Tanghali na ako nagising kasi sabado naman ngayun wala akong ganong gagawin.
"Good morning Mamalabs"bati ko kay Mama na ngayun ay busy sa pagaayos ng sala.
"Good morning ka dyan! Tanghali kana bumangot, sobrang dikit na dikit yang likod mo sa higaan mo! Seryoso Nak, nilalagyan mo ba ng glue ang likod mo?"
And yan na naman si Mama na rapper.
"Wala talagang tatalo sa inyo Mama, kaya Love na Love kita ih" sabi ko sabay nagbigay ng flying kiss pagkatapos ay dumiretsyo nako sa kusina namin kung saan nandoon narin ang lamesa, hindi naman kasi kalakihan itong bahay namin pero sakto lang para samin ni Mama
Tinignan ko ang phone ko at nakita ang message ni Shein doon.
Shein: Tara labas;)
Ako: Saan naman aber?
Shein: Rob,milktea tayo, ako manglilibre!
Ako: Ay eh? Yiee, sige-sige papaalam na me kay Mami!
Shein: Sige chat ka kung nasan kana ah! Basta diretsyo Rob nako.
Ako: Okay po! Labyu, mwah!
Sobrang laki ng ngiti ko natapos namin mag-usap ni Shein, pano libre na naman mga ses!
Matapos kong kumain at maghugas hinanap ko agad si Mama para suyuin alam nyo na.
"Maaaaa! Ako na po ang magpupunas dyan,Ma ako narin po akong magdidilig sa mga halaman, Ma ako napo ang mag-aagiw" masaya kong sabi.
"Bakit ano na naman kaylangan mo?"
Kabisadong-kabisado na talaga ako ni Mama.
"Ahhmm, kasi Ma, may pupuntahan po kami ni Shein hehe" need ko magpabebe
"Oh sige, basta pasalubong ko pag-uwi ah, sabihin mo kay Shein" sabi ni Mama.
Diba payag na agad si Mama, basta si Shein, seryoso ano pinakain ni Shein sa Mama ko? pero masaya naman ako kung anoman ang ginawa ni Shein kay Mama. Rupok ih
Mabilis akong tumakbo sa aking kwarto at naligo and nagbihis.
Nagsuot ako ng simpleng red off shoulder and white jeans, nagsuot rin ako ng white shoes at ang small shoulder bag ko, naglagay rin ako ng unting liptint para magmukhang tao, chos.
"Ma, alis na po ako, ingat ka po matagal akong babalik mga next year, joke!" natatawa kong sabi
"Mag-iingat ka Lucy ah! Pasalubong ko wag kakalimutan" sabi nya.
"Opo, Ma"
Lumabas narin ako ng gate pagkasabi ko nun, agad ko narin minessage si Shein na papunta nako.
Ako: Otw na, excited na bituka ko!
Shein: Gaga! HAHAHAHHA, sige ingat ka.
Pumara nako ng tricycle pagkatapos non.
Agad kong nakita si Shein sa lahas ng Robinson pero napatingin rin ako sa kasama nyang lalaki.
hakdog toh? gagawin akong third wheel! pero sanay nako! ganyan naman yan! At least may pagkain naman okay na yun.
Bumaba na ako agad sa tricycle at naglakad papalapit sa kanila.
"Ow, she's here na babe! May bebesis!" Excited na sabi ni Shein tumingin lang ako sa kanya na may pagtataka sa nakita at nagets nya rin yun agad.
"Ay, ahm, Zac, babe this is my bestfriend Lucy, yung nakwekwento ko sayo, and Lucysis, this is my hehe boyfriend Zac" sabi ni Shein.
And wait lang! May boyfriend na sya? Pang-ilan yan? Keylan? Saan? Bakit?
"Hi" saad nung Zac at naglahad ng kamay sa akin.
"Hello" ngiti kong sabi and tinanggap ko yung kamay nya.
"So tara na?" singit ni Shein.
And pumasok na nga kami sa loob, and dumiretsyo kami sa Macao Imperial.
Hinayaan ko nalang na sila ang mag-order dalawa, alam naman na ni Shein ino-order kong milktea so yun, and date nila ito! di ko manlang alam, ako siguro dinahilan nya kay Tita Agnes hay nakung bata!
Bumalik rin naman sila agad bago sila umorder. Magkatabi sila sa upuan at ako naman parang ewang nakaupo sa harap nila. #singleawkwardness
gets nyo yan alam ko."So, nice to meet you Lucy" biglang sabi ni Zac
"Ay haha, ako rin" sabi ko sabay tingin kay Shein, na nagpapahiwatig na wala na akong masabi, natawa sya.
"Ahmm, ako na kukuha ng order naten" pagkasabi ko non agad na akong tumayo.
Kinuha ko na ang apat na milktea, ay wait bat apat? Hayst hayaan mo na nga, kinuha ko rin yung fries.
"So babe, nasan na yung kaibigan mo?" narinig kong sabi ni Shein.
"He's already here babe" saad ni Zac
"Sige, para makilala rin ni Lucy!" sabay tingin sakin ewan ko kung may pahiwatig yun na 'this is your moment ghorl! Kaya sinama kita para magkabebe ka! Talino ko noh?', parang ganyan pero sana hindi.
And ewan ko kung bakit biglang gusto kong pumunta ng Cr! Naiihi ako! Agad? Bakit? siomay naman!
"Ahm, Shein, Zac, Cr lang ako" medyo na hihiya kong sabi.
"Samahan na kita sis!" sabi ni Shein natatayo na sana pero pinigilan ko sya.
"Wag na! Saglit lang ako, promise!" ngiti ko tapos kumuha ng fries para kainin at tumayo na.
Mabilis akong pumunta sa Cr and mabilis rin akong natapos, naghugas ako ng kamay syaka tumingin sa salamin, Cute parin! Okay.
Pabalik nako sa upuan namin ng bigla akong may nakasalubong na lalaki iilag na sana ako pero huli na, tumama yung braso ko sa dibdib nya.
"Awst!" sabi ko sabay hawak sa braso ko.
"Shit! I'm sorry miss"sabi nung lalaki.
Tumingin ako sa kanya, at bigla nawala ang sakit na naramdaman ko sa braso ko ng makilala kung sino iyon.
"Ikaw!?"
"You!"
Sabay naming sabi nung nakilala namin ang isa't-isa, agad na uminit ang ulo ko.
"Ikaw na naman? Yung lalaking di tumitingin sa dinadaanan! Argh, pangalawa na 'toh ah! sinadyan mo yun noh?! Bat ka nandito? Stalker ka!" sunod-sunod kong sabi di ko na alam pinagsasabi ko dahil sa inis!
Nakita ko rin ang inis sa mukha nya.
"You again, the girl who doesn't know how to apologize!" rinig ko ang inis sa tono ng boses nya "And what you just say? A stalker? Me?" turo nya sa sarili nya at sarcastic syang natawa.
And sya pa ang may ganang magalit? So ano? Isa na namang pangit na araw ito? Bakit napapadalas na? Hakdog na buhay! Arghh!
"Huh? Hakdog!" sabay talikod sa kanya, ayoko na, ayoko ng makipagtalo, lalo na't pinagtitinginan na kami dito.
"Fuck!"narinig kong mura nya pero hinayaan ko nalang, murahin nya yung hangin! Pasalamat sya di ako marunong magsalita nun! Pag-ako natuto! Joke, bad.
At ganun ba talaga kaliit ang mundo? Para magkita uli kami? Argh! At bakit anong ginagawa nya dito? Sinusundan nya ba talaga ako? Omygash! Baka may balak sya!
Well di ako natatakot, sino ba sya? Isa syang napakalaking Hakdog! Nakakairita sya! Sarap tirisinin!
_____________________________________
-♥️Keepsafe everyone! Lalo na po at may bagyo, love lots!
YOU ARE READING
Sunset In Paradise
RomanceLuviane Cyrine Reyes is a girl who loves to eat and it is her happiness but because of the food that makes her happy she met Fellix Ron Velasquez.