4. Unforeseen Raid

92K 3.4K 267
                                    

Five giant, grayish and scary stones mantled by green moss with eyes blazing in yellow surrounded us. Halos manginig ang buo kong katawan nang makita ko ang mga nakapalibot na ogres sa amin.

"Kuya." Napakapit si Miranda sa binti ng kapatid. Nanginginig ito sa takot at tila ayaw nang kumawala sa pagkakakapit sa lalaki.

"It's okay Miranda. You're safe with me." His voice was comfortingly calm. Hindi ko alam kung papaano niya nagagawang kontrolin ang boses sa kabila ng lahat ng kaguluhan. Marahil ay handa na siya sa mga ganitong eksena.

"I'll help you defeat the monsters," mahina ngunit dinig na sabi ng batang babae. Nakatingala ito sa nakatalikod paring kapatid.

Nilingon ng lalaki ang nakababatang kapatid. Napansin ko ang paggalaw ng mata nito patungo saakin. Mabilis niya akong inirapan saka ngumiwi ng bahagya ang kanang bahagi ng labi nito. "Ako na ang bahala dito Miranda. Huwag matigas ang ulo."

"Baka-" hindi ko na naituloy ang sasabihin. Sinalubong ng lalaki ang tuliro kong tingin saka bumawi at tumalikod.

"Hoy Miss, kargahin mo si Miranda at ako na ang bahalang humarap sa mga kalaban." Ani Laurent na hindi ako nilingon habang hinahabilin ang kapatid. Sa tingin ko'y ayaw nitong makita ko ang ekspresyon niya. Marahil ay bakas sa mga mukha nito ang takot.

"Sige." Nataranta ako at mabilis na nalapitan si Miranda. Hindi naman nagpumilit pa ang huli kaya mabilis ako nitong nayakap para magpakarga. "Kumapit ka lang Miranda. Your brother's going to be fine."

Nakatitig ang maluha-luhang mga mata ng bata habang kinakarga ko siya. Mabilis kong tinungo ang isang malaking puno ng acasia para pagtaguan. Halos kakababa ko pa lang kay Miranda sa likod ng punong 'yon ay kaagad nang nagpalabas ng malakas na apoy si Laurent sa kanyang katawan.

"D-dark keeper." Nasambit ko habang halos di kumurap habang pinagmamasdan ang aurang lumalabas sa lalaki.

"Double keeper si kuya. He wields both fire and dark. Pero mas dominante ang dark element sa katawan niya." Miranda explained habang nakayakap parin ito saakin.

Nakatanaw lang kami sa damohang 'yon habang pinagmamasdan ang pagpapalabas ng malakas na enerhiya ni Laurent.

I have seen how Cael wields fire on his hands. Akala ko'y napakalakas na niya pero parang nagkamali ako. Ang kapangyarihang taglay ni Laurent. Mas malakas pa sa inakala ko.

"Kuya!" Napasigaw si Miranda nang mapapansing sabay-sabay siyang hahampasin ng mga higanteng bato gamit ang malalaki nilang mga kamay.

I was not expecting the scenes that came after.

Laurent jumped about twenty feet high. Hindi 'yon kayang gawin ng pangkaraniwang nilalang. Habang nasa ere ito ay mabilis niyang binuo ang isang dark energy ball sa magkabila niyang kamay. Sasalubungin na sana siya ng hampas ng limang higante nang mabilis niyang tapunan ang mga ito ng dark energy ball.

Tinamaan ang dalawang giant ogre. Nagka-lasuglasog ang mga katawan nito kasabay ng isang malakas na pagsabog. Halos balutin ng alikabok ang buong paligid pagkatapos.

Sa gitna ng maalikabok na paligid ay nakikita ko parin ang patuloy na pagbuo no Laurent ng magkakasunod na fire and dark balls. Napuruhan uli nito ang isa pang giant stone ogre nang tangkain siyang tirisin nito pero mabilis niyang sinalubong ang mga kamay nito ng isang malakas na fire ball.

Napansin kong halos hingalin na ang lalaki nang tumagal ang pakikipagbakbakan niya sa mga halimaw.

"Ilag!" napasigaw ako nang makita kong hahampasin na siya ng higanteng kamay ng kalaban.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon