"Dito nalang" sabi ko sa kanya nung nasa tapat kami ng bahay ng kapit-bahay namin.
Syempre diko ipapakita kung saan bahay namin.
"And ahm! Hintayin mo nalang ako dito"dadag kong sabi nung bumaba ako sa kotse nya hindi naman sya nagsasalita kaya mabilis akong naglakad papunta sa bahay namin.
Agad ko naman nakita si Mama sa labas ng pintuan namin, napatingin ako kay ate Jane na parang okay naman si Mama naman tarantang-taranta.
"Lucy nandito kana pala, tulungan mo nga akong pakalmahin si Tita" bungad nya sakin.
"Panong di ako kakalma, manganganak ka na pero parang ang okay-okay mo! Nasan na ba si Mister mo, tagal naman dumating, dapat mabilis ang kilos nya! Lalabas na ang baby nyo!" sunod-sunod na sabi ni Mama.
Lumapit naman ako sa kanila at kinuha yung isang baso ng tubig na nasa maliit na lamesa.
"Ma wait huminahon muna kayo, ito tubig" sabi ko at tumingin naman ako kay ate Jane.
"Manganganak kana ba talaga ate? Bat parang ang okay mo?" may pag-aalala kong sabi.
"Ay naku natataranta na nga si Tita sasali pako, syaka mabait si Baby di nyako pinapahirapan" kindat nyang
sabi."Nasan na ba kasi si Kuya Dexter?" sabi ko.
"Hay naku Lucy, ang kuya Dexter mong pagong!" sabi ni ate Jane na nakuha pang tumawa.
"Anak, kunin mo nga yung bag ni ate Jane mo sa loob para naka-ayos na pagdating ni kuya Dexter mo" sabi ni Mama na agad ko naman sinunod.
Habang hinahanap ko sa loob yung bag ni ate Jane narinig kong boses ni ate Jane at Mama.
"May pogi!"
"Lucy! Anak nasan ka!"
Sabay naman nilang sabi kaya nagtaka akong kinuha yung bag ni ate Jane at mabilis na lumabas.
"Ma bat ba kayo sumisigaw dyan, pati ikaw ate Jane baka mamaya bigla nalang lumabas si Baby-"
Napahinto ako sa sinabi ko ng makita
ko si Fellix sa harap namin.Agad ko syang tinignan ng nagtatakang mata.
Abay! Katigas rin pala ng ulo ng tipaklong nato!
"Di mo naman sinabi Nak na may dala kapalang pogi!" sabi ni Mama na biglang tumino at kumalma.
"Hello po" nakangiting sabi ni Fellix sabay mano kay Mama.
Anghel ka? Bait ah!
"Kaawan ka ng Diyos anak" sabi naman ni Mama.
Agad akong lumapit kay Fellix at inilayo sya ng unti, at tinignan sya ng masama.
Lumingot naman ako kila ate Jane at Mama na ngayun ay nakatulala kay Fellix kaya hinarangan ko sya
"Ah manganganak na kasi si ate Jane diba Ma? Diba ate Jane manganganak kana?" tumingin ako sa kanila
"Oo nga manganganak na nga ako!" sabi naman ni ate Jane.
"Nasan naba kasi ang asawa mo ang tagal naman, san tayo sasakay nyan para maihatid kana sa hospital" si Mama
"I can take you there" singit ni Fellix
"Talaga? Salamat naman Anak! Halika kana Jane, Lucy tulungan mo ang ate Jane mo" sunod-sunod na sabi ni Mama
Nagtataka kong tinignan si Fellix, pero ngumiti lang sya, bakit? Bakit ang bait nya! Maghihiganti na ba sya?
At wala nakong nagawa kundi sumunod, mahirap naman kung dito manganak si ate Jane, kawawa si Baby.
"Nasan yung kotse mo hijo?" sabi ni Mama at ako nalang talaga nahihiya para doon.
YOU ARE READING
Sunset In Paradise
RomanceLuviane Cyrine Reyes is a girl who loves to eat and it is her happiness but because of the food that makes her happy she met Fellix Ron Velasquez.