LAURENT
Damn! Nakailang ulit na akong lihim napapasuntok sa hangin habang pinapanood ang tulog na si Lara sa loob ng human container. I clenched my teeth twice harder when I saw the other four contenders came out of the human test tube one by one. Ilang minuto na ang nakakalipas at nakalabas na sa container ang apat na kalahok pero parang hindi pa natatapos si Lara.
"Lara..." narinig ko mula kay Amber na marahil ay nag-aalala na rin sa kaibigan matapos mapanood sa monitor nito ang pakikipaglaban ni Lara sa isang higanteng uwak.
"Ruuuh... ruuuh!"
Nahihirapan na rin akong pigilan ang sarili ko. Kanina pa si Lara at halos lahat ng mga tao ay nainip na rin. Napansin kong tila nahihirapang huminga kanina ang reyna kaya agad itong inilayo sa mga tao at dinala sa isang pribadong lugar.
"Laurent!" Narinig kong sabi ni Alvis. Alam kong sinasabihan ako nitong titigan ang kinalalagyan ni Lara.
Blood. All we saw was blood coming from Lara's hands. Kumalat ang likidong iyon sa loob ng container at halos hindi na maaninag si Lara. The crowd was shocked as well nang mapansin ang pagkalat ng dugo. Nang makita ko ang pagpupumiglas ni Lara sa loob ng container, mabilis akong tumakbo palapit dito. Naunahan ako ni Alvis na marahil ay boluntaryo na ring sumaklolo. Alvis tried to break the glass container using both of his fist but it seemed that the glass was too durable.
I held a force on my right grip. Kung hindi kakayanin ng ordinaryong suntok ang mga salamin na 'yon, kailangan kong magtawag ng kasangga. I'm going to summon demon Ferrum. Siya ang pinakamabilis tawagin sa lahat ng espirito sa kamay ko. Siya rin ang may kakayahanh wasakin ang matigas na salamin.
Bago ko pa maisuntok ang kanang kamao ko sa glass container ay naramdaman ko na ang pagsapi ni Ferrum sa buo kong braso. Bahagyang bumigat ang kanang braso ko. Ferrum took over. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang aking kanang braso at malakas na dinurog ang matigas na salamin kung saan nakakulong si Lara.
I broke the glass container at automatikong nasalo si Lara. Kasabay ng pagtalsik ng mga tubig mula sa loob ng nabasag na container. Naramdaman ko ang unti-unting paggaan ng aking kanang braso hanggang sa maging normal na ang galaw nito. Ferrum left without sa word again. Sa lahat ng aking summon, siya ang pinakamabilis tawagan at pinakamabilis ding umalis.
"Lara!" Tumatakbong sambit ni Amber habang may dinudukot ito sa kanyang universal bag.
"She passed out!" I shrieked as I carry her safely back to our cube. Narinig ko pa ang anunsyo na tapos na ang round five ng Olympics habang buhat-buhat ang walang malay na si Lara. I puffed a generous amount of air. Nahirapan akong tignan siya sa ganoong kundisyon kaya nang maibaba ko ito sa lupa at agad siyang inalalayan nina Amber at Alvis ay saka ako tumalikod habang hinahabol ang paghinga. I can't. I can't see her like that. Hindi ko kaya!
"Laurent, are you okay?" Tanong saakin ni Silex mula sa aking likuran. Marahil ay napansin nito ang biglaang pagbabago ng aking reaksyon.
"Yes. Just focused on Lara. The queen will pay for this. They will all pay for all of these." Wala sa sariling nasambit ko. Naramdaman ko na namang parang may mga naghahabulang leon sa braso ko. The usual way. Laging nangyayari 'yon kapag nagagalit ako at pinipigil kong kumawala ang galit mula sa aking dibdib.
Ilang saglit pa, habang hinihintay ko ang ikalimang pagsubok ay naramdaman ko ang paglapat ng isang palad mula sa aking likod.
"She's fine now. Nakatulog lang daw siya." Mahinahong bulong ni Amber.
Hindi ko na ito nagawang lingunin pa. Dahil pagkasabi ni Amber na nasa maayos nang kalagayan si Lara ay narinig ko nang tinawag ang mga kalahok sa ikalamang stage ng palaro.
BINABASA MO ANG
The Keepers [TKS#1]
Fantasy"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifters and witches A unison of newborn keepers In a written fate The darkest war is coming. Lara is abducted by an unknown archangel. A mysterio...