9. Ardens Aftermath

110K 4.2K 839
                                    

She's no ordinary girl. That's what I thought pagkatapos kong makita ang mga pangyayari sa selection hall. Anong ibig sabihin ng lahat ng nakita ko? Bakit naging ginto si Lara instead of turning into green, blue or gray? Anong ibig sabihin ni Caecus? Akala ko kaya lang siya nahirapan ay dahil double keeper din ito gaya ko. Marahil double keeper nga ito but what makes her different saakin?

Bumalik ako sa kumpulan ng mga estudyante sa harap ng hall na nanatiling sarado higit isang oras na pagkatapos magkagulo at palabasin ang mga estudyante at heads ng school.

Hindi parin natigil ang bulungan. Inaabangan kung ano ang mga susunod na mangyayari. Humiwalay ako at umupo sa isang sulok ilang metro ang layo sa mga tao. Mas kumportable ako kapag nag-iisa at walang masyadong ingay. Ilang segundo pa lang, pagkaupong-pagkaupo ko ay ginambala ako ng madaldal na kaibigan ni Lara. Nawiwirduhan ako sa puting buhok nito. Taga Westeros marahil dahil sa itsura nitong parang niyebe. Westeros ang pinakamalamig na rehiyon ng Cairos.

Taga Northun ako, ang rehiyon ng metal at kabundukan at hinuha ko'y taga Easteros si Lara dahil sa itsura nito; kayumanggi, kulay tsokolate ang mata. Itim na itim ang buhok nito na hindi madalas o kilalang kulay ng mga taga silangan. Karamihan sa mga taga Easteros ay kulay mahogany brown ang buhok. Marahil ay dahil na rin sa paghahalo-halo ng lahi. Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko namalayang kinukwentuhan na pala ako ng katabi kong may puting buhok.

"Tingin mo okay na si Lara?" Matinis na pagkakasabi nito habang nakatingin sa kumpulan ng mga tao.

Nagkibit balikat lang ako. Alam kong maayos na ang kalagayan nito pero saakin lang muna yun.
"Ang saya mong kausap no?"

"Huh?" Alam kong nainis ito sa di ko pagsagot. Hindi ko lang tipo ang nagsasalita habang may iniisip. Mas nakakapagfocus ako kapag tahimik and this noisy brat needs to go.

"Sabi ko masaya kang kausap. Mas madaldal pa ang bubuyog kaysa sayo. Diyan ka na nga!" Bato niya saakin at sinabayan ng irap bago ako nilayasan.
Napakunot noo na lang ako at lihim na napatawa.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pintuan. Tila mga manok na sinabuyan ng palay ang mga taong dinagsa ang harapan ng hall. Nagkabalyahan pa nga. Sa pagbukas ng napakalaking pinto ng Selection Hall, nakita kong lumabas si Master Uran kasunod ng Gemini ma tinawag ni master na Alpha and Omega. Nasa likod ng nga ito si Mistress Fhaun na nakaalalay kay Lara. Nakasuot ito ng bistidang kulay abo.

Nagsipalakpakan ang mga taga Draco. Natuwa din naman ako dahil kahit papano'y sa labinlimang bagong estudyante ay may dalawang nakapasok sa puder ni Lolo Arad, ang matandang lalaking head ng House of Draco.

Laking gulat ng lahat nang mapansin ng karamihan ang naging itsura ni Lara. Pati ako ay nagulat din. May pagbabago sa itsura nito. Ang dati'y itim nitong buhok ay mas umitim, parang mas kuminis ang balat nito... parang mas gumanda. I think that ritual might have transformed her. We'll aaminin ko maganda naman siya dati pero itsurang taga Easteros, barbaric na parang galing lang sa pangangaso. Ngayo'y para na siyang isang reiol, isang maharlika. Napakunot ang noo ko sa kaisipang yun pero hindi malayong maging posible. Nahuli ko itong sumulyap saakin. Napansin kong mas tumingkad ang kulay chocolate brown nitong mata. It felt weird... and awkward kaya umiwas ako ng tingin.

Normal lang naman na hangaan ang transformation ni Lara dahil halos buong Cairos Academy ay namangha din.
Natigil ang palakpakan nang muling nagsalita si Master Uran. "Keepers, tapos na ang ritual of ardens. Lahat tayo ay magtungo sa quadrangel ground para sa pagdiriwang at pagsalubong sa mga bagong anak ng akademya."

Yun lang at agad na nagtungo ang lahat sa isang malaking field na nasa likod lang ng house of monceros. Naabutan namin ang ilan pa sa mga tao na abala sa paghahanda ng mga pagkain. Natuwa ang marami at nagkanya-kanya ng kain at upo sa mga nakakalat na round table. May mga iba-ibang pakulo, mga booth, mga nagkalat na payaso at may nagtiteatro. Masaya ang marami pero tila may isang bumabagabag sa akin. Anong nangyari pagkatapos bumalik ang kulay ni Lara? Nagduda ako. Napansin kong naging normal na ang kalagayan nito na parang walang nangyari. Marahil ay nagawan ng paraan ni Master Uran at ang mga kasama nito. Ikaw ba naman ang napapalibutan ng mga makakapangyarihang nilalang?

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon