19. Tale of Arang

96.4K 3K 136
                                    

Thank you for your interest in this story. This story can also be viewed on Dreame app.

You can also download the DREAME app to enjoy other exciting stories.

***

Bukang liwayway, ang pag-aagaw ng liwanag at dilim habang humahampas ang malamig na hangin sa paligid.

Kasunod nito ay ang napakagandang pagsikat ng haring araw. Para sa karamihan ay ito ang simula ng panibagong yugto ng buhay, isang bagong buhay o kaya'y isang hudyat na magsisimula na naman ang isang kasaysayan. Ngunit para saakin, ang bukang liwayway ay isang hudyat ng pagtatapos ng magdamagang


pangamba at takot ng aking pamilya. Takot na kahit minsa'y hindi nakatirik ang buwan ay dadakpin ang isa saamin ni Cael at tuluyan nang mawawalay.

Napapikit ako, isang malamig na bukang liwayway, habang humahampas ang malamig at preskong hangin sa aking mukha. Naalala ko ang aking pamilya, ang ngitian ng aking mga magulang. Ang masayang kabataan namin


ni Cael at kung papano nagbago ang lahat nang gabing sinunog ng mga kawal ang aming bahay kasama ang aking pamilya.

Sa gitna ng aking pagsusuri sa tanawing mabilis na nalalagpasan ng tren patungong Silangan ay naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Amber. Nakahalukipkip naman si ruru sa aking mga bisig na himbing na himbing sa pagtulog. Tinapik ng kaibigan ko ang aking likuran. Marahil ay napansin nito ang seryoso kong ekspresyon at


malalim na pag-iisip.

Huminto ang tren. Nakatulog pala ako pati si Amber na kayakap si Ruru.

Napangiti ako sa tanawin. Naisip ko kung gaano parin kabuti saakin ng tadhana dahil nabigyan ako ng pangalawang pamilya, mga kaibigan.

Tanaw ko na ang makakapal na berdeng tanawin ng Easteros. Nasa bungad kami ng Parisi, kalapit bayan ng Calon kung saan ako lumaki.

Naramdaman ko na naman ang sakit dahil sa di magandang alaala ng nakaraan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang kumatok sina Alvis at Silex ilang minuto matapos huminto ang tren. Nagising din sina Amber at ruru.

Sa aming pagbaba mula sa tren, napansin namin ang dalawa pang grupo ng mga kabataan. Ang unang grupo ay binubuo ng tatlong kalalakihang nasa edad bente singko pataas. Ang pangalawa nama'y dalawang lalaki at isang babae na kaedad lang namin, may kasama itong itim na lobo. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa mga


ito.

"Bounty hunters." Narinig ko mula kay Alvis. Nagkatinginan sila ni Laurent at halatang natuliro din ang mga ito.

"B-bakit may mga bounty hunters dito?" Medyo kabadong tanong ni Silex na bitbit ang bag kasama ng bag din ni Amber.

"Ang pagbubukas ng summer season ay ang season ng ninetailed monster na si Arang. Sa bansang Cairos, nasa mystic forest lang ng Parisi ang natitirang ninetailed creature na pinaniniwalaang lumalabas lamang tuwing tag-


araw. Ang taglagas, taglamig at tagsibol ay pinaniniwalaang hibernation period ng nasabing monster. Nandito ang mga yan para manguha ng hibla ng buhok mula sa buntot ng ninetails. " Amber spontaneously explained.

Hindi pa ito natapos at nagpatuloy sa kanyang kwento. "Isang mabisang ingredient ang buntot ng ninetails para sa pagpapahaba ng buhay at pagpapabata ng itsura. Karamihan sa mga nagbabayad sa mga bounty hunters para


manguha ng buntot ng ni Arang ay mga reiol o mga maharlika."

"Wala pa akong nakikitang ninetails sa buong buhay ko kahit na kalapit bayan lang namin ang Parisi. Naririnig ko na dati pa ang mga alamat tungkol kay Arang pero hindi ko akalaing totoo siya." Singit ko habang pasulyap sulyap sa mga bounty hunters na naghahanda na para sa kanilang paglalakbay patungong mystic forest ng Parisi.

Nang pasadahan ko ang listahang ibinigay ni Mistress Fhaun ay nagulat ako nang may mabasang Arang sa isa sa dalawampung listahang nakasulat. Nasa panghuli ito.

20. Arang coda

"Nabasa ko na yan." I heard Laurent from behind. "Panghuli sa listahan ang Arang coda o ang buntot ni Arang.

"Alam ko kung pano huliin si Arang because I have raised one. "The news surprised us. Lahat ay napatingin kay Laurent dahil sa binanggit nito.

"You have what?!" Amber automatically asked.

"Let's just complete this list. Kami na ang bahala kay Arang at kayo na sa labing siyam pang nasa listahan ni Mistress Fhaun nang makauwi na tayo. We have until tomorrow para matapos." Laurent refused to answer.

"Silex, ikaw na muna ang bahal sa dalawa," bilin ni Alvis. "Lara, mag-ingat ka." Ginulo pa ni Lavis ang buhok ko gamit ang mga daliri nito. Napansin kong umiwas ng tingin si Laurent at nauna nang maglakad papasok sa parang patungong mystic forest.

"Okay. Mauna na kayo!" Amber commanded bago ito dumukot ng kung anong bagay sa bag niya. Naiwan kaming tatlo habang sina Alvis at Laurent ay nakapasok na sa masukal ma kakahuyan.

"What's that?" I sounded seemingly exasperated seeing Amber holding four pieces of stick and a jar containing a white mouse.

"Watch and learn..." pasweet pang sabi ng babae na halata namang nagpapacute kay Silex. "Unum plaustrum obtulere formare!" Amber casted a spell. Itinapon nito ang apat na patpat sa lupa.

She gracefully waved her magic wand in the air in a circular motion; the tip of the wand leaving a silvery glitter that traced the circular movements created. Nang ituro ng dulo ng wand ang itinapong patpat ay nabalot ang mga ito ng silver blue glitters at biglang tila nabigyan ng huhay at nagsilakihan para makabuo ng isang carriage na gawa sa metal.

"Ohhh effective yung pinunit kong list of spells ni mistress Fhaun. It's the spell alchemy." She sounded proud.

It was the first time I saw her did the spell. "Now let's try this mouse." Anito habang binubuksan ang lalagyan kung saan nandoon ang daga. She gestured a graceful wave of the magic wand again as she released the moused.

A generous glittery line of dust came out of the magic wands tip then totally covered the running mouse.

"Oh!?" I was in awe looking how the mouse transformed from a small creature to a big white horse covered with metal shields. It looked like a warrior's battle horse. The wagon' shining silver lines that served as connecting ropes voluntarily moved hitching the horse's body to the wagon. Nakakamangha ang ipinamalas ni Amber. She's


a spell genius.

"Well now we have a wagon! And that's the end of the show. Ride on!" With all the enthusiasm Amber took the first ride on the magical wagon.

"Nice one Amber!" Puri ni Silex sa babae na bigla namang nag-blush.

Nang makasakay na kami sa wagon ay kumumpas uli ang kamay ni Amber na may hawak na wand sabay bigkas ng "Nunc celerrime moveri!" She cast a spell once more.

"Amber...Are you sure this is safe?" kinakabahan kong sabi. Awtomatikong napaupo ako at hinigpitan ang kapit bago pa nakapagsalita si Amber.

"Kumapit kayo ng mahigpit Lara... Silex." She cleared her throat and declared, "Let the race to the mystic forest begin!" Sigaw ng dalaga bago kami nabigla ni Silex dahil sa napakatuling takbo ngkabayong hatak ang wagon.

We are riding a bullet! Matulin ang takbo ng kabayong hilahila ang wagon. Halos hindi ko na makita ang mga tanawin sa gubat. Napatili ako habang si Silex ay pigil sa pagsigaw at mahigpit ang kapit sa bakal na upuan.

###

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon