Nagising ako ng naramdaman kong may nagpupunas sa mukha ko dumilat ako para makitang kung sino yun at nalaman kong si Mama pala iyon.
"Ang init mo anak, ayos ka lang ba? Ano bang pinag-gagagawa mo?" sunod-sunod na sabi ni Mama.
"Ito uminom ka muna ng tubig" abot ni mama sa tubig.
"Huwag ka muna kayang pumasok"
Tumingin ako sa oras at maga-alas singko na ng umaga.
"Hindi po pwede Ma, ngayun kasi ang dating ng bagong boss namin"
"Oh magbigay ka muna ng excuse letter, hindi ka pwedeng pumasok na ganyan, maiintindihan naman ng boss yun"
Napahawak nalang ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit, bakit ba ako nagkakasakit? Hakdog naman.
"Dito ka lang, may kukunin lang ako sa baba" si Mama
Tumango nalang ako hindi ko na ramdaman na nakatulog pala ako, mataas na ang sikat ng araw ng magising ako.
Agad akong bumangon kahit masakit ang ulo ko, tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko, nakita ko alas-dose na ng tanghali, agad-agad ko rin nakita yung message nila Amir, Kyle at Daisy.
Kyle:
Nasan kana? Ayos ka lang ba?
Amir:
Ghorl nansan kana, binilinan kapa namin na wag male-late.
Amir:
Hoy! Babae nandito na yung bagong boss natin! ANG POGIIII!!
Daisy:
Lucy! Gising na tanghali na.
Hala! Bakit daw kulang tayo!!
Lucyyyy!!!!
Napasapi nalang ako sa ulo ng mabasa ko yun,
"Ang hakdog naman ng lagnat natoh!! Bat ngayun kapa dumating" napabulong nalang ako.
Agad kong minessage si Daisy.
Ako:
Sorry, kagigising ko lang masama kasi pakiramdam ko pero baka makakapasok rin ako ngayun,nagalit ba yung bagong boss natin?
Kinakabahan kong tanong, agad naman naseen ni Daisy ito.
Daisy:
Sabi na ngaba!! Huwag kana pumasok baka mas lalong lumala, ipagpapa-alam ka nalang namin, pero mukhang galit nga yung bagong boss, and alam mo ba sobrang seryoso sya!
Nilapag ko nalang yung phone ko sa lamesa at bumaba.
Nakita ko naman na nagaayos si Mama ng bahay.
"Oh anak, gising kana pala" agad syang lumapit sakin at hinawakan yung noo ko.
"Medyo sinat nalang pero magpapahinga ka parin, gumawa nako ng excuse letter mo, dumaan dito si Kyle kanina pinaabot ko nalang sa kanya" sunod-sunod na sabi ni Mama.
"May niluto akong lugaw doon, medyo maiinit pa iyon" dugtong nya
Tumango ako at pumunta sa kusina namin nakita ko naman agad yung lugaw at naglagay ako sa malaking mangkok at kumuha rin akong isang basong tubig syaka umupo sa lamesa.
Tahimik akong kumakain ng marinig kong may kausap si Mama sa labas
"Oh hijo, abay oo, may sakit sya, pasok ka muna sa loob" sabi nya.
"Thank you po, ito pa pala para sa inyo po, naiwan po kasi sa kotse ko yung pasalubong sana po sa inyo ni Lucy, so bumili nalang po ako ng bago" rinig na rinig ko ang boses na yun at alam ko kung kanino yun, at mukhang hirap sya sa pagtatagalog ah.
YOU ARE READING
Sunset In Paradise
RomanceLuviane Cyrine Reyes is a girl who loves to eat and it is her happiness but because of the food that makes her happy she met Fellix Ron Velasquez.