14. The Power of Five

94.3K 3.4K 435
                                    

Hindi ko alam kung bakit sakto ang gising ko. Halos tatlong oras palang ako natutulog ngunit tila timer ang katawan ko at bigla akong nagising dalawampung minuto bago mag-alas quatro. Kinatok ako ni Amber ilang minuto pagkatapos kong magising. Pabulong itong nagsalita.

"Lara, bilisan mo nagsusungit na naman yung boyfriend mo sa baba. Naiinip na."

Agad kong tinungo ang pintuan para pagbuksan si Amber. Agad naman itong pumasok dala ang isang malaking maleta.

"Magbabakasyon ba tayo?" Kako nang mapansin ang bag niya.

"Ano ka ba, pang dalawang araw lang yan. Bilisan mong mag-empake. Nasaan na ang mga gamit mo?" Natarantang sabi nito.

Tinulungan akong mag-impake ni Amber. Isang backpack lang ang dala ko. Mga damit na pangdalawang araw at pagkain. Hanggang sa mga oras na yun hindi parin talaga nakokondisyun ang utak at katawan ko na babalik kami ng Garon forest.

Dagli kaming nakababa. Madilim pa ang paligid at tulog pa angs lahat. Sa likuran ng selecrion hall ang aming tagpuan. Nag-hihintay dun sina Silex at ang nakasimangot na si Laurent. Talent talaga nito ang sumimangot habang nananatiling gwapo.

"Palabas na ang haring araw... bilisan niyo." Pabulong ngunit may lamang pagkabagnot na sabi ni Laurent.

"Heto na nga oh!" Bulong ko pero sapat na para marinig ng lalaki.

"Ang aga-agang LQ yan ah!" Buyo ni Amber na sinuportahan ng wirdo niyang kaibigan na si Silex. Naghagikgikan pa ang mga ito.

"Oh tara na!" Pambabalewala ni Laurent sa narinig.

Nagsimula na kaming maglakad paakyat ng brick wall sa may likod ng hall kung saan ilang kilometro lang ang layo ay mararating na namin ang nasabing kagubatan. Naunang umakyat sa pader si Laurent kasunod ni Silex at Amber. Sinubukan ko namang akyatin ang dalawampung pulgadang kataas na pader.

"Lara, kaya ba? Gusto mo isakay na kita sa walis ko?" Sigaw ni Amber mula sa kabila.

"Kaya!" Sagot ko habang nahihirapang akyatin ang pader.

"Lara... here... take my hand!" Isang pamilyar na boses mula sa taas ng pader ang narinig ko. Natanaw ko ang maputing mukha ni Alvis na inaabot ang kamay habang nakangiti. Napansin siguro nito ang taka kong ekspresyon kaya na niluwagan nito ang ngiti. Inabot ko ang kamay nito at malakas ako nitong hinatak paakyat ng pader. Napakalakas ng mga bisig nito. Nailipat niya ako sa kabilang gilid ng brick wall. Inalalayan naman alo nina Amber. Kasunod nun ay ang walang kahirap hirap ba pagtalon ni Alvis mula sa tuktok ng pader.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa tonong iyon ni Laurent ay halatang ayaw nito sa presensya ni Alvis. Lalo na't isa itong sikretong lakad at isa na itong initiate, nakasumpa na ng katapatan at paglilikod sa pamunuan ng Cairos.

"Isa ito sa mga sinumpaan kong tungkulin." Sagot naman ng lalaki.

"Pipigilan mo kami?" Tanong ni Amber na hawak na ang handle ng maleta at handa nang umalis. Suot pa nito ang kulay asul ba beach hat.

"Sasamahan ko kayo." Ani Alvis na may dala rin palang bag mula sa kanyang likuran.

"Maari kang maparusahan sa gagawin mo Alvis." Pagpapaalala ko sa kanya.

"Maari din kayong maparusahan sa gagawin niyo."

"Tara na. Hayaan na natin siyang sumama. The more the merrier!" Amber already decided.

Pinakiramdaman ko si Laurent ngunit tila pabor din ito sa pagsama ni Alvis.
"Magliliwanag na. Umalis na tayo." Yun lang ang nasabi nito at nauna na itong maglakad. Sumunod naman kami ni Amber at nasa likuran namin sina Silex at Alvis.

Mahaba ang nilakad namin mula Cairos Academy. Nakatirik na ang araw nang marating namin ang paanan ng Garon Forest. Hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko tuwing pagmamasdan ko ang masukal na gubat -nakakapangilabot.

Tumigil kami sa paanan ng kagubatan para kumain. Dahil kumpleto ang dalang gamit ni Amber ay hindi namab kami nahirapan sa pagluluto.

Nakaalalay naman si Silex sa tabi nito. Hindi ko alam pero parang may namamagitan sa dalawa. Bagay naman silang dalawa, sa itsura at sa pag-uugali at sa pananamit. Mukha nga silang magkakambal kung tutuusin.

Bigla ko na namang naalala si Cael. Ang aking kakambal. Nasaan na kaya ang kapatid ko? Hindi ba't nasa listahan siya ng mga prospects sa royal scroll? Kung hindi ba ako dinakip ay siya ang dapat nasa academy ngayon? Hindi kaya nagkamali sila ng kinuha? O hindi kaya nakaligtaan siyang kunin? Posible kayang dinakip ito ng masasamang loob? Mga katanungang hanggang ngayon ay hinahanap ko pa ng kasagutan kaya ako bumalik sa Garon. Isang lugar na kinatakutan ko na simula bata pa ako.

"Kumain ka." Dinig kong sabi saakin ni Laurent na sumulpot na lang sa aking likuran kasabay ng pag-abot nito ng isang hita ng ibon ma hinuli bila kaninang bago magtanghalian. Mukhang masarap ang amoy nun at maganda ang pagkakaluto. Inabot ko ito at nagpasalamat.

"Dahan-dahan mainit yan." Yun lang at tumalikod na uli ang lalaki. Bumalik ito sa pwesto niya at kumaing mag-isa.
Nginuya ko ang unang kagat ko sa pagkain. Masarap ang pagkakaluto nina Amber at Silex sa ibon. Maganda ang tambalan ng dalawa pati sa pagkain.

Nang paubos na ang aking pagkain ay nagulat ako nang dalan ako ng tubig ni Alvis. "Baka mabulunan ka." Anito saka tumabi saakin habang kumakain ng dala nitong peras. "Gusto mo?"

Hindi pa ako nakakasagot ay mabilis na nitong nahati ang prutas at saka ako binigyan.

"Ahem!" Dinig ko mula sa di kalayuan. Galing yun kay Amber na abala sa pagliligpit ng kinainan syempre kasama si Silex. Hindi na napaghiwalay ang dalawa simula kahapon.

Nang tangkain kong lingunin ko si Amber ay si Laurent ang una kong nakita. Masama ang tingin. Nakasimangot at parang maghahasik ng lagim.

Tumabi saakin si Amber ng magpaalam si Alvis na kukuha ng tubig sa bati na malapit sa kinaroroonan namin. May dala na naman itong balita panigurado.

"Salamat sa luto mo. Masarap." Inunahan ko na ito sa pambubuyo saakin.

"Well thank you at nagustuhan mo. Maiba ako, yang boyfriend mo, huwag mo naman tinotorture masyado. Nagseselos eh."

"Huh? Ba't naman magseselos yan?"

"Tignan mo nakasimangot. Parang isang pitik lang yan ng tenga ni Alvis papatayin na niya 'to." Bulong ng kaibigan ko.

"Lagi namang nakasimangot yan eh. Normal na yan sa kanya."

"Oo normal. Pero tignan mo naman, nagrireach out na yan sayo lately. Diba may pagbabago? Tapos itong anghel dela guwardia mo, umeeksena rin. Kunsabagay gwapo, parang laging kumikinang ang mukha sa sobrang kinis at laging mukhang fresh."

Napangiti ako sa tinuran ni Amber. Saka ako nito sinita.

"Yan mga ngiti na yan ah! Gwapo nga si Alvis. Isa yung katotohanan, plus may extra pakpak pa. Pero hindi magpapahuli si amang Laurent diyan. Bad boy man ang aura pero tignan mo naman ang hugis ng mata at tangos ng ilong. Plus may cleft chin pa at may tattoo! Subukan mong saktan si amang Laurent, Lara at kukurutin kita ng kukurutin hanggang sa lumabas ang natutulog na enerhiya diyan sa loob mo!"

"Andami mong alam Amber!" Natatawa kong sabi sa kanya.

Nang makabalik si Alvis ay nakahanda na kami papasok sa Garon Forest, ang pinakanakakakilabot at pinakamisteryosong kagubatan sa buong Cairos.

###

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon