa panaginip ko nandyan ka parin?" sabi ko pero at halatang kagagaling lang sa pagtulog.

Natawa sya.

"Hoy! Fellix gigisingin mo lang ah!" rinig kong sabi ni Shein.

"Ang pogi talaga ng batang iyon" si Mama.

Nagtaka ako, wait sabihin nyo panaginip lang to'!

Agad akong umupo at nakatingin lang sya sakin.

"Panaginip lang ito Lucy, sampalin mo nalang yung sarili po para magising ka" sabi ko at huminga ng malalim.

Narinig kong natawa uli sya.

Pero sinampal ko na yung sarili ko gamit ang dalawang kamay ko medyo malakas yun.

"Ouch" daing ko at napapikit.

"You're late, so you-"

Nagulat siguro sya kasi agad-agad akong tumakbo sa Cr.

"Hey!" sigaw nya.

"Mama, bakit nasa kwarto ko sya!" sigaw ko galing sa Cr.

"Mamaaaaaa!" sigaw ko uli.

Narinig kong natawa sya medyo na inis ako akala nya naman kasi kakatawa.

Bakit kasi nandun sya? Hakdog ba talaga sya! Siguro tinititigan nya ko kanina habang tumutulo yung laway ko.

Tumingin ako sa salamin para makapaghilamos at magmumog! Nagsalita pako sa harap nya.

"Pashneyang nilalang" inis kong sabi.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush pumunta ako sa pintuan unti-unti ko yun binuksan at nilibot ang mata kung nandun paba sya pero nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko sya makita doon.

Agad na akong tumakbo sa damitan at kumuha ng damit.

"Hepipep! Ito isuot mo" nagulat ako ng makita si Shein.

Lumapit ako sa kanya at nagsalita.

"Bakit nandito yun? Bakit sya pumasok dito? Bakit pinayagan nyo sya? Bakit-"

"Shush" pagbigil nya sa mga itatanong ko pa.

"Babae, ang swerte mo nga at nakakita ng pogi sa paggising mo! At hindi mo pa samin sinabi na may date ka ngayun ah" sabi nya.

"Huh? Anong date?" tanong ko.

"Deny mo pa ghorl! Huwag kang mag-alala susuportahan ka namin ni Tita" masigla nya uli sabi.

"Wait, pumayag si Mama? At alam nya rin na pumasok sya sa kwarto ko"tanong ko.

"Hay naku, nakwento ko na lahat kay Tita at nagulat rin ako kasi ang saya nya rin, alam mo babae! Si Tita na rin ang may gusto na magkabebe ka kaya tutulungan kana namin" sabi nya at tumayo.

"Kaya maligo kana at isuot mo ito" sabi nya uli at bumaba na naiwan naman akong nakatulala dito.

Sinuot ko yung sinabi ni Shein na isusuot ko, isa itong off-shoulder white dress na above the knee, at pinartner ko dito yung brown sandals with heels ko.

Tumingin ako sa salamin, kahit ako
naninibago sa itsyura ko.

Narinig kong may nagbukas ng pinto at nakita ko si Shein yun nagulat sya pero agad din lumapit sakin.

"Here" sabi nya, titignan ko pa sana kung ano yun pero sya na mismo ang naglagay nito, simple lip tint sya.

"Gagalingan mo ha! Hindi ka uuwi dito ng wala kang maikwe-kwento samin ni Tita" sabi nya.

"Ewan ko sayo, hindi naman yun date, baka trabaho lang din" sabi ko at kinuha na yung bag ko.

Pagbaba ko sa maliit naming hagdan nakita ko na naguusap sila Mama at Fellix.

At nakita ko namang napalingon si Mama sa akin.

"Ayan na pala sya" ani nito.

Naramdaman ko ang pagtingin sakin ni Fellix pero di ko sya tinignan manlang.

"Alis na po kami Ma" yun agad yung sabi ko ayaw ko namang magtagal sya dito dahil aasarin na naman ako nila Mama.

"Ah sige, ingatan mo Fellix ah" bilin ni Mama.

"Opo" magalang na sabi ni Fellix

Napairap nalang ako at tumango kay Mama.

Hindi naman talaga to' date.

Inunahan nya ko sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami ng bahay.

Nasa labas rin yung kotse nya ay sya pa nagbukas nun para sakin.

"Thanks" sabi ko.

Ilang minuto kaming di nagkikibuan hanggang sa nagsalita nako.

"San ba kasi tayo pupunta?" tingin ko sa kanya pero seryoso syang nakamamaneho.

"You'll see, when we get there" sabi nya.

Tumahimik nalang ako nung sinabi nya yun.


___________________________________________
-♥️

AN: Annyeong!! Aymbak! Yey! 👆🏼😭







Sunset In Paradise Where stories live. Discover now