37. The Tenth

61.3K 2.6K 390
                                    

The credence was not possible at that moment. Papaano namin gagawin ang isang bagay na hindi namin alam kung papaano sisimulan? I believe Lara pero a unison raid seems impossible Lalo na't hindi pa kami ordained journeyman o mercenary keepers. All of us waited for her to speak.

"I know we could do it. This is team work. Hindi natin sila kakayanin kung kanya-kanya lang tayo. Individually, those keepers are strong and talented at mas advance sila sa skills. Pero I believe there is something in this team na kailangang makita ng council." Lara sounded convincingly.

Amber half-smirkingly shrugged. "I know how it works but I never tried the unison raid. Nabasa ko lang kung papaano. B-but still, it's dangerous."

"Let's do it." Laurent volunteered.

"I suggest Alvis and Laurent should do it. Saating lima, sila ang may mataas na agility, skill and keeps." Suhestiyon ni Amber na halos di na kayanin ang pwersa ng huling pag-atake ng ibang koponan. Napangiwi pa ito dahil sa sobrang lakas ng tinamong atake ng shield mula kay Scarlet, the red wing bearer.

"Seriously kami ni Laurent?" Bigla kong nasabi.

"Walang problema saakin." Laurent said blankly without looking at me.

Hindi ko itatangging may ilangan at kumpetisyon saaming dalawa. Pero kung para ito sa ikakapanalo namin, babalewalain ko muna ang tensyong namamagitan saamin. "Sige. We'll do it."

Pumuwesto ako sa harap ni Laurent at nag-antay ng instruction mula kay Amber. Nakatayo rin sa harap ko si Laurent na parang walang pakialammsa mga kaganapan.

"Gawin niyo kung anong ipapagawa ko. Dapat balance ang energy of keeps na lalabas mula sa inyo. Dahil double keeper ka Laurent, just use the fire property. Walang mas malakas at mas mahina sa unison raid. Walang mag-aangat ng level of keeps. Kapag nangyari 'yon, mapupuruhan ang mas mahinang property sa oras na pumalya ang unison. Now release your property!"

I release the property of light from both of my hands. Ganun din si Laurent. Pinagdikit naming ang mga enerhiyang lumalabas saaming mga kamay. Amber told us to measure each others keep. The tricky 0part dahil mahirap sukatin ang keep ng ibang property. Natagalan kami.

Halos mawasak ang shield ni Amber sa sabay-sabay na pag-atake ng dalawang koponan. Tila wala silang balak tumigil.

"Timbangin niyo ang isa't isa then combine your keeps like two ropes entwined! Bilis! Ilang saglit na lang at mawawasak na ang shield ko."

The unison was a bit easy since Laurent and I are fire and light. Pero ang pinakapeligrosong bahagi ay pagkatapos magsama ang dalawang property namin. Mas lumakas ang pwersang nasa pagitan namin at tila hinihila kami ng magnet palayo sa isa't-isa. Lumikha 'yon ng napakalakas na outward force na naging dahilan para mawalan ng balanse si Amber at mawala ang bubble shield na ginawa nito. Parang may isang malakas na lindol sa surface ng carpet habang pinipilit naming matapos ni Laurent ang unison raid.

Napasigaw si Laurent.

Amber screamed nang tamaan ito ng air whip ng kalaban. Lara did a counter attack with an energy ball. It was huge na halos ikagimbal din ng grupo nina Tanya. While Silex, Lara and Amber are both attacking and defending the carpet, Laurent and I struggled to accomplish the unison. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang enerhiyang nabubuo. Posibleng 'pag hindi namin napakawalan ang strike ay maubusan kaming pareho ng enerhiya ni Laurent.
We were able to form several flaming light beams but they were uncontrollable. Flaming beams strike everywhere. Hindi namin magawang pakawalan ang malakas na gravity na nakapulupot sa aming mga kamay.

Ilang saglit pa ay tila nasusunog na ang mga palad ko pati ang kay Laurent.

Amber shouted. Loud and clear. "Bilisan niyo! Your minds should be one! Kailangang iisa ang iniisip niyo at yun ay pakawalan ang flaming light beam na yan at puntiryahin ang Gemini! Combine your keeps. Then combine your minds!"

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon