23. The Great Escape

76.8K 2.6K 68
                                    

ALVIS

Totoo nga ang mga sinabi ni master Uran... may nag-eexist pang mga tenebris pero hindi ko inaasahang magiging ganto sila karami at magiging ganto sila kalakas. Tenebris -mga pinaniniwalaang mga rebeldeng keepers ng Cairos na naninirahan sa dark world. Sila ang tagapagtaguyod ng Black Prophecy, isang nakasulat na propesiya sa dark book at tanging mga tenebris lang ang nakakaalam kung ano ang nakasulat sa dark book na yun.

Ilang dekada na ang nakararaan nang mawala ang mga tenebris sa buong Cairos. Itinakwil sila ng council of magic ng bansa dahil sa tahasang paggamit ng ipinagbabawal ng itim na salamangka. Noong ika labing walong siglo, nagkaroon ng masinsinang diskusyon kung kailangan bang ipatapon sa dark world ang mga keepers na gumagamit ng forbidden powers dahil sa isang pangyayaring kagagawan ng mga rebelede na kumitil sa libo-libong mamamayan ng Cairos. Noong gabi ng debate ng council ay siya ring pagsalakay ng mga rebeldeng keepers sa kapitolyo na tinatawag ngayong tenebris o kampon ng kadiliman. Simula ng digmaan ng puti at itim na keepers, hindi na nakita pa ang mga tenebris. Ipinatapon ang lahat ng mga rebelde sa dark world-ang Atri.

Pinaghihinalaang may mga tenebris na dumadakip ng mga batang double keepers para gawing kasapi nila sa pagpapatupad ng Black Prophecy pero hindi ko akalaing sila rin ang sumalakay sa tahanan ng mga Hearthopia noong gabing iyon at tinangkang dakpin ang magkapatid na Lara at Cael. Akala ko'y mga kawal sila ng kapitolyo pero nalinlang kami nang gabing iyon.

Ang pagsalakay ngayon ay hudyat ng pagsisimula isang digmaan. Nagsimula ito nang magising ang natutulog na enerhiya sa katawan ni Lara at isinilang ang cyfrin na si ruru. Tunay ngang hindi pangkaraniwang nilalang ang babaeng dinakip at niligtas ko sa kapahamakan nang gabing iyon. Kaya pala higit pa sa sampo ang mga arkanghel na nagtulong-tulong para maging matagumpay ang abduction ng babaeng Hearthopia dahil sa mahalaga nitong papel sa Black prophecy. Si Lara at ang kapatid nito ang susi sa pagsasakatuparan ng black prophecy. Isang propesiyang hindi maaring mangyari hangga't nabubuhay ako sa sinumpaang tungkuling ipagtatanggol at aalagaan si Lara.

Hindi nila pwedeng makuha si Lara. 'Yan ang kanina ko pa tinatanim sa utak ko bago ihagis ni Laurent si Cael na parang isang laruan at nagsimulang maglabas ng mixed energy ball ang mga rebelde. Lagot na! Alam kong sa kalagayan namin ngayon ay hindi namin sila kakayanin.

"Alvis, pauulanan na nila tayo ng pag-atake!" Sigaw ni Amber na nakahanda na rin sa posibleng pag-atake. Hawak na nito ang magic wand. Napaatras ito kanina nang sumingit si Laurent sa magkapatid. Habang si Silex naman ay mahimbing na natutulog at nakahandusay sa tabi nito.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nagsimula na ngang umatake ang mga tenebris. Halos sabay-sabay nilang ihagis ang mga naglalakihang energy ball of different keeps. I saw Laurent covered Lara and Ruru with a summoned monster from his arm.

" Metallicis bullae!" Amber casted a spell covering Laurent and Lara. Marahil ay napansin nitong si Lara talaga ang target ng mga ito. The spell casted covered the two with a metallic bubble. Amber seemed to be an expert pagdating sa shield, no wonder dahil isa siyang water keeper kaya malakas ang depensa niya.

Hindi naging sapat ang metallic bubble na bumalot kina Lara. Nakailang hagis pa ng energy ball ang mga kalaban nang mapansin kong unti-unti nang nababasag ito. "Kailangan may gawin ako!" I muttered.

"Alvis! Itakas niyo na si Lara dito!" Narinig kong sigaw ni Laurent habang nakayakap sa babae at kay ruru. Mukhang may binabalak din ito para maitaboy ang mga tenebris. "Shit!" I heard him cursed.

Ilang segundo pa, bago mabasag ang metallic bubble ni Amber ay nakalusot na ang isang dark energy spear na galing sa kalaban. My adrenaline pushed me to leap and fly fast para harangan ang isa pang blazing dark arrow na tatama na kina Lara. I gathered my wings and abruptly spead them as I streched every tendon of it. Nang masiguro kong nasa saktong distansya na ako, umikot ako with my wings widely spread. I was forming a whirlwind defense as my wings voluntarily spin so fast like a tornado. Lumikha iyon ng isang malakas na hangin at pati mga tuyong dahon ay nasama sa aking pag-ikot. Naging mabisa ang counter attack na yun dahil nakaya kong ibalik ang bawat atake mula sa kalaban. Every energy arrows, spears and all forms of attack were broken and dispelled.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon