Chapter 14

4 0 0
                                    

Nagising ako dahil rinig kong may kausap si Mama sa baba, pano ang ingay ingay, ang ganda pa naman ng panaginip ko.

Bumaba akong sabog sabog ang buhok dahil mamaya pa naman ang pasok ko sa trabaho.

“Oh, anak gising kana pala” rinig kong sabi ni Mama.

“Good morning Ma” mejo paos pa ang boses ko dahil kagigising ko lang.

Humikab ako at tinaas ko ang kamay ko para mag-stretching ng konte.

Kinusot kusot ko pa ang mata ko at tinikman ang laway ko, masarap rin pala sya ghorl.

“Good morning” rinig ko ang malalim na boses galing sa sofa namin at pamilyar yun.

Dahan dahan akong lumingon dito, omygash! Fellix?

Napasigaw ako sa gulat.

“Anong ginagawa mo rito?” sabi ko at tinignan akong wall clock namin 7:00 am palang ng umaga.

“Nagdala sya ng umagahan anak, mag-good morning ka naman sa poging bisita natin, Lucy!” rinig kong sabi ni Mama galing kusina.

Tumingin si Fellix sakin at nakita kong nakangiti sya, gosh! Nakita yung mga pinaggagawa ko kanina!

“A-ahm, g-good morning sayo” nauutal kong sabi dahil nahiya ako, pagkasabi ko nun pumunta ako ng kusina.

“Oh bat mo sya iniwanan doon?” bulong ni Mama.

“Maghihilamos ako Ma! Nakakahiya bakit di ko sinabi nandito pala sya?” tanong ko habang naghihilamos at nagtoothbrush narin.

“Sarap ng tulog mo ih, syaka sabi nya wag ka na muna daw gisingin” sabi ni Mama habang nagtitimpla ng kape.

“Oh dalhin mo ito doon may aayusin pako” sabi ni Mama at inabot sakin yung tray na may dalawang tasang kape.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa sala dahil nandoon sya.

Nilapag ko yung kape sa lamesa, ramdam kong tinitignan nya lang ako kaya nailang ako.

“Ahm, a-ang aga mo dito boss ah, bakit may nangyari ba sa shop? Need na ba ako ngayon doon?” sunod sunod kong tanong sa kanya halos mabingi na kasi ako sa katahimikan.

“Again, Fellix. Luviane not boss, naiirita ako kapag tinatawag mo ko nun” honest nyang sinabi.

Natahimik nalang ako hindi ko na alam sasabihin ko? Ano sasabihin ko?

Musta tulog mo? Yay! Para ka namang ano Lucy!

Ahm, masaya kabang natulog?

Ilan unan mo? Hayst! Seriously Lucy?

Nanaginip kaba?

Kasi ako.

Napanaginipan kita”

“What?” rinig kong tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.

“Huh?” tanong ko.

“You said you dreamed of me, right?” tanong nya.

Gosh! Did I say it loud? Parang shunga kasi ih!!!

Narinig ko syang natawa. Happy ka! Issss!

“Namumula ka Luviane” sabi nya at tunawa sya uli.

Tumayo ako.

“Ahm, m-mauuna kana sa shop, pupunta narin naman ako doon, ahm,..m-magaayos lang ako” sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sunset In Paradise Where stories live. Discover now